Nabigla na lang ako nang hilahin ako ni Luna at iginiya sa may dance floor. Umakyat pa kami sa medyo mataas na bahagi, kung saan nakapwesto ang ibang mga naggagandahang babae na seksing gumigiling habang nakahawak sa pole.
Nang makita kami ng ibang babae ay agad silang nagsibabaan. Isang tingin lang ni Luna ay naintindihan agad siya ng mga babae dun.
"Luna, bakit nandito tayo?" Natatawa kong sigaw sa kanya. Masyado nang maingay. Mula nang umakyat kami sa stage at nakita ko ang mga kalalakihan na biglang nagsigawan na may kasamang pag whistle. Tila excited sa gagawin namin ni Luna.
"Dance Zandy, there are lots of gorgeous men meddling at you."
I saw Luna signalling the DJ. Lalong napalakas ang mood ng mga tao sa dance floor nang mag umpisa ng mas nakakaindak at sexy na tugtuging ng DJ. Nilaro laro ng DJ ang kantang Hey Mama of Guetta and Nicki Minaj.
Nagwawala ang mga tao sa loob ng bar, naging steamy ang atmosphere. Everybody likes the mood of the music. Naging clingy ang magpapartner. It's like they really want to dance in erotic way.
I saw Luna grind her sexy hips. She dances with grace but moves like she desires someone to be with her in bed.
"Come on Zandy!" pasigaw pa nitong tawag sa akin.
Okay! Minsan lang naman. Wala naman si Neith kaya magagawa ko ito. Huminga ako ng malalim at sasayaw na sana nang may nag abot sa akin ng baso na may lamang alak. Madali ko itong kinuha at dire-diretsong ininom.
Ang tapang ng alak na iyon, gumuhit ang pait sa lalamunan ko pero mas nakaramdam ako ng lakas ng loob na gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa.
Humawak ako sa isa sa mga pole sa stage, ginaya ko ang paraan ng pagsayaw ni Luna. I grind my hips slowly. Lalong naging maingay ang mga tao sa club. Daig ko pa ang ibang dancer na babae na sine-seduce ang pole na hawak ko.
Pareho kami ni Luna na parang malanding nang-aakit sa pagsayaw. Mabagal naming iniikot ang aming mga ulo at tila nkikisama ang aming buhok na nakadaragdag sa sexy dance. Pareho pa kaming tumatawa sa stage. Halatang natutuwa kami sa aming ginagawa.
Medyo umiikot na ang aking paningin pero gusto ko ang aking ginagawa. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Parang rebelde na ginagawa ang mga bagay na pinagbabawal.
Nagulat na lang ako when i felt that someone grab my waist.
"Hmmmmm ang bango mo." Tumatawa kong sambit
"Bakit parang kaamoy mo ang aking asawa?" namumungay ang aking mga mata na napatingin sa lalaking mahigpit na akong yakap at iginigiya paalis sa dance floor.
"Hey, gusto ko pang sumayaw!" reklamo ko habang tumatawa. Hindi ko mapigilang tumawa. Eh nag-eenjoy ako! Hindi ko makita ang itsura ng lalaking humila sa akin kaya naman tumingin ako kay Luna.
Matagumpay na ngiti ang nakapaskil sa labi ni Luna habang nakatingin ito sa akin. Nakita ko ring may humila sa kanya pababa sa dancefloor. Si Alpha, madilim na madilim ang itsura nito.
Pilit kong kinilala ang lalaking kasama ko. Nabigla ako nang magsalit ito at marinig ko ang baritong tinig.
"Masyado ka na yatang maraming nainom misis ko?"
Oh my God!
------------------------
"Uminom ka ba Vera?" malakas na tanong ni Nero. Pare-pareho kaming dinala nina Neith sa loob ng VIP room kung saan sila nakatambay kanina.
Hindi ko naman kasi alam na nandito ang mga ito. Mukha tuloy kaming maliliit na daga na nahuli ng mga pusa! Pero habang tumatagal nag-iiba na ang pakiramdam ko. Unti-unting nagliliyab ang kalooban ko, mainit, naiinitan ako.
"Paki mo!" angil na sagot ni Vera
"Isa Vera!" ang kuya Neith na nito ang sumigaw
"No kuya, Luna did not allow me to drink liquor!"
"Bakit mukhang lasing na lasing ang dalawang to?" Kaide asked Vera while pointing at us.
Pareho kaming nakahandusay ni Luna sa sofa. Mukhang pagod at itsurang lasing. Nilingon ko si Luna na mukhang mas pagod at lasing sa akin. Ngumingiti ngiti ito ng bahagya. Kumikislap kislap ang mga namumungay nitong mga mata. Oo nga't mas marami siyang nainom na tequila kanina pero sa pagkakasabi ni Vera sa akin ay sanay na itong uminom ng alak.
"Hindi agad nalalasing si Luna kahit marami nang nainom." Nagtatakang pinag-aaralan ni Monti si Luna.
Nakita kong nilapitan ni Kaide si Luna at pilit inaalalayang umupo nang tuwid.
"Hey Luna." Tinapik tapik pa nito ang kaliwang pisngi.
Agad na humalakhak si Luna sabay inilapit ang mukha at handang hahalikan si Kaide, mabilis na hinawakan ni Alpha si Luna. Kaya naman nasalo ni Alpha ang halik nito. Isinubsob pa ni Luna ang mukha sa leeg ni Alpha. Umungol pa ito na parang nasasarapan.
Natatawang umiling iling na lang si Kaide sa reaksyon ni Alpha.
Medyo nahihilo na rin ako pero alam ko pa ang nangyayari sa paligid. Agad kong naramdamang nilapitan ako ni Neith. Nadikit lang ang katawan ko sa kaniya ay agad na nagliyab ang aking pakiramdam. I grab and kissed him. Nagulat pa si Neith sa ginawa ko. Sinampay ko ang aking mga braso sa kanyang balikat at malanding kinikiskis ang sarili kong katawan sa katawan ng asawa ko.
"Oh my God, anong nangyayari sa kanila?" nahihintakutang si Vera.
"I think they were drug!" it's Nero.
Yun na lang ang narinig ko at nagdilim na ang paligid.
---------------------
Mabilis kong binuhat si Zandy at dinala sa aming kwarto. Masuyo ko siyang inihiga sa kama at kinumutan. Sabi ng doctor na tumingin kanina sa kanila ni Luna ay sapat na tulog lang at mawawala na ang epekto ng gamot na inihalo sa inuming alak.
Tangna gusto kong magwala. Paano na lang kung wala ako roon sa bar? Iniisip ko pa lang na baka maisuko ni Zandy ang kanyang sarili sa ibang lalaki ay gusto ko nang pumatay ng tao.
Gusto kong magalit sa asawa ko, dahil masyado itong naging reckless. Masyado itong nahalina sa mga bagay na hindi pa niya natutuklasan o nagagawa man lang. Masyadong inosente si Zandy para gawan ng masama ng mga taong nasa paligid nito. Kapag malaman ito ng mga abuelo, nakikita ko na ang galit ng mga ito at ang parusang i-aatang sa amin.
Asawa ako ni Zandy, hindi ko man lang siya naprotektahan sa nangyari kanina. Paano kapag may nangyaring mas masama sa kanila? Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
I went in front of my laptop and call the locos.
"How's Vera?" I asked.
"Don't worry, naihatid ko na siya sa mansion." It's Nero
"How about Luna?" it's Kaide
"She's at Alpha's pad. Hindi siya pwedeng iuwi sa mansion. Mapaparusahan sya!" Nero again.
I heard Nero's sigh.
"Ikaw na ang bahala." Malamig na utos ni Alpha kay Nero.
"Yeah, nirereview ko ngayon ang cctv. I wanna know who the hell did that to them."
"They'll be sorry for what happened!" mapanganib ang banta ni Alpha.
"They will witness Neith's and Alpha's wrath!" Iiling iling na saad ni Monti.
"Ahm Neith, Alpha!" pabiting habol ni Kaide.
"What?" halos magkasabay pa kaming sumagot.
"Yung kalibugan nyo, huwag ninyong paganahin ngayon!" ngingisi ngisi ang gago!
"Tangna mo!" natatawang sambit ni Monti
Mabilis na kaming nagleave sa video call ni Alpha!
-------------------
Warning: SPG ang mababasa ninyo sa susunod na kabanata, pangmalakasang pagtitimpi para sa mga minors dyan. Huwag nang basahin.
Gang sa muling pag u-ud mga my loves. ingat
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 1) Neith Vidar Oliveros
Ficción GeneralPaano mo mapapaibig ang asawa mo kung sa una pa lang ay napilitan lamang siya na pakasalan ka? Paano mo mapapaamo ang isang malamig at snob na si Neith Vidar Oliveros? Kumusta kaya ang buhay may-asawa sa piling ng isang lalaking malamig pa sa yelo...