Chapter 16: Short Memory Loss
Shine's POV
"Ngayong araw uuwi si Mr. Makiel Vergel Fernando kaya after works ay may padinner ang kompanya sa pagbabalik ng ating CEO." Naghiyawan ang mga ka-officemate ko na mahilig kumain sa labas, lalo na ang mga lalaki sa photography department. Maya maya pa ay nagsibalikan na sila sa kanilang table at room.
After several months makikita ko na rin ang boss namin, at mananahimik na ang kontrabida sa buhay namin dito sa office, sino pa ba? Walang iba kundi ang superior naman na si Karen.
"Shine may nagpapabigay sayo." Lumapit sa akin si Maine at iniabot ang isang paper bag, kinuha ko naman iyon at binuksan.
"Kay admirer ba ulit 'yan galing?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Maine sa halip ay ibinalik sa paper bag ng makita kung ano ang laman niyon. Mag dadalawang linggo na ang nakakalipas, pero walang palya sa pagpapadala ng regalo ang lalaking 'yun. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, siya din ang nagbabantay kay Nanay sa hospital kapag nasa work ako at siya din ang bumibili ng meal ko everyday.
"In love na bes."
"Ha? Anong in love ka diyan?"
"In love as in mahal, ganun."
"Hindi ako in love!"
"Baliw, hindi naman ikaw ang tinutukoy ko, si admirer mo kako ang in love na, patay na patay sayo." Napaisip ako sa sinabi ni Maine, bakit nga ba ito ginagawa ng lalaking 'yun? Samantalang hindi ko naman siya ganun kakilala.
"Sino ba namang lalaki ang mag-eeffort ng ganyan? Araw-araw kang pinapadalhan ng regalo, tapos siya pa ang kasabay mo every lunch."
"Bumalik ka na sa table mo Maine."
"Huwag mong ibahin ang topic Shine. Sabihin mo naman kung may pag-asa 'yung tao kasi maraming ibang babae diyan na nag aabang ng ganyang klase na lalaki, tulad nitong babaeng ito." Sabay turo sa sarili niya na nakangiti pa.
"Hays hanggang sana all lang talaga ako sa admirer mo. Makabalik na nga lang sa table ko baka agawin ko pa 'yang admirer mo haha." Kinuha ko ang candy na nasa table ko at ibinato kay Maine.
"Kahit kailan ka talaga Maine." Itong babaeng ito puro agawan ang bukambibig, kaya napagkakamalang kabit dahil sa mga sinasabi niya.
"Huwag mo akong pag-isipan na mang-aagaw or kabit." Nagulat ako ng marinig iyon sa kanya, seryoso ang mukha niya na animo'y nabasa niya ang iniisip ko. Hindi ko siya magawang tingnan sa mata sa mga sandaling iyon, nakatayo siya na may tatlong metro ang layo sa akin habang nakaupo naman ako sa table ko.
"Alam kong tumatakbo sa utak mo na nagmumukha na naman akong mang-aagaw or kabit sa pagitan ng dalawang tao. Tandaan mo na ganito lang sadya ako magsalita pero hindi ako ganyang klase ng babae." Nawala ang pag-aalala ko ng makita ang ngiti sa labi niya, ginatihan ko na lang siya ng ngiti at ibinalik ang atensyon sa akin ginagawa.
"Hi?" Hindi ko pinansin ang lalaking iyon, sa halip ay dirediretsong lumakad palabas ng building ng MVF.
"Ihahatid na kita sa hospital, nasa basement ang kotse ko."
"Hindi na, magtataxi na lang ako."
"Natanggap mo ba ang regalo ko?" Tumango tango lang ako bilang sagot habang patuloy pa din ako sa paglalakad. Maya maya pa ay nakarating na ako sa sakayan kung saan iilang tao na lang ang nag-aabang ng masasakyan.
"Hindi mo ba nagustuhan?" Biglang may dumaan na taxi kaya agad kong ikinuway ang aking kamay.
"Taxi!" Huminto sa harap ko ang taxi na iyon, hahawakan ko na sana ang handle ng pinto ng taxi ng biglang may humila sa akin.
BINABASA MO ANG
Unexpected Royal
Mistério / SuspensePaano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madrigal, dragon kung magalit pero mabait, simpleng babae pero maarte minsan lang naman kapag trip niya, may ginintuang puso at mabuting kalooba...