KAPE SHAP

67 4 1
                                    

Patakbo kong tinawid ang kalsada papunta sa Kape Shap sa kabilang ibayo. Dahil sa lakas ng ulan, kahit naka payong na ay nabasa parin ako mula bewang hanggang paa. Hindi ko na iyon inalintana pa at tuloy-tuloy akong pumasok sa bahay-kapehan na iyon. As expected, halos mapuno na ang mga pwesto. Laking pasasalamat ko nang makita kong may bakante pang isang upuan sa paborito kong lugar.

Dali-dali akong nagtungo duon at baka maunahan pa ako ng iba.

Pagkaupo ay inilapag ko sa ibaba ng lamesa ang nakatiklop kong basang payong at bahagya kong inayos ang aking sarili.

"Good evening meloves. Your favorite as usual?"

Napatingala ako sa pagkakayuko ng marinig ko ang nagsalita.

"O, hello Jeron. Ikaw pala ang nakatoka magbantay ngayon. Pass muna ako sa kapeng barako. Instant coffee lang ako, nescafe 3in1 please. Para maiba naman. Napaaga ako ngayon e. "

"Hindi ako ang bantay, nakita lang kitang papasok kaya nag-volunteer ako na magserve.. pero sayo lang." Sabay ngiti ng matamis at biglang talikod para kumuha ng aking order.

Regular and loyal customer ako ng coffee shop na iyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Jeron. Magkakilala na kami ng matagal dahil best friend siya ng kapatid kong si Ivan. Routine ko na ang dumaan duon at magkape dahil bukod sa adik ako sa kape, nasa tapat lang ito ng Robinson's Mall kung saan ang opisinang pinapasukan ko ay nasa second floor.

"Baka pwede mo nang kunin--"

"Ay tae!" Napabulalas ko ng may biglang nagsalita. Tumingin ako sa harap ko at ngayon ko lang napansin ang taong yun.

Animal. Sa isip-isip ko. Lalaki. Pink poloshirt. Para kaming naka couple shirt ah. Nag umpisa nang maglakbay ang mga mata ko paakyat sa mukha niya. Grayish ang mata,galit. Ang puti ng eyeballs. Yung ilong, pader sa tangos. Chiseled ang panga, my cleft chin na humahati sa baba ng kanyang mapupulang labi. Pababa pa...
Ang kinis ng leeg.
Kung kasama ko lang siguro ngayon ang best friend kong si Angel baka ang  masabi lang niya ay,"makalaglag panty".

"Baka pati braincells ko ay nai-scan mo na sa titig mong yan."

Pooft! Back to earth si self.

"Ay sorry. May sinasabi ka?" Lagot, galit nga siya.

"Baka pwede mo na kakong kunin ang payong mo sa baba. Tapos mo na kasing basain ang sapatos ko, nadali na din pati medyas ko sa loob." Tugon nito na halatang tinitimpi ang boses.

Dahan-dahan kong sinudsod ang katawan ko pababa sa upuan para makuha ang payong sa baba. Puti pa pala ang sapatos niya. Kundi ba naman tanga, alam na umuulan magwa-white shoes? Hindi ako makatingin ng tuwid sa kanya ng humingi ako ng pasensya.

Tahimik kong kinastigo si payong.
Kasalanan mo to e. Bakit mo kasi binasa ang shoes niya, tuloy nadamay pa ang medyas. Hindi naman kita nilagay dun ah. Sa susunod kasi dapat alam mo kung saan ka lalapag. Pahamak kang payong ka. Gwapo pa naman yun. I mean, yung sapatos. Ang gwapo, ang puti pa.

"Meloves, here is your coffee."

Ay salamat heto na kape ko. Pangpa kalma ng puso-.... este-.... ng bituka.. ay hindi, ng nervous system, ay anu ba? Basta, pangpa kalma. Period.

Good mood ako ngayon kahit galit na galit ang panahon, at itong taong ka-share ko sa table. Huwag sana nila akong mahawaan ng pagka bad trip nila dahil papasok pa ko sa trabaho ko.

Time check, it's already six in the evening. Kahit na tanghali na ko nakatulog kanina ay alas sais parin ako nagising ngayon kahit walang alarm. Gumagana ang body clock ko. Alas otso pa ang pasok ko pero mag-e-early in ako ngayon dahil may meeting pa kami with the big boss. Isa akong empleyado ng Savytech Corp. na nangunguna sa pinaka malaking callcenter na naitatag dito sa Pilipinas. Forever night shift kaya ang routine ko araw-araw, tulog lang. Pasalamat lang pag walang pasok pag weekends. Minsan kasi, duty parin depende pag madaming gagawin. Walang dayoff pag ganun. Kapag naman walang pasok, ang two days off ay malungkot parin. Wala na nga social life, wala ding jowa. Poor me. Pero okay lang naman yun, basta may mga kaibigan akong nagpapasaya sakin, na kahit anong oras ay pwede ko matawagan. At sempre, my family. Pero malayo sila.

KWENTONG KAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon