CHAPTER 2

17 11 2
                                    



Maru POV

Tinitignan ko ang bagong manicure kong kuko. Ang ganda! perfect na perfect sa maganda kong kamay. Proud ako sa sarili kasi akong ang gumawa at nag desenyo. Poor this one kung masisira lang sa missions  that actually really made me pissed all the time.

"I heard may transferee daw.." aniya Jareth habang nakasandal sa sofa at nakalagay ang mga kamay sa likod ng ulo. Halatang bored na bored siya.

"Oo nga, pero nakakapagtaka hindi naman sinabi ni Headmaster kung sino." sabat ni Ros na nakapikit ang mga mata.

"Yes, I heard it too. 'Di ba last week pa nagsimula ang klase pero hindi pa s'ya pumapasok." Nagtatakang sabi ni Liam.

Lahat kami nagpatingin sa kanya pero except sa dalawang halatang walang pakialam sa paligid nila, ang isa ay seryosong nagbabasa ng libro at ang isa naman ay natutulog lang sa isang mahabang couch. Mukhang wala lang silang narinig at busy sa sarili nilang mundo.

Napailing na lang ako ganyan naman talaga sila basta ramdam nila na hindi importante ang pinaguusapan, hindi sila magbibigay ng atensyon at pakialam. Napabuntong hinga na lamang ako at ibinalik ang atensyon sa magaganda kong kuko.

Bakit ang ganda ng kuko ko? Mainggit na ang mainggit.

"Oo nga no! Last week pa nga akong excited na makita s'ya eh, tapos hindi ko pa makikita." Nakangusong sabi naman ni Luis. Ang OA talaga ng babaeng 'to. Napairap na lang ako sa kaartehan niya.

"Ang OA mo alam mo yun? Ang sabihin mo magpapacute ka lang kung lalaki ang transferee.." pang aasar ni Jareth kay Luis. Sinamaan siya ng tingin ni Luis. Nice Jareth at Luis ang naisipan mong pagtripan.

"Ohh shut up Jareth! Huwag mo'kong itulad sa'yo no! Na kahit kailan at saang lugar ay lalandi!" inis na sagot ni Luis.

Ayan maga- away na naman sila sa harap namin. Like everyday na lang. Walang break time ang dalawang 'to.

"Hindi ako malandi Luis gwapo lang talaga ako kaya maraming lumalapit sa akin na mga babae. Hindi ko kasalanang malakas charisma ko."

"Charisma mo mukha mong paa!"

"Mukha mo parang puwet! Mukha mo mabaho! Amoy imburnal HAHAHAHA.."

"Bunganga mo mabaho! Ew kadiri Jareth ha subukan mo kayang magsipilyo para kumintab naman 'yang kaluluwa mo at bumango 'yang pagkatao mo."

'Tong dalawang to kahit kailan para talagang aso't pusa. Walang pinililing lugar kung mag-away. Hindi na nahiya sa mga kasama nila rito, kung mag-away akala mo silang dalawa lang ang tao. Sarap pag-untogin e.

"Pwede bang magsitahimik kayong dalawa, nakakarindi mga boses nyo" naiiritang sabi ni Liam sa dalawa. True Liam! I'm agree with you!

Nakita ko silang nagbatohan ng masamang tingin siguro mga tatlong segundo pagkatapos nag-irapan na silang dalawa at kapwa sabay pinagkrus ang mga braso at sumandal sa couch. Mga baliw

"I heard kung hindi pa s'ya papasok next week tatanggalin na s'ya.." sabat ni Samantha.

Napatango na lang ako. I wonder kung sino s'ya at kung ano ang rason nya bakit 'di s'ya pumasok. Kasi sa pagkakaalala ko wala pang estudyante ang umabsent ng isa o dalawang araw sa unang linggo ng pasukan, s'ya pa lang talaga at isang linggo pa. Kung sino man s'ya ramdam kong hindi lang s'ya basta basta. My instinct tells me so and I know my instinct very well. Can't wait to see and maybe play with her. *Smirk

THE BURNING FROST  (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon