Midnight Love

4 1 2
                                    

Mag-aalas dose na din pero heto gising pa din ako. Naghihintay na tumapat ang dalawang kamay ng orasan sa alas-dose. Para na naman sa isang gabing hindi makakalimutan.

Nang tumunog na ang alarm ko at tumapat na ang dalawang kamay ng orasan sa alas-dose ay ipinikit ko na muli ang aking mata.

Sa pagmulat nito ay isang lugar na naman na hindi ko alam kung saan ang kinaroroonan ko. Napaisip ako, andito ulit kaya siya.

"I'm here, mi bella." ani ng tinig ng lalaki sa aking likuran

Humarap ako roon at nasilayan muli ang mukha niya... ang matamis niyang ngiti na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. At ang nakakalunod niyang mga tingin. Hanggang sa bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Isang tanong ako pumasok sa aking isipan, 'Pano kaya kapag hinalikan ko sya, ano kayang magiging reaksyon nya?'

Napailing ako ng mariin sa aking naisip. At narinig ko ang kanyang tawa kaya't muli akong tumingin sa kanya. Ang tawa niya na parang musika sa aking tenga. Shit! nababaliw na ata ako! Tumalikod ako dito at nagsimulang maglakad palayo. Palayo sa kanya. nababaliw na ata ako pag nakikita ko sya. Damn! Mabye i have to consult to a psychiatrist tomorrow.

Pero nakakadalawang hakbang pa lamang ako ay nahigit na niya ako at pinaharap sa kanya. Damn it! Alam kaya ng lalaking ito na may gusto na ako sa kanya? Tss. Syempre hindi.

"I know." gulat akong tumingin sa kanya dahil sa nasambit nya.

Siguro naman coincidence lang yun di ba? Siguro may sinasabi sya na hindi ko narinig kasi nakatitig lang ako sa kanya? Shit. Yulala na naman ako sa kanya. Nak nampotchi naman oh!

"Ha?" lintik! ayan kakatulaley mo para kang tang na juice hays.

"Wala. May balak ka pa atang iwan ako ditong babae ka ha? Para sabihin ko sayo hindi ka makakalayo sakin. Psh." ani nito at hinawakan ang kamay ko at hinila ako.

Kung maririnig lang niya ang tibok ng puso ko ngayon. Shit! Makakainis. Nakakainis kasi sa kanya ko pa ito naramdaman. Kahit alam kong hindi pwede. Huminto kami sa bahagi ng lugar kung saan kita ang pagsikat ng araw. malapit na naman. Napayuko ako at tinignan ang kamay naming magkahawak. Unti-unti kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Ngunit mas lalo lang niyang hinihigpitan.

"Balak mo bang alisin at tumakbo palayo sa akin ng hindi sinasabi, Venice?" muli akong napatingin dito at sinalubong ang kantang mga titig.

Ang mga mata niya ay puno ng lungkot at sakit. Nakakalunod. Para akong hinihila. Tumingin ako sa ibang direksyon. Muli na namang sumisikat ang araw. Heto na naman. mawawala na naman siya. Shit! Ang sakit.

"Oo, ganun na nga. Kasi alam mo ba pag nakikita ka para akong nababaliw. Yung puso ko ambilis ng tibok. Pero kapag sumikat na yung araw. Alam mo ba ang nararamdaman ko ha? Alam mo ba?" ani ko at pumatak na ang masaganang luha sa aking mga mata.

Sumikat na muli ang araw. fuck! I wish I can stop the time. I wish I can be with him whenever I want. damn this life! Why I can't have the one I love? Why I can't have him? Why?

"Alam ko, Venice. Masakit din para sa akin na kada sasapit ang umaga mawawala ka sa akin at pagdating ng gabi saka lang kita makikita at mahahawakan. Mahal kita pero hindi tayo pwede. Alam mo at alam ko, parehas nating alam iyan. Mali ang mahalin natin ang isa't isa." ani nito bago ako muling magising.

Umupo ako sa kama at humikbi ng mahina. I wish I can have him. I wish I can love him freely. How I wish he is true.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon