CHAPTER 2

364 15 0
                                    


"Namimiss ko na talaga ang San Allegre."

"Ang mga masayahin at simpleng mga tao dito. Lalo na tong fresh buko juice at kamote que mas masarap kasi mas sariwa ito halatang bagong pitas".

Ito ang ini isip ni Father John habang naglalakad sa palengke kasama si Mang Berto.

"Napakalinis at napaka disiplinado ng mga nag titinda dito at payapa ang isip mo na walang magnanakaw dito". sadyang suki itong si Father John ng mga mag snatcher at mandurukot nun bagong salta ito sa Maynila.

"Father may alam akong murang tindahan ng mga t-shirt at pantalon". Sabi ni Mang Berto.

"Dun ko binibili ang anak ko na pang eskwela nila". wari gusto lang ni Mang Berto na may masabi dahil kanina pang tahimik itong pari.

Isang itong kaugalian ni John na no nonsense ibig sabihin kakausapin ka lang nito kung importante ang sasabihin at kung wala naman ay parang madaming iniisp ito at naka tuon lang sa kanyang ginagawa.

"Kailangan ko din bumili ng mga sabon, toothbrush wala talaga akong masyadong dala kasi ayokong maging abala sa biyahe ang mga bagahe".

"Opo father malayo layo din po ang binayahe ninyo mula sa Maynila. "

Marahil gusto ni Mang Berto na maging malapit kay Father John. Tila magaang ang loob ng mama sa binita, ito rahil dahil mukhang mabait talaga si John.

Mga 2 oras din namili ang dalawa at nun matapos na ay:

"Mang Berto pwede ikaw na lang ang mag hatid sa kotse nitong mga gamit ko at may dadalawin lang ako." Kinuha ni Mang Berto na mga pinamili

"Ako na mag isa uuwi sa simbahan alam ko pa naman ang sakayan papunta doon."

Naghiwalay na dalawa sumakay sa puting van si Mang Berto.

Malapit sa bayan naglakad ito pari sa may iskinita pag labas ay kumatok ito sa isang bahay

"JOHN!!! buti na abutan mo ko dito."
masayang masaya sinabi ng isang lalaki ka edad niya.

"Alam ko naman di ka nagigising ng maaga." ganti naman ni Father John sa sa kanyang best friend na si Rogelio.

"MMMmmm..... Di kaya inuna mo puntahan si Erika". Si Rogelio ang naging dahilan para maging malapit si John at Erika sa isa't-isa.

Iisa lang ang iskwelahan na pinag aralan nila at doon ay lagi silang mag kaka grupong tatlo pag may proyekto sa klase.

"Loko ka Talaga naging kami na ni Erika hanggang ngayon ay ina asar mo pa din kami" sabi ni John.

Laging tinutukso nito si John at Erika, Marahil may gusto din si Rogelio kay Erika dati at dala ng kabataan ay inunahan na Rogelio tuksuhin ang dalawa.

Di gaanong maganda si Erika kumpara sa ibang estudyanteng babae sa lupok nila at napaka normal lang ang itsura neto pero si Erika ang pinaka nilalapitan ng mga kaklaseng lalaki noong High School dahil napaka gandang at natural ugali neto.

"Rogelio ikaw ba ang nag sabi kay Erika na babalik ako dito sa San Allegre" biglang tanong ni John.

"Ah, kailangan ko sabihin kay Erika dahil alam ko naman na di maiiwasan na makikita ka na rin niya sa simbahan".

Naisip ni Father John ay may punto din si Rogelio di talaga maiiwasan magkita silang dalawa dahil laging nag sisimba si Erika tuwing linggo.

Nung pumasok sa Seminaryo si John ay patuloy ang komunikasyon ng dalawang matalik na kaibigan samantala pinutol na ni John ang kanila ni Erika.

Siguro naisip ni John na unfair kung mag papatuloy silang maging mag kaibigan dahil baka di na maka pag asawa si Erika.

Inimbitahan ni Rogelio pumasok sa loob ng bahay nila ang Pari at nang maka upo na ang dalawa.

"Rogelio ano ang nalalaman mo sa mga pamilyang Racman"  walang padalos dalos ay tinanong agad ni Father John si Rogelio tungkol sa mga Racman.

Humingi ng tulong si Father John sa matalik na kaibigan dahil ito ay isang pulis.

Panigurado makakakuha si Rogelio ng impormasyon di kayang kunin ng ibang tao.
Lumingon lingon si Rogelio sa paligid sa bahay niya tinitiyak na wala sa tabi nila ang asawa neto.

"Di ka maniniwala sa sasabihin ko, usap usapan sa mga kalapit baryo na mga Aswang ang angkan nito" pinipigil ni Rogelio ang kanyang sarili na tumawa dahil alam niya na sensitibo bagay ito sa matalik na kaibigan.

"Aswang!?" sambit ni Father John

Nagulat ito na hindi natawa o nagalit sa kanya si John sa kanyang inulat. Nangako kasi si Rogelio na tutulungan nia si John sa pag kamatay ng tatay nya.

Pag may nakilala siyang tao malapit sa Baryo San Roque kung saan nakatira ang mga Racman ay dumadayo ito at nakiki pag inuman o pumunta siya tuwing Fiesta at doon nakiki balita sa mga tsismis at usap usapan tungkol sa pangyayari sa San Roque.

"Madami ba ang nag sasabi na mga aswang ang mga Racman?" tanong ni John kay Rogelio.

"Yun ang usap - usapan sa baryo malapit na San Roque".
inihanda ni Rogelio ang mga sasabihin.

"At ito pa ang nahalata ko"
biglang pinukaw ni Rogelio ang attention ng kaibigang pari.

"May mga nawawalang bata sa baryo malapit sa San Roque".

"At tuwing may buntis sa lugar ay pinapayuhan ng mga kapitan na bantayan itong mabuti".

Dagdag pa ng kaibigang pulis.

Di naka pag salita si Father John hinayaan niya ang kaibigan

"Minsan ay may nag roronda mga tanod at kabataan na may sibat at itak".

"May nahuli na ba silang aswang". tanong ni John

Natatawa sinabi ni Rogelio " Wala pa naman, baket John naniniwala ka ba na aswang ang mga Racman?"

Biglang parang na suntok si Father John sa tanong ni Rogelio.

Halos mautal utal ito sa pag sagot tila may gustong ipagtapat

"Ah,eh tignan natin ako din ay gusto pumunta sa mga baryo na sinasabi mo" biglang naisip ni John na siya ay alagad ng diyos at ayaw na mag salita sia tungkol sa mga Aswang.

Biglang nagyaya na si Rogelio sa lakad nila ni John
"Ano na pre! pupuntahan na ba natin si Erika? "

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon