Chapter 17 (part 1)

253 5 21
                                    

Everyday that I've spent here in Vegas is wonderful, ikaw ba naman ang magising every morning at mukha agad ni Wess ang sasalubong sayo, tapos yung ang anim niyang hot pandesal ang bubungad sayo? O edi huwaw?!

Although I admit na talagang super hectic ng schedule namin. Paano ba naman minamadali ang pagpapagawa sa hotel kasi kailangang maihabol ngayong taon. E hindi pa rin naman namin nakakalimutan to spend time with each other.

Mula nang umagang iyon, yung umagang niyakap niya ako habang natutulog kunwari siya, eh parang ang sweet na niya sa akin. Syempre umaasa nanaman ako. Marami na kasi akong nabasa na magbestfriend sila tapos in-denial lang pala etong si boy, baka gnun din sya.

Para kaming mag-asawa. Sa umaga, ako ang magpre-prepare ng breakfast. Tapos gigisingin ko siya. He will arrange the table and wait for me. Sabay rin kaming pumapasok o pumupunta sa site. Sa ngayon wala akong balita sa aso-este kay Mikaella. Hindi ko naman naririnig na magkausap sila ni Wess sa site.

Wess, on the other hand is always happy. Parang hindi namam niya namimiss si Mikaella. Andito naman kasi ako. Hanu daw? Charot lang.

"Ianne, can you fix my tie? Kailangan ko kasing sagutin itong tawag ni daddy."

Lumapit naman ako agad sa kanya, at sinimulang ayusin ang necktie niya. Feeling ko ako ang asawa.

"Hello dad? Yes dad.. 7:00 dito dad.. yes, papunta na po kami sa site. Yes dad inaayos na po yung first floor, yung resto and yung aquarium pa dad.. Ok dad, anong oras yung flight niya. Sigi dad, I'll try na sunduin siya. Kung hindi ako makakalabas, si manong Joel na lang ang susundo..."

Sumenyas akong tapos na. He smiled at me. Tumalon talon nanaman etong si gagang heart. Ngiti lang yun ha. Thanks Ianne, he murmured.

Umakyat na ako sa room ko to prepare. Napatingin ako sa kalendaryo. Its been 4 months since umalis kami sa Pilipinas at inasikaso ang hotel dito. Masaya ako, masaya kami. That's what's important.

Kami lang dalawa. Walang Mikaella, walang Rhed. Kaming dalawa lang.

Nagising ako sa panaginip ko nang tumunog yung phone ko.

"Hello?"

"Hi Ianne sweety, kumusta ka naman jan? Inaalagaan mo naman sigurong mabuti yung boyfriend ko?"

Tiningnan ko ang caller. Bakit ba tawag siya ng tawag sa akin? I-block ko nga tong number niya mamaya

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Boyfriend? Meron ka ba nun? Tsaka bakit mo sya hinahanap sa akin? Hindi ko naman siya itinago."

"Hahah. So pinaniniwalaan mo pa rin na ma-i-in-love sa'yo si Wess? Shocks Ianne, try mo rin kayang manood ng news, showbiz o kaya naman ay gumawa ka ng tweeter at i-follow mo ako."

"I think kelangan ko nang tapusin itong tawag na ito, nakakaistorbo ka na. tinatawag na ako ni Wess."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Mikaella. Bakit niya ba ako tinawagan? Para lang sabihin na alagaan ko si Wess? O para sabihin na manood ako ng tv?

Sinindian ko yung tv. Actually hindi naman kasi talaga ako nanonood ng news. Wala kasi akong time eh. Aba naman at showbiz talaga ang naabutan ko ha. Papatayin ko na sana nang mabasa ko yung nasa ilalim na words.

Interview with Mikaella Michelle Montaverde.

Ayan guys mabuti naman at pinagbigyan tayo ni Miss MM na mainterview.

"Hello Miss MM kumusta naman ang shooting ng bago mong teleseryeng 'aanhin pa ang pag-ibig?'"

"Hello din Kish. Eto ok naman. Mejo awkward nga lang dahil ngayon ko pa lang makakatrabaho si Vince. Tapos may lovescene pa."

Hay nako, kung alam ko lang sigurado gustong gusto niya yung lobe scene eh. Asar!!

"Ay nako Miss MM, sigurado naman ako na mapoportray mo ng maayos ang bawat scene. Ikaw pa, ang galing galing mo nga eh."

"Naku hindi naman po. Hahaha. Sabi ko nga mejo awkward kami sa isa't isa."

"Sigurado ay mataas nanaman ang rating ng teleserye mo. Ang balita namin ito na ang huling teleseryeng gagawin mo? Bakit?"

"Hindi naman po pero mag-la-lie-low po muna ako sa industriya. Mahirap naman pong magstart ng panibagong teleserye o movie tapos bibitinin ko right?"

Huh? Anong nangyayari? Aalis na sa pag-aartista si Mikaella?

"Yes tama ka naman jan miss MM. Mahirap nga naman lalo na at ikakasal ka na. Syempre ikaw ang mag-aayos ng lahat lahat. Ikaw ang mag-aasikaso ng everything."

Ikakasal? What the hell is going on in here? Ikakasal siya, malamang kay Wess, pero bakit si naman nabanggit sa akin ni Wess na niyaya na niya si Mikaella na magpakasal?

"Haha. Yes naman, syempre gusto ko hands on ako sa lahat ng detalye ng kasal ko. It will be a wedding of the century."

"Maaari mo bang i-share sa amin yung information tungkol sa kasal ninyo?"

"Actually hindi pa namin yan napagpla-planuhan. As you all know, busy pa ang fiancè ko sa mg hotels nila. Haha. Syempre, inaayos na niya lahat bago ang kasal namin."

"Naku miss MM, napaka-understanding mo naman. Hindi ka ba na-tr-threaten na baka maagaw ang boyfriend mo? de Silva siya right? Hinahabol siya ng mga babae. Paano mo napapanatili na sayo lang siya?"

"Actually, I don't know as well. Bakit ba siya loyal sa akin. Ano ba ang ginawa kong maganda at siya ang naibigay sa akin. Haha. And no naman, I don't feel threatened kasi alam kong loyal siya. At alam ko rin na mahal na mahal niya ako."

"Ayan, nalaman na natin ang totoong estado ng personal life ni Miss MM. Panoorin ang full interview on Sunday. Imbitahan mo na sila na manood ng bago mong teleserye miss MM."

"Hello po sa inyo ng lahat na nanonood ng tv, lalo na po sa aking mga fans, gusto ko po kayong imbitahan na manood-"

Hindi ko na tinapos ang panonood. Para akong nauupos na kandila. Parang namamanhid yung buong katawan ko.

Talo na ba ako? Wala na ba talagang pag-asa? Hindi ba talaga pwedeng ako na lang? Ganon na lang ba iyon? Dahan dahang pumatak ng mga luha ko. Masakit mahirap, hindi nako makahinga.

"Ianne, tapos ka na ba?"

Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko si Wess. Mabilis kong pinunas ang mga luha sa mata ko.

"Hey, hey, baby what's wrong? Anong nangyari bakit ka umiiyak?"

"Wess, kailan mo balak ipa-alam sa akin na niyaya mo na palang magpakasal si Mikaella?"

"Ianne-"

"Oo Wess, alam ko na. Narinig ko kanina sa balita. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Hindi mo naman kailangang magpaalam eh. Oo alam ko iyon, pero inaasahan kong sasabihin mo sa akin."

"Ianne, I'm sorry. Alam ko namang magagalit ka kapag niyaya ko si Mikaella na magpakasal basta basta lang. Sasabihin mo sa akin na dapat pinagpla-planuhan yan. Na dapat sinisigurado yan. Pero Ianne, sigurado na ako. Handa na ako."

Tama si Wess. Sasabihin ko nga ang mga iyan sa kanya. Pipigilin ko nga siya pero-

"Ianne, are you still in love with me? Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil mahal mo pa ako?"

I closed my eyes, and wished that everything is just a dream. Aamin na ba ako? Pag ba umamin ako, may posibilidad na i-ca-cancel ang kasal?

Thank you for reading ^-^

-carmela-

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon