Chapter 15: First Rule

108 9 1
                                    

Chapter 15: First Rule

"Salamat po, pasensya na din."

"Ayos lang Dia, naiintidihan ko naman." Nginitian lang ako ni Dr. Sylvia matapos sabihin iyon, napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya ngunit nahihiya na talaga ako sa kanya, maging kay Adelaine na nagbabantay kay Mama araw araw.

Dalawang linggo na ang nakakalipas ngunit ngayon lang muli ako nakadalaw kay Mama, mabuti na lang may dalawang araw akong pahinga bago muling ipagpatuloy ang trabaho ko ngunit mukhang bukas hindi ako makakadalaw maghapon dahil sa appointment ko with board of directors ng Blant Styl.

Hays hindi naman dalawa araw na pahinga iyon dahil kailangan kong pumunta ng ala una ng hapon bukas upang humarap sa board of directors.

"Magpahinga ka muna, mukhang pagod ka pa."

"Ayos lang po ako, tsaka gusto ko pong magpahinga muna si Adelaine ngayong araw sa pagbabantay kay Mama."

"Maayos ang pagpapalaki sayo ni Alondra, kasing humble mo ang magulang mo." Imbes na mapangiti sa sinabi niya ay mas nalungkot ako, naaalala ko na naman kasi 'yung mga tanong sa aking isipan. Kung sino ba talaga ang tunay kong magulang?

Kahit ginagawa ko ang mga royal thing ay nananatiling pa ring may mga tanong sa isipan ko. Ang mga tanong na hindi ko mabanggit sa harap ni Shaine at ni Ma'am Vel.
Pero isang tao lang ang alam kong makakasagot sa lahat ng mga tanong ko, si Mama na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa kama dito sa hospital.

"Sige maiwan na kita, kailangan ko pang magmonitor sa ibang room."

"Thank you po ulit." Nakangiti kong tugon, lumabas na din agad siya kaya naiwan ako mag-isa dito sa loob ng kuwarto ni Mama.

Pagkuway ay inilabas ko na din mula sa  dala kong paper bag ang ilang prutas at juices na binili ko kanina. Isa isa ko iyong inilagay sa maliit na refrigerator na nasa kusina ng kuwarto. Nakaprivate room si Mama, samantalang hindi ko naman ni-request na dito si Mama i-assigned ni Dr. Sylvia. Ngunit ng malaman ko na si Ma'am Vel pala ang nagpalipat sa room niya ay hindi na ako tumanggi, nakakahiya naman kasi kung tatanggihan ko ang alok niya tapos puro katigasan ng ulo ang ibinabalik ko sa tuwing may kailangan ayusin ang mga results ng test at performance ko.

Tulad na lang kahapon, sobrang nahihiya na akong harapin si Ma'am Vel matapos kong bumagsak sa test na ibinigay niya about sa pinag aralan ko ng isang linggo. Paano ba naman ako hindi babagsak kung ano ano kasi ang pumapasok sa isip ko. Maraming bumabagabag sa aking isipan kahapon kaya hindi ako makapagfocus ng ayos.

Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya sa susunod na linggo. Hindi ko pa nababanggit kay Shaine ang tungkol sa nangyari kahapon kaya hanggang ngayon ay spaced out pa rin ako sa kung ano ang bumabagabag sa isipan ko.


"Mahal ka no'n kaya huwag mo ng isipin kung anong ginagawa niya." In the middle of nowhere ay may narinig akong boses mula sa pinto ng kuwarto ko.

"Kamusta ang test mo kahapon? Pasensya na hindi na kita natawagan."

"Mabuti naman at buhay ka pa."

"Haha, bakit ang taray mo ngayon? May dalaw ka ba? Pahingi ako ng isa." Biglang lumapit si Shaine at kumuha ng apple sa pinapatas kong prutas.

"Soan mo 'to bonulo?" Ito na naman ang babaeng ito, nagsasalita na may laman ang bibig what I mean is bunganga.

"Kung nandito si Ma'am Vel for sure pinagalitan ka na naman no'n." Tumigil siya sa pagnguya at tiningnan ako ng masama.

"Huwag mong ibahin ang usapan. Kamusta kako ang test mo kahapon?"

"Huwag mo ng alamin, hindi ko kailangan ireport sayo lahat ng results."

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon