CHAPTER TWENTY-ONE

73 30 1
                                    


LUCAS POV

Napatingala ako sa kalangitan habang magka krus pa ang dalawang braso. May kabilisan ang pag-galaw ng mga ulap tila nagbabadyang umulan. Ang malakas na kulog na sinundan pa ng pagkidlat. Kasalukuyan akong nakatayo sa balkonahe ng bahay ko.

"Huwag kang magbuntong-hininga, nagagalit si Lord." Napalingon ako sa taong nagsalita, isang magandang ngiti ang sumalubong sa akin. "Hindi ko alam kung paano mag-comfort ng isang multo pero gusto kong malaman mo na nandito lang ako para sayo." sinserong usal ni Samantha sa akin.

"Ang totoo hindi ko inaasahang pupunta sila." Napayuko ako at muling inalala ang mukha nang aking ina habang umiiyak sa tabi nang katawan kong nakaratay. "Akala ko tuluyan na nila akong kinalimutan."

"Walang magulang ang makakatiis sa anak, kahit gaano pa katigas ang ulo ng kanilang anak hinding hindi nila kayang tiisin at pabayaan ito." Napatitig ako kay Samantha na nakatanaw na rin sa kalangitan. 

"I'm actually the problem. Naging mapagmalaki ako at nag-astang kaya ko nang buhayin ang sarili ko. I didn't listen to them when they only want me to have a better future. It was me who only cared for myself. Kaya siguro pati si Hannah, iniwan ako." nakaramdam ako nang konting hiya.

"They support your passion in writing right? What happen?" takang tanong ni Samantha sa akin.

"Well, yeah they supported me. They're actually happy when they found out about me writing stories. Naging takbuhan ko ang pagsusulat at doon na halos umikot ang mundo ko. Sa sobrang focus ko marami akong napabayaan. My studies and my relationship with Hannah." nag-iwas ako ng tingin at nakaramdam ako ng kakaiba."When my dad found out, he got mad and throw all my manuscript into fire kasama yung mga usb at laptop na ginagamit ko sa pagsusulat."

"You mean, yung isang scene sa first book mo ay totoong nangyari?" bakas sa mukha ni Samantha ang pagkagulat at hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Kung avid reader kita halos lahat ng na-publish kong libro ay may kaunting silip sa buhay ko. I'm an open book when it comes to my novels." sagot ko.

"Luh. Pa-mysterious effect ka kaya." 

Napangisi ako sa sinabi niya at napapailing pa. "Lahat ng achievements ko at lahat ng napagdaanan ko ay nasa mga libro ko."

"I have a question. Nung naging sikat na writer ka binalak mo bang ipagmalaki sa magulang mo yung naabot mo sa pagsusulat?"

"Dumating ako sa puntong gusto ko ipamukha sa magulang ko yung tagumpay ko but I didn't do it. Why? because magulang ko pa din sila and I still respect them in spite of the things happen between us." saad ko habang tinititigan si Samantha.

"Akala ko nagyabang ka pa eh! Babatukan na sana kita." nakanguso nitong sambit at akmang ihahampas sa akin ang isang kamay.

"Nasabi ko ba sa iyo na may on-going story ako about me and Hannah bago ako maaksidente?" tanong ko sa kanya at natulala siya sa akin. Napangisi akong at parang nahihiyang ikwento pa sa kanya."How our love story started and it should be my wedding gift for her." pagpapatuloy ko.

"Tss." singhal nito sa akin.

"Kung paano namin na-overcome yung struggles for being together." Napahinga ako ng malalim at napatingin sa mga kamay ko, "She's my first love and my long term relationship. Four years naman kasi iyon and I can say four years is enough for me to realize that she is the woman I want to marry."

"Ano ba, Lucas?!" sigaw ni Samantha sa akin at inis naman siyang napaharap sa akin. Natigilan ako sa panggigigil niya sa mga sinabi ko, "Kung siya yung babaeng para sayo sana hindi ka niya iniwan at sinagot ka niya ng oo sa proposal mo!" Napangisi ako at napayuko, "Isipin mo nga kung si Hannah talaga ang babaeng para sayo, eh di sana siya yung kasama mo ngayon."

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon