Chapter 22- I Have To Let Go

293 21 1
                                    

Sarawat's Pov

Tine.

His arms were already on Pear's shoulders, halos mapunit na yung mukha niya sa kakangiti.

Akala ko ba may project ka? Iintindihin ko naman sana kung di ka makakasabay sa'kin kasi may project ka.

Pero pag ganto yung maaabutan ko parang di ko matanggap eh.

Tumalikod ako at naglakad na papuntang parking lot, maybe I was just overreacting. Baka kagrupo niya lang yun sa project nila na medyo kaclose niya, tapos silang dalawa yung naatasan ng ibang ka grupo nila na bumili ng dinner diba? Sigh, yun nga 'yon Sarawat. Ang OA mo masyado.

I drove home, at agad akong pumasok sa unit ko. Inilapag ko yung barbeque sa mesa at pumunta muna ako ng banyo para maligo.

I'm still convincing my self na close na kagrupo niya lang yun, and it's not the other way around.

Pagkatapos kong maligo ay, inihanda ko na ang barbeque sa mesa. Yayayain ko nalang sya mag dinner dito sa unit ko, malapit lang naman yung unit niya eh.

Umupo nalang muna ako sa sofa at nag scroll sa instagtam ko, I got bored that's why pinag-aralan ko nalang yung mga diniscuss ng prof namin kanina. I'm still not gonna eat, I'm gonna wait for him para sabay na kami.

After how many minutes...

Malapit ko ng matapos yung binabasa ko pero I still got no text from him. Di pa ba sya nakakauwi?

Tawagan ko nga.

Calling Asawa Ko: Ringing...

Pagkatapos ng tatlong ring ay sumagot na rin sya.

'Hello?'

'Tine, naka-uwi ka na?'

'Ah di pa Wat eh, kailangan kasi namin tapusin yung project na'to. Bukas na kasi ipapasa, text nalang kita pag naka-uwi na ako'

'Ahh sge sge, ingat ka' sabi ko sabay off ng tawag, baka naka istorbo ako sa ginagawa nilang project.

After kong mag-basa ay dinalawa ako ng antok, makapag-nap na nga lang muna habang hinihintay ko si Tine.

After how many hours...

Naka rinig ako ng konting kaluskos, katabi kasi ng unit ko yung elevator, chineck ko yung oras.

It's already 12am, agad kong chineck yung phone ko kung may text ba ni Tine, pero wala pa rin.

Agad akong nagpunta sa pintuan ng unit at sumilip ako sa peephole, nagbabakasakaling sya yung nanggaling sa elevator. At sya nga!

Bubuksan ko na sana yung pinto pero may kausap sya sa phone, ng makalagpas sya sa pintuan ko ay dahan dahan ko itong binuksan at tiningnan ko sya.

"Ahh yung kanina, sus wala yun. Kahit araw-araw pa kita librehin ayos lang sa'kin. Ano bukas ulit? Tapos after nun ihatid ulit kita sa inyo? Hmm sge sge, byeee. Sweet dreamssss, good night" rinig kung sabi niya sa kausap niya sa phone.

Nakita kong hinalikan niya yung screen ng phone niya after nung tawag, bago sya pumasok sa condo niya.

Puta, ba't parang ang sakit? Bakit di niya man lang ako tinext na uuwi na pala siya? Natawagan niya yung isa, pero ako hindi?

Pero nga naman, wala naman akong karapatang magalit. Di naman ako yung Boyfriend eh.

I waited for how many minutes, baka itext niya ako na naka uwi na siya. Pero nag 30 minutes nalang, wala pa rin. Hanggang sa naramdaman kong kumukulo na tyan ko, nakalimutan ko nga palang kumain ng dinner kakahintay sa kanya.

Ininit ko nalang yung barbeque sa microwave at nag simula na akong kumain, habang kumakain ako. May tumulong luha galing sa mga mata ko.

"Puta, Sarawat. Ba't mo ba yan iniiyakan? Wat ang daming babaeng nagkakandarapa sayo tapos iiyak ka lang dahil sa isang lalake?" Sabi ko sa sarili ko.

Kailangan ko ng lumayo sa kanya, I have to let go.

:(

@Student Andrea

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon