"Anais, aalis na kami. Hindi ba talaga sasama? Di mo ba siya pupuntahan?" Ramdam ko ang mga titig nila sa akin.
Unang araw ng nobyembre, ika-apat ng hapon. Plano nilang dumalaw sa puntod mo Dahil unang anibersaryo ng pagkamatay mo. Kahit anong pilit nila sa akin at hindi mababago ang desisyon ko. Bakit ako pupunta roon unang makita ka? Kung gayong andito ka naman gaya ng palagi kong sinasabi sa kanila. Sila lang kasi itong hindi naniniwala sa akin.
"Ma, sinabi ko na po, hindi po ako kasama. Wala siya doon kasi andito po siya." Pang-ilang beses ko nang sinabi.
"Nak..."
"Ma, ingat po kayo." Ani ko at umakyat na sa kwarto.
Pagkabukas ko pa lamang ay nakita na kita. Naupo ako sa tabi mo at pinagmasdan ka habang tinitignan ang mga litrato nating dalawa. Pero nagulat ako nang makita ko ang paglandas ng luha sayong mga mata. Agad kong pinalis iyon at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko na din napigilan ang mapaluha sa harapan mo.
Alam ko, matagal mo na akong kinukumbinsi at minumulat sa katotohanan. Mas binulag ko ang sarili ko dahil andito ka sa tabi ko. Pero hindi madali ito dahil mahal na mahal kita. Ang iwan mo ako noon ay ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Nawalan ako ng kaibigan, sandalan, taga-payo, kasama sa lahat kasayahan, kalungkutan at asawa. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari sa amin pagkatapos ng kasal namin.
"Patawarin mo ako, yael. Naging makasarili ako. Hindi kasi kita kayang pakawalan eh. mahal na mahal kita at hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang nangyari. Parang kahapon lang ang lahat. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit ka nawala sa amin, sa akin."
"Mahal na mahal kita kaya ko iyon ginawa. ginawa ko iyon para sa magiging anak din natin. Ayoko na maiwan kang mag-isa kung sakaling hindi ako makaligtas. Kaya sana alagaan mo ang sarili mo. pati na rin ang baby natin." Naalala ko pa nong hinarang niya ang sarili niya sa amin dahil sa isang truck na nawalan ng preno.
Hindi kami mapakali noon at natataranta na. maraming tao sa paligid. May bata, matanda sa daan. Takot na takot ako nang mga oras na iyon at hindi malaman ang gagawin. Nagulat na lamang ako nang yakapin ako nito kasabay ng pagbanga namin at ang pagkawalan ko ng malay. Nagmulat lang ang mga mata ko at bumalik sa reyalidad nang ililibing na si Yael. Pangalawang araw ko sa ospital nang magising ako ngunit ang sabi ni mama ay hindi ako makausap at tulala nang mga sumunod na araw dahil sa trauma at natamo kong galos.
"'Wag kang mag-alala. Aalagaan ko ang sarili ko at ang magiging anak natin. Iingatan ko siya gaya ng pag-iingat mo sa amin. Tanggap ko na, yael. pwede ka na umalis. Mahal na mahal kita at ng anak natin. Araw-araw kong ikukwento ang tungkol sayo at kung gaano mo kami kamahal. Pero patawarin mo kung paminsan-minsan ay iiyak ako dahil hindi lang ako nawalan ng asawa kundi hindi ka na makikita ng anak natin at makakalaro gaya ng gusto mo. Pero gagawin ko ang lahat para sa kanya maramdaman lang din niya na parang andito ka sa tabi namin. Lagi mo kaming iingatan at titignan dito sa baba ha? sa susunod nating pagkikita, mahal." Muli kong naramdaman ang mga haplos niya.
Napapikit ako. 'Hindi ito ang huli', saad ko sa isip. Muli ko ring naramdaman ang kanyang halik na puno ng pagmamahal at pananabik. Labis-labis ang nararamdaman ko ngayon at hindi mapigilan ang umiyak dahil sa sari-saring emosyon. Tinugon ko iyon ng buong-buo, walang kulang dahil umaapaw ang labis na pagmamahal ko sa kaniya.
Hinihingal ako nang bumitiw kami sa halik. nilapat niya ang noo niya sa noo ko habang humahanap ng hangin sa pagitan namin. "Mahal na mahal din kita at kayo ng magiging anak natin. Hindi ko gusto ang iwan kayo pero oras ko na nang mga araw na iyon at hindi ko iyon mapipigilan. Alam ko na magiging mabuti kang ina sa anak natin. Alam kong pupunuin mo siya ng pagmamahal. Nakakalungkot lang dahil hindi niya ako makakasama sa paglaki. Hindi kita pipigilan magmahal ng iba, anais. Kailangan ng ama ng magiging anak natin. Ayokong maramdaman niya na kulang siya." Umiling ako sa mga huli niyang sinabi.
"Hindi, Yael. Pinangako ko sayo, sa harap ng simbahan na wala na akong mamahaling iba gaya ng pagmamahal ko sayo. Ikaw ang una at huli kong mamahalin. Walang sinuman ang papalit sayo sa puso ko. Hindi na kailangan ng anak natin ng ibang ama dahil ikaw lang papa niya. Andito rin ang papa mo at papa ko para maging ama sa kanila. tutulungan nila ako, yael." Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos.
"Salamat, anais, mahal. Mahirap sakin na iwan kayo pero hindi na ako para rito sa lupa. matagal na akong patay at ngayong alam kong kaya mo na. Masaya akong iiwan ka. magkikita ulit tayo, mahal ko." Huling saad nito bago muling pinatakan ng halik ang labi ko at maglaho sa paningin ko.