HAZEL KATE JIMENEZ POV.EWAN KO BA BAKIT HINDI PA AKO NAG KAKA JOWA HAYS.
"Anak! Gising na unang araw ng pasok mo ngayon." sigaw nito
"Opo mama tatayo na." agad akong tumayo at nag hilamos.
Pagkatapos non naligo narin ako at nag bihis, Tinawag ako ni mama Para kumain.
"Mama ano po ulam?." tanong ko.
"Edi yung paborito mo ginisang sayote." nakangiting sabi ni mama.
"Wow naman mama, pwede po mag baon?." pa cute na sabi ko.
"Oo naman nak. Anlaki laki na talaga ng baby damulag ko akalain mo yun collage na." sabi nito.
" Excited na nga po ako eh." sabi ko habang patuloy sa pag kain.
"Kailan ka kaya mag kakaboyfriend hmm?." tanong ni mama.
"Dipende po." agad na kong tumayo at nilagay sa sink ung pinag kainan ko. Nag tooth brush narin ako.
"Sige na nak. pumasok ka na baka malate ka pa Alashete na o." sabi nya sabay tingin sa orasan.
"Sige ma.. Ay wait po pala yung id ko po nakalimutan ko sa taas." tumango nalang ito, Agad na umakyat ako ang pasok kasi namin 7:30.
20 minutes na ko nag hahanap wala parin ako nakita kaya napag isip sip ko na umalis na traffic pa naman baka malate talaga ako.
...........................
"Hazel bakit antagal mo? kanina pa ko nag aantay dito" sabi ni Claire
"Hinanap ko pa kasi yung i.d ko eh nawawala."
"Ahh sge, uy may gwapo oh." sabi nito at tinuro ang lalaki papalapit samin
"Oo nga no." sabi ko at nilapitan ito.
"Hi! Ako si hazel." sabi ko At bigla lang ako nito nilagpasan.
"Ano bayan claire ang sungit naman non gwapo sana."
"Haha hayaan mo yun malay mo kaklase naten, Kaya tara na pasok na tayo room." sabi nya at hinila ako papunta sa room namen.
Umupo na kami sa mga upuan namin at hinitay ang prof namin. Hinanap ng mata ko kung kaklase nga ba namin ung pogi kanina.
"Good morning class my name is gabrielle Mendoza Call me sir gab nalang, Im your advisor teacher and im 23 years old." sabi nito.
"claire Ang gwapo talaga ni sir gab no?." sabi ko at nakatingin sa cellphone ko dahil inistalk ko sya sa social media.
"Excuse me, Miss jimenez? May tanong ka ba about sa class natin? Ang ingay mo kase eh tapos wala ka pang id." sabi nya at nag halakhakan ang mga kaklase ko.
"ah sir di ko po kasi mahanap id ko eh." sabi ko at nag peace sign.
"Kailangan bukas may id ka na ha." sabi nito at tumango nalang ako sakanya
"Sir may girlfriend ka na ba?." sabi ko at tumawa
"Meron bakit?
Hindi ko nalang yon pinansin at nag lesson na ito. After 3 hours tapos na ang klase namin pinauwi narin kami at syempre bago kami umuwi bumili muna kami takoyaki ni claire.
Pag kauwi ko wala si mama dahil may mga trabaho pa ito.
...........
"Oh hazel bakit ka naka glasses at hindi ka nag ayos." sabi ni claire
"Eh late na kase ako eh kaya wala na ko time para mag ayos noh wag ka ngang ano jan." sabi ko
"ID mo?." pag papaalala nito. Agad ako napa pukpok sa ulo ko.
YOU ARE READING
I fell inlove with my professor
RomanceYung akala mo masaya ka na pero may itinatago pala itong sikreto.