CHAPTER 3

322 14 0
                                    


Sakto alas dose ng tanghali nang dumating sina Father John at Rogelio sa bahay ni Erika.

Nakahanda na pananghalian.

Dahil nag abiso na sila kinakabihan na dadalaw ang dalawa sa kanilang dating barkadang babae.

Sinalubong sila ni Erika nung palapit pa lang sila sa pinto.

Biglang tumibok ang puso ni John nang makita nya si Erika.

Mahaba at tuwid na tuwid pa din ang buhok neto na naka headband.

Bagay na bagay un kasuotan niya na naka palda bumabay sa magaan na kulay.

At higit sa lahat ay hindi pa din nag bago ang hubog ng katawan ng dalaga kahit dosenang taon na ang nakalipas.

"John"

Sabi ni Erika sa dating kasintahan.

Di man lang tinignan ng babae ang kasamang neto na si Rogelio at kay John lang ang attenton neto na nahalata ni Rogelio at binati si Erika

Iniabot ni John kamay kay Erika upang kamayan ngunit bigla na lang niyakap ng babae si John.

Normal ito kay Erika sadyang malambing ito sa mga malalapit kaibigan lalo na kung matagal na silang di nag kikita.

Di tuloy alam ni Father John kung mahal pa ba siya ni Erika o naka move-on na ito sa kanilang relasyon kaya niyakap siya dahil kaibigan na lang ang tingin neto sa kanya.

Sa dinner table ay kasama nila kumain ang Nanay ni Erika habang nanonood ng Eat Bulaga.

"Father Daniel kailan ka mag sisimula mag misa sa San Agustin?"
tanong ni Nanay ni Erika.

"Wala pa po akong schedule na mag misa dun alalay muna ako ni Father Thomas habang di pa siya umaalis".

"Sanay naman kami na makita ka malapit sa may altar" sundot naman ni Rogelio.

"Ikaw Erika kamusta na un maliligaw mo doctor?" biglang tanong ni Rogelio na biglang tumingin kay John na halatang inaaasar nanaman ang dalawa.

"Dumadalaw dalaw naman siya sa tindahan pero ayoko yata na magiging asawa ko ay napapalibutan ng mga taong may sakit at ayoko ko din dadalawin ko siya sa ospital tapos un mga makakasalubong ko e may mga problema".

"Biglang ngiti si Father John"
naalala neto kung baket gusto gusto siya ng mga lalaki sa eskwelahan nung high skul pa sila, napaka galing sumagot at walang arte, makukuha niya talaga ang loob mo.

Natapos ang tanghalian na di man lang nababanggit ang nangyari sa trahedya kay Father John na ikinatuwa naman ng binatang pari.

Kahit ang nanay ni Erika ay iniwasan pag usapan ito.

"Mauna na po kami" paalam ni Father John at ni Rogelio.

"Sa simbahan na ang sunod natin pag kikita Father John" tinawag ni Erika na Father si John ito ba ang pahiwatig na wala nang nararamdaman si Erika sa kanya.

Hinatid na ni Rogelio sa sakayan ng Jeep si Father John, Di pwede ihatid ni Rogelio ang kaibigan kasi may duty pa ito sa trabaho at gahol na siya sa oras.

Balewala naman kay John ito dahil maagang natapos ang pagbisita nila kay Erika at katunayan nga ay nag balak ikot-ikot pa ito sa bayan.

Unang pinuntahan ni John ang tindahan ng sapatos na pinuntahan nila ni Mang Berto kaninang umaga.

Di muna binili ni John dahil matagal itong mamili ng sapatos iniisip nia ay baka may lakad pa si Mang Berto kaya pinasya na babalikan na lang niya itong tindahan kung may oras pa.

Di alam ni John kung uunahin niya bilhin ay rubber shoes na pang punta sa bayan dahil ang ginagamit niya ay balat o isang tsinelas na halos kasing mahal na din ng sapatos.

"Miss meron ba kayo size 9 netong Nike" tanong ni John sa sales lady. Pumunta un sales lady sa bodega upang mag hanap sa size na sapatos.

Medyo natagalan si Father John sa pag hihintay kaya lumabas muna ito at lumapit sa kabilang tindahan ng relos at tumingin sa labas ng mga naka display dito.

Nang mula rito ay may nakita siyang isang matandang lalaki naglilibot sa bayan na nakilala niya.

Nanigurado muna ito kung yon nga ito.

Nasa late 50's na ang edad pero alam mo na pwede pa itong makipag buno sa mas nakakabata sa kanya.

Mahaba at nakapuson na halos napapanot na buhok at meron balbas na may halong puti tanda ng kanyang edad. di siya nag kakamali na si Jamie Racman nga ang lalaking nakita nya.

Nanumbalik bigla ang nararamdaman galit niya nun na bitbit niya hanggang ngayon.

Sariwang sariwang pa sa isip niya sa kung paano pinaslang ang kanyang tatay.

PAGHIHIGANTI un ang tunay na nasa puso niya.

Di alam ni John ang gagawin kailangan niya mag isip mabuti bago pa ito mawala.

Susundan sana ni John ang kaaway nang biglang may kumalabit sa kanya mula sa likuran.

Napalingon si Father John sa likod.

"Sir ito na po yung request nyo" sabi ng sales lady.

Nakalimutan na ni John na may binili siya sa tindahan.

Parang tumigil bigla ang mundo niya.

"Sir ok lang po ba kayo bat namumula kayo" tanong ng dalaga.

Biglang nahismasmasan si John ayaw ipahalata sa babae na nakakita siya ng isang halimaw.

"Wala naiinip lang ako sa paghihintay"
pag lingon niya sa lugar kung nasaan si Jamie Racman ay wala na ito dun.

Tinapos na ni Father Jamie ang transaction sa tindahan at gusto nang maka balik ito sa simbahan.

Habang nasa jeep ay bigla napansin niya na ganun pa din ang itsura ni Jamie halos 12 years na ang lumipas pero hindi ito tumanda.

Dun nasigurado ni Father John na ang angkan ng mga Racman ay mga ASWANG!

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon