I

32 8 16
                                    

"Dear ano ba, HAHAHAHAAH" natatawang suway ni Jeya sa kanyang kasintahang si Carl Jans.

Si Jeya Hernandez ay kasalukuyang nag aaral sa isang Community College habang si Carl Jansen Balencio ay nagtatrabaho sa mall.

Naka ugalian na ni Jeya na tuwing pagtapos ng klase nya ay pumupunta sya sa mall at hini hintay ang kanyang kasintahan.

"Dear, tingnan mo sa labas madilim na diba? Ganyan Mundo ko pag Wala ka! HAHAHA "  banat ni jeya na ikinangiti Naman ni Carl.

"Dear, Halimbawa ako yung shooting star, ano hihilingin mo?" seryosong Saad ni jeya.

Nagdadalawang isip man ay sumagot si Carl.

"Dear, Please don't bring me to the war tapos iiwan mo kapag napagod kana. Huwag mo kong dalhin sa dagat, then you'll swim away because it's too deep to handle. " nakangiting Sabi ni Carl

"Wish granted my dear."

"How about you?"

"Huwag mo akong pangakuan ng mga bagay na Hindi mo kayang tuparin."

Mahigit 6 buwan pa lamang Ang relasyon nilang dalawa ngunit komportable na si jeya Kay Carl. Si Carl Lang Ang gusto nyang makasama.  Madalas nga pag pumupunta sya sa simbahan lagi nyang pinagdarasal sa diyos na Sana si Carl na talaga ang para sakanya. Dahil ngayon lamang sya nagmahal ng ganito.

Si Carl Ang nagiging inspirasyon at motivation nya para makapagtapos ng pag aaral.

"diba dear gusto mo mag travel sa korea?" tanong ni carl. Biglang lumawak naman nng ngiti ni jeya dahil Isa ito sa mga pangarap nya.

"oo talaga, sasama kaba?" nagbibirong Turan ni jeya

"of course, sabay tayong mag tatravel papuntang Korea, pati sa Ibang bansa, tapos magpapakasal na Tayo" seryoso namang sagot ni Carl na mas lalong nakapagpahulog ng loob ni jeya.

Sa isip  nya ay hinihiling nya na Sana ay magkatotoo ang lahat.  Dahil pagnagkataon sya na nng pinaka swerte at pinakamasayang babae sa Mundo.

Para kay jeya ay perpekto ang kanilang relasyon, kahit nagkaroon ng mga bangayan at mas pinipili nya na umintindi.  Ang sarap magmahal. Lalo na at Mahal ka rin ng minamahal mo.

Kahit sya lagi ang naghahabol at nanunuyo. Kahit napupuyat sa kahihintay. Kahit pumapasok syang namumula ang mga mata dahil sa pag iyak.  Hindi nya iyon ikinahiya, dahil ang tanging rason nya ay Mahal nya si Carl. Na kung ano man ang ginagawa nya ay dahil sa nagmahal lang sya.

Alam nya ,at nararamdaman nya na Mahal na Mahal din sya ni Carl. At alam nya na lahat ng ginagawa nya ay worth it at ginusto nya na hinding hindi nya pagsisisihan kaylan man.

Legal sya sa side nti Carl at labis nya iyong ikinatutuwa, malapit din sya sa mga kaibigan ni Carl at Lalo na si Carl sa mga kaibigan nya.
Minsan nga ay nakausap nya ang kaibigan nito na si Ella, nagkukwento ng mga kabulastugan ni Carl noon, matalik na kaibigan ni Carl si Ella kaya walang nabuong takot sa puso at isip nya na baka mahulog sa kaibigan ang nobyo nya. Kahit ito ay nangyayari Naman talaga sa realidad.

December ngayon at sa kasamaang palad ay kakatapos lamang sumalanta Ng bagyong Tisoy.
Labis na pag aalala ang naramdaman ni Jeya dahil, walang Kuryente, at matatagalan ang pagkumpuni nito panigurado. Sa kamalasan din ay nawalan Ng signal. Kayat nag aalala sya dahil ilang araw na silang walang komunikasyon ni Carl .

Patawad, PaalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon