One shot story

23 3 4
                                    

"Hoy pakopya assignment sa philo!"


"Hoy ako din!"


"Uy may sagot ka na sa entrep?"


Kakapasok ko pa lang sa classroom pero nangingibabaw na ang sigawan ng mga kaklase ko. Nakakairita sila kasi homework pero sa school ginagawa.


Dumeretso na lang ako sa usual spot ko― malapit sa bintana at agad na kinabit ang earphone ko at pumikit.


Lumipas ang kalahating oras nang maramdaman kong nawala ang kaguluhan kung kaya't minulat ko ang aking mga mata.


Nandyan na pala si Ms.Arellano


Tinatamad akong tumayo uang makisabay sa pagbati sa masungit naming teacher.


"Good morning Ms.Arellano" sabay sabay na pagbati nila ngunit as usual tumango lamang ito.


Masungit siyang teacher ngunit hindi mapagkakaila na siya ay mahusay sa larangan ng pagtuturo.


Nagsimula na siyang magbukas ng pahina ng kanyang libro ng mapatigil ito― dahil sa bulungan ng mga classmates ko.


"Uy grabe nabasa ko yung article tungkol sa covid 19 nung taong 2020―"


"Hala Mia ako din nabasa ko, grabe pala yung pandemic na yun no?"


"Oo nga eh tapos nabasa ko din na marami pa lang namatay doon na mga frontliners."


"Grabe nakakatakot, ang swerte natin kasi hindi natin naabutan yun."


Naputol ang pag uusap nila ng pabulong nang makitang nakatingin sa kanila si Ms.Arellano.


Lagot sila


Halatang kinabahan ang mga kaklase ko nang ayusin ni Maam ang kanyang salaman at tumitig sa kanila ng sandali.


Ngunit nagulat ako sa sinabi ni Maam―


"Mia, Would you mind sharing to us kung ano ang nabasa mo sa article na sinasabi mo?"


"A-ah e-eh Maam―"


"Don't worry i'm not mad, in fact i think that's interesting" pagputol ni Maam sa kanyang utal utal na pagsasalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Utterly TragicWhere stories live. Discover now