CHAPTER 1

475 10 0
                                    

Nakatanaw sa bintana ng bus si John.

Nag iisip kung ano ang mangyayari sa kanya papauwi sa kanyang sariling lungsod na kinalakihan.

"Kamusta na kaya si Erika sana nakikilala pa nya kaya ako."

Biglang kinuha ng lalaki ang kanyang pitaka at tinitigan ang halos sampung taon nang lalarawan na munting niya alaala sa iniwan na probinsya.

Kalalabas lang ng seminaryo si John at nakamit ang pangarap nitong maging Pari.

Ngayo'y babalik siya sa Baryo San Allegre upang mag lingkod sa simbahan. Huminto ang bus na sinasakyan niya tanda na andito na siya sa istasyo.

Bumaba ito ng bus at lumingon-lingon tila may hinahanap, Di mo malalaman na pari si John nung oras na yon dahil napaka bata pa neto nasa 28 anyos pa lang siya...

Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ni John.

Tuwa dahil makikita na niya ang matalik na mga kaibigan iniwan nang siya ay umalis at mag aral sa Maynila at takot dahil bumabalik sa kanya ang masamang nakaraan nangyari bago siya umalis dito.

"Father John" biglang may nag sambit ng kanyang pangalan.

"Ako si Berto ... ako ang inatasan ni Father Daniel na mag susundo sayo papuntang simbahan".

Di pamiryal ang mukha ng Mama.

Ini isip niya kung kabaryo niya si Berto.

May mahigit na sampung taon ang tanda ni Berto sa kanya.

Voluntaryo kinuha ni Mang Berto ang dalang maleta ng bagong dating na Pari.

At inialok na siya na din magdadala ng natitirang shoulder bag dahil bakas ang pagod sa biyahe at ilalagay sa likod ng van.

"Ako na po ang magdadala neto"

Biglang humigpit ang hawak neto sa bag tila na may mahalagang gamit na laman.

Nang nasa loob na sila ng sasakyan "Mang Berto pwede ba tayo dumaan muna sa bayan, gusto ko sana bumili ng mga gamit ko wala kasi ako gaano dala."

"Isang oras sa papuntang bayan at mang gagaling doon ay aabutin ng dagdag 2 oras pabalik sa simbahan at mahigpit ang mga pulis ngayon dahil sa gumagala umano'y criminal kaya naglagay sila ng mga checkpoint sa kalsada." sagot ni Mang Berto

"Hanggang ngayo'y ba naman di pa nahuhuli ang mga criminal na yun". biglang namula sa galit ang pari.

"May nabiktima nanaman siya, ngayon isang pamilya sa San Pascual." sagot ni Mang Berto.

"Gulas gulasol ang mga bangkay neto at nawawala ang mga laman loob lalo na atay, puso at bituka".

Di na nakasagot si John tila malalim ang inisip.

"Bukas na maaga na lang kita sasamahan sa bayan. Wala naman ako gagawin nun." sabi ni Mang Berto

Nagdesisyon na lang ang dalawa na dumiretso na pumunta sa San Agustin Church.

Habang nasa daan ay biglang napagtanto ni Father John na napaganda talaga ng probinsya San Allegre di tulad ng Maynila na dikit dikit ang mga bahay at gusali, maingay, madaming sasakyan dahilan upang maging mausok ang kapaligiran.

Samantala ay napakatahimik na lugar ang San Allegre.

Madaming itong puno at halaman.

Malayo ang distansya ng mga bahay isa't isa.

Sementado naman ang ilang bahay pero meron pa din ilan na gawa sa tradisyonal na bahay kubo.

May makikita ka mga alagang baka, kambing at kalabaw dahil pag sasaka ang pangunahin ikinahahanap buhay ng karamihan na naririhan dito ito marahil sa masustansya ang lupa at talagang magubat ang probinsyang ito.

Halos pagabi na ng makarating sa simbahan sinalubong sila ng isang matandang pari at isang babae.

"Father John maligayang pag babalik."
salubong ng matandang paring si Father Daniel na siya na namamahala sa Simbahan ng San Agustin.

"Naka handa na ang mga pagkain tara sa loob."
habang nakikipagkamay kay Father John

Sa hapag kainan di maitago ng dalawa ang tuwa sa kanilang pagkikita.

Sakristan kasi ng simbahan dati nung bata pa si John habang si Father Daniel naman ang pari sa lugar nung hindi pa siya ang namamahala sa dito.

"Father John buti nag kataon dito ka nadistino sa San Allegre biruin mo dati binata ka pa dito ka na nag sasakristan tapos ngayon ikaw na ang magbibigay ng misa." Malakas ang boses ni Father Daniel halatang especial sa kanya si John.

"Nagvoluntaryo po ako na dito ako mag lilingkod" Sagot niya.

"Di naman sa nagdududa ako sa pagbalik mo dito" Sambit ng Pari

"Di kaya si Erika ang dahilan kaya ka bumalik?"
nakangiting sabi ni Father Daniel kay John.

"Hangang ngayon ay wala pang asawa si Erika madami ang nanliligaw sa kanya at alam ko naging sila ng pinsan ng iyong matalik na kaibagan na si Rogelio. pero isang buwan lang ay nag hiwalay din."

Naging saksi si Father Daniel sa pag mamahalan ni John at Erika dati naputol lang ito nung nag aral si John sa Maynila.

"Gusto ko sana masubaybayan ang kaso ni tatay". Biglang naging tahimik ang apat na kumakain.

Wari'y nasabihan na din ni Father Daniel sina Mang Berto at Aling Mercy sa sinapit ng tatay ni Father John.

"Ano ba sabi sayo ni Tinyente Dimaunahan sa kaso ni Brother Jose". Isa dating deacon ang tatay ni Father John at naglilingkod din sa Simbahan ng San Agustin.

Matalik na kaibigan siya ni Father Daniel nun nabubuhay pa siya.

"Wala pa asenso dahil pagkakamatay ng pinaka suspect sa krimen". Mahina ang ebidensya sa pamilyang Racman na kasabwat sila sa pag patay ng kay tatay." salaysay ni John.

"Di pa ba sapat sayo na nahuli at namatay ang mismo tao may sala, aba yung iba ay umaabot ng taon bago maparusahan, pero ang kaso ng iyong pamilya ay napabilis ng hustisya." sambit ni Father Daniel.

"Kawal lang  naparusahan at hindi ang hari na nag plano lahat, hangang di napaparusahan si Jamie Racman ay di ako matatahimik". sabi ni Father John.

"Maiba tayo at hindi ayoko madungisan ang ispesyal na araw na to, Sana nga at makamit mo ang kapayapaan".

Halatang di komportable si Father Daniel sa isyung ito at tila gusto na itong maging saradong aklat.

"Bumalik tayo kay Erika, may pwesto sila malapit sa bayan, tinutulungan niya ang kanilang business doon."

Nagpunta siya dito nung makalawa at tinatanong kung baballik ka nga dito at magiging pari. Ayaw niyang ipaalam sayo pero alam ko naman gusto na ninyo makita ang isa't isa.

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon