[ Krystel's POV ]Basang basa na ako ng ulan pero patuloy parin ako sa pagtakbo.Hindi ko alam kong saan ako pupunta.Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.Malungkot na naiinis na nagagalit na nagsisisi.Basta,parang gusto ng sumabog yong puso.Gusto kong magwala,Hindi ako nagsalita noong una.Ano ba ang dapat kong gawin?hahayaan ko na naman ba ang pangalawa?
Bakit ba lagi nalang natatangay yung kaligayahan ko?bakit lagi nalang may nauuna sa akin?At bakit sa bestfriend ko pa sila nainlove?Bakit kasi hindi nalang sa akin?
Buti nalang pala at umulan,kasi kong hindi magmumukha lang akong kawawa dahil sa kakaiyak ko.Haha nakakatawa,kung tutuusin ang liit lang na bagay itong iniiyakan ko.Pero bakit sobrang nakakalungkot na siya ang mahal niya?
Napadaan ako sa isang damuhan kaya pumapok ako doon.Takbo lang ako ng takbo kahit na malalaki yung mga damo at makati sa katawan hanggang sa mapatigil ako dahil sa ganda ng tanawin.
Ang ganda sobra.May ganito palang lugar dito.May garden kasi dito at napakaraming bulaklak.As in ang ganda.Para siyang park .Umupo ako sa mga upuan doon.Mayroon kasing mga upuang gawa sa mga naputol na kahoy.
Maganda dito kasi walang tao,walang ingay at pwede kang makapagdrama.Isinandal ko muna ang likuran ko at nagsimula na namang magdrama.
Siguro kong hindi ko lang kaibigan si danica,inaway ko na siya.Oo nakakalungkot kasi nakukuha niya yung gusto ko kahit hindi na niya paghirapan pa.
" AHHHHHHH !"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako.Nakisabay nalang ako sa lakas ng ulan.Napatakip ako ng mukha at napahagulhol ng iyak.Bakit ba kasi lahat nalang ng mahal ko hindi ako kayang mahalin.Bakit kasi lahat ng gusto ko hindi ako nagugustuhan?Bakit ang hirap abutin ng taong mahal ko?
Nakakainis na nakakagalit.
Nagiiyak nalang ako dito nang nagiiyak hanggang sa makaramda ako ng ginaw at naisipan nang umuwi.Tatayo palang ako ng makita ko si Kenzo na nakatayo sa likuran ko.
"Bakit ka andito?" tanong ko sa kanya
tumingin muna siya sa kapaligiran.Gaya ko,basang basa din siya ng ulan.
"Ako nga ang dapat magtanong niyan sayo.Anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko alam ang irereact ko nong nginitian niya ako.Siguro kong hindi ganito ang sitwsyon ko,nahawa na ako sa ngiti niya
"Ha?"
"Ikaw anong ginagawa mo dito?"
"Eh ikaw anong ginagawa mo sa lugar na ito?"
Ako yong nagtatanong pero binabalik lang naman sa akin yung tanong.
"This place?Madalas akong tumambay dito.Dati itong playground na ginawang garden"
Kaya pala may swing pa.Tapos ang ganda ng pagkakalandscape ng lugar na ito.
"So ikaw ano namang ginagawa mo dito?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.Alam ko kung paano ako napadpad dito,pero ayoko kong sumagot.Baka kong ano pa kasi ang masabi ko.
"May I know your problem?"
Napatingin na naman ako sa kanya na nakakunot ang noo.
"H-hey,haha alam kong may problema ka so you can tell me.Bestfriend tayo diba?.Tutulungan kita"
Nginitian ko lang siya ng isang pilit na ngiti.Umupo siya kaya umupo din ako.
"Alam mo,kahit tahimik lang ako.Naoobserbahan ko naman kayo kahit papaano.Kaya kilala ko na ang totoong kayo.Alam kong may pinagdadaanan kang problema ngayon"
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Teen FictionIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...