Nagising si Ivy sa malamig na hanging humaplos sa kanya mula sa bukas na sliding door sa balkunahe ng kwarto niya. Bumangon siya para isara iyon pero napahinto siya nang makita ang isang pigura ng babae sa likod ng puting kurtina. Nakatayo ito at nakatingala sa langit, tulala. Lumapit siya rito at dahan-dahang inilapit ang kamay sa balikat nito para iharap ito sa kanya. Pero agad niya iyong binawi ng biglang magsalita ang babae.
"Masaya ako sa ginawa mo para sa akin ngayong araw, Ivy." mahinahon ito at nakangiti sa kanya. Napayuko naman siya at agad na pumatak ang mga luha niya.
"Pero hindi ako 'yon."
"Ikaw 'yon!" mabilis na sumagot ang babaeng kaharap. Nanginig si Ivy sa takot dahil sa mga nanlilisik na mga matang nakatitig sa kanya. Malayo sa maaliwalas na mukha nito kanina. Napaatras siya pero nanatiling nakikipaglaban ito ng pakikipatlgtitigan kay Velia -- ang babaeng kaharap. Ngunit masyado siyang mahina para titigan ito ng matagal. Napaupo ito sa takot at simula ng umiyak.
"Hindi ka ba masaya?" nakangisi ito sa kanya na mas lalong nagpanginig sa buong katawan niya. Napasinghap siya nang maramdamang nakasandal na siya sa sliding door.
"Velia, tama na!" halata sa nginig ng boses nito ang takot.
"Wala akong ginagawa, Ivy." ngisi nito sa kanya.
"Ikaw ang may ginagawa." may diin sa boses nito habang sinasabi iyon. Nakaturo ang maputik nitong hintuturosa dibdib niya. Pinangdidilatan siya nito ng mata na halos lumuwa na ang mga ito kaya mas lalo siyang natakot sa kanya. Tinulak niya ito at agad na tumayo. Pero isang nakakatakot na mukha ang bumungad sa kanya na siyang ulit ikinabagsak niya sa sahig. Duguan ito. Halos durog ang mukha nito at hindi mo na makikilala. Luwa din ang mga mata nito. Umaalingasaw sa buong kwarto ang nabubulok na amoy at langsa ng dugo na nanggagaling sa taong iyon. Gumapang paatras si Ivy pero nananatiling nakapako ang mga mata sa nilalang na kaharap. Tumutunog ang lasug-lasog na buto nito habang papalapit sa kanya. Maski ang manipis na balahibo ni Ivy sa batok ay nagsitayuan na rin. Rinig na rinig ni Ivy sa tenga niya ang bawat pintig ng pulso niya. Sa lakas nito ay parang hinaharangan nito ang ibang tunog sa paligid. Nanunuyo na ang labi at lalamunan niya at para ba itong naubusan ng lakas na gumalaw pa habang patuloy parin ang taong iyon sa paglapit sa kanya.
"Mamamatay ka!" iyon ang paulit ulit na sinasabi nito sa kanya.
"Hindi ako iyon. I'm sorry, Paul." iyon lang din ang tanging sinasagot niya rito.
Ipinulupot nito ang mga braso sa tuhod niya at doon nagtago. Malamig na kamay ang dumapo sa balikat niya. Dahan-dahang inangat nito ang ulo at napasinghap sa nakita.
"Ivy!" boses iyon ng katrabaho niyang si Lyn. Niyuyugyog siya nito dahil nakatulog pala ito sa kotse niya.
"Ano ba 'yang napapanaginipan mo at umuungol ka diyan? Boys ba 'yan?" sabay ngumiti ng nakakaloko. Hindi iyon pinansin ni Ivy at bumaba ng kotse. Bumaba narin si Lyn na agad naman siyang kinilatis nito.
"Oh my God, girl! Saang sulok ka ba ng mundo nagpupupunta at may mga putik 'yang damit mo?" tila nandidiri pa ito sa kanya. Chineck agad ng dalaga ang suot na damit. May mga putik nga iyon. Pero hindi niya maalala kung saan niya nakuha iyon. Ang ipinagtataka lang niya ay parehas ang suot niyang damit sa panaginip niya kanina. Panaginip nga lang ba?
"Saan pa nga ba?" agad silang napalingon sa pinanggagalingan ng boses. Si Regine iyon, katrabaho din nila. Nakataas ang kaliwang kilay nito at naka ekis ang mga braso. Nakanguso rin ang pulang-pula nitong labi habang tinitignan ng taas-baba si Ivy.
"Hindi ba at sa putikan ka naman talaga nanggaling, Ivy? Isang probinsyanang mang-aagaw." may diin ito sa huling salitang binitawan. Hindi iyon pinansin ni Ivy dahil ayaw niya ng gulo lalo pa at araw ngayon ng living ni Paul-- kasintahan ni Ivy.
"Umayos ka nga, Regine. Libing ni Paul oh, mahiya ka naman." awat dito ni Lyn sabay hawak sa braso ni Ivy.
"Totoo naman ah. Dahil sa'yo namatay si Paul." napalingon si Ivy dito.
"King hindi siya nakipagkita sa'yo no'ng araw na iyon, sana buhay pa siya hanggang ngayon."
"Anong koneksyon ko do'n? Regine, nawalan ng preno si, Paul. Wala akong kasalanan." iyon lang ang sinagot niya at tinalikuran na ito.Napatingin si Regine sa orasan. Pasado alas dos na pala ng madaling araw at ngayon lamang ito nakaramdam ng pagod. Inaliw nito ang sarili sa alak dahil hindi parin nito matanggap ang pagkawala ng nobyong si Paul. Pinatay nito ang ilaw at agad na napahiga. Matutulog na sana ito pero nakaramdam siya ng ingay sa labas ng kwarto sa condo niya. Natatakot man ay lakas-loob niyang buksan ang pinto para silipin kung saan nanggagaling ang kaluskos na iyon. Pero wala siyang nakita. Babalik na sana ito sa kwarto niya pero may taong nakaharang doon. Dali-dali niya iyon nilapitan. Ngunit bago pa man siya makalapit ay napahinto ito sa gulat. Isang babaeng putikan at nahalo na iyon sa dugo nito. Napatakip ito ng ilong dahil may umaalingasaw na amoy na parang nabubulok na bangkay at malangsang dugo. Napatingin siya sa babae habang iniisip na sa kanya nanggagaling ang masangsang na amoy na iyon. Hindi niya iyon matagalan at iniwas ang tingin dahil natatakot at nandidiri siya sa mukha nito. Luwa ang mata, at para na talaga itong naaagnas.
"If this is a joke, then it is not funny!" singhal pa niya rito. Biglang nawala ang amoy kaya inangat na niya ang ulo niya. Wala na ang pigura ng babae na kanina lang ay nasa tapat ng pinto niya. Para bang huminto sa pagtibok ang puso niya nang biglang sumulpot mismo sa harap niya ang naaagnas na nitong mukha na may mga uod pa. Kumaripas agad ito ng takbo pababa gamit ang hagdan sa condominium na iyon. Naririnig niya ang matinis na tili pero hindi niya napagtantong sa kanya pala nanggagaling ang boses na iyon. Takbo lang siya nang takbo kahit wala itong suot na tsinelas, hindi akalain na ilang palapag na ang nadaanan niya. Napahinto siya ng makita na naman ang babae sa harapan niya. She was not frightened nor afraid. What she felt is beyond mere nouns. Gusto man niyang tumakbo pabalik ay ayaw pumayag ng mga paa niya. Para bang napako ang mga iyon doon. Lalo nanlaki ang bilugan na niyang mga mata sa babaeng papalapit nang papalapit sa kanya. She can't even scream. She was paralyzed on the spot, fear is holding her in a tightening grip. Para narin siyang nasusuka nang tumapat na sa mukha niya ang ang naaagnas na mukha ng babaeng iyon. Bukod kasi sa inuuod iyon ay napakasangsang pa ng amoy nito. Kumikibot pa ang mga mata nito na parang gusto na mahulog. Halos sumabog na ang puso nito sa takot nang magsalita na ito lalo na sa boses nitong animo'y nanggagaling sa ilalim ng lupa.
"Mamamatay ka!" sa sinabing iyon sa kanya ay doon lang siya naglalakas na sumigaw at tumakbo.
Agad na sinara ni Regine ang pinto ng condo niya at siniguradong naka-lock iyon. Napasinghap siya nang makita na may pigura ng babae sa loob ng kwartong 'yon. Tumalim ang mga tingin niya dito. Nakilala niyang si Ivy iyon dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana. Nagtataka siya paano iyon nakapasok doon.
"Bakit ka tumatakbo?" nakakatakot ang pag-ngisi nito sa kanya.
"Paano ka nakapasok, ha?" namumutla man ito ay pinilit niyang magtapang-tapangan.
"Velia, please stop." lalong nagtaka ito sa narinig. Kinakausap ni Ivy ang sarili na para ba itong baliw. Biglang ngingisi at biglang iiyak. Mas lalo siyang natakot dito na halos maski luha niya ay ayaw lumabas sa mga mata niya. Iba ang awra ngayon ni Ivy. Napakalayo sa probinsiyanang mahinhin at maaliwalas ang mukha. Ngayon ay para itong baliw na takas sa mental. Ngingisi, tatawa, iiyak at nakikipagtalo sa sarili.
"Velia?" nagtataka ito dahil iyon ang binabanggit ni Ivy na pangalan sa sarili.
"I knew it! You're a psycho." napatuwid ng tayo si Ivy at diretso lang ang tingin sa kanya.
"Velia, siya 'yong imaginary friend mo, 'di ba? The one you always talk to sa loob ng cr sa office." napayuko ito at napaisip.
"As far as I know, Velia is an Italian word means "concealed". Parang ikaw!" diniinan nito ang huling sinabi at napatingin kay Ivy at dinuro ito.
"Maraming tinatago. Sino ka ba talaga, Ivy?" wala siyang natanggap na sagot mula kay Ivy, sa halip ay ngumisi lang ito ng nakakaloko. Dahan-dahang lumapit ito sa kanya.
"Gusto mo ba talaga malaman?" kinikilatis nito ang buong katawan ni Regine na para bang may gusto siyang gawin doon.
"Hindi na bale. Ang gusto kong malaman ay paano mo nalaman na nawalan ng preno ang sasakyan ni Paul? Wala pang sinasabing ganoon ang mga pulis." napatawa ng malakas si Ivy.
"Tama ka sa iniisip mo. Genius!" inilapit nito ang mukha sa mukha ni Regine. Napatakip na naman ng ilong si Regine dahil ayan na naman ang masangsang na amoy na kanina ay naaamoy niya.
"Kasi ako ang may kakagawan no'n, Regine. Ako ang dahilan ng pagkamatay ng nobyo mo." napatawa ulit ito na siya namang ikinaluha ni Regine.
"Bakit?" matikas nitong tanong.
"Eh kasi pinatay niya ako!" napapikit siya sa sigaw na iyon ni Ivy.
"Walang awa niya akong ginahasa! Hindi lang siya. Apat sila, Regine! Apat!" hindi man niya maintindihan ay nakinig siya sa galit na galit na si Ivy. Unti-unti itong nagpalit sa totoong anyo ni Velia. Nanlaki ang mata niya nang makita na iyon ang babaeng humahabol sa kanya kanina.
"Isang taon na ang nakaalipas. Binaboy nila ako. At no'ng tinangka kong tumakas ay binugbog ako ni Paul. Hinampas niya ako ng bato! Paulit-ulit! Nahihirapan na akong huminga at nagmamaka-awa pero nilibing niya ako! Nilibing niya ako ng buhay!" naiiyak siya sa narinig. Hindi makapaniwala na kayang gawin iyon ng nobyo. Pero nagtataka siya dahil parang kinakalaban nito ang sarili.
"Ate, tama na." umiiyak ito.
"Ivy?"
"Oh, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako si Velia. Ang walang-awang pinatay ng nobyo mo! Ang ngayon susunod ka na sa kanya!" agad niyang hinablot si Regine at pinalupot sa leeg nito ang kumot. Nagmamakaawa ito sa kanya pero hindi niya parin iyon tinigilan hanggang sa mawalan ito ng malay. Itinali niya leeg ni Regine sa kumot na iyon at saka pinilit buhatin sa balkunahe. Doon niya ito itinali at nilaglag para magmukha itong nagpatiwakal.
"Masyado ka kasing pakialamera." sabi pa niya rito.
Nakangisi ito habang palabas sa lugar na iyon. Nang nalaman niyang katrabaho ng kapatid na si Ivy ang nobya ni Paul ay doon namuo ang ideyang maghiganti. Lalo pa at nakikita at nakakausap siya ng kapatid. Lalo lang ginanahang maghiganti ito nang nalamang kaya niyang sumapi sa katawan ni Ivy. Ganoon pala kapag masyadong mapaghiganti ang kaluluwa mo.
"Malapit na mahal kong kapatid. Tatlo tao nalang. Papalayain na kita, Ivy. Pero sa ngayon pahiram muna si ate Velia ng katawan mo. Hahanapin ko sila at papatayin ko sila isa isa. Papahirapan ko sila hanggang sa hilingin nilanng mamatay nalang."
Siya si Velia-- at iyon ang tinatago niya.