Chapter 4

521 7 0
                                    

"Eva! Eva, ano ba! Gumising ka nga diyan! Punyeta!" Umagang umaga pero ang bunganga ni Jack dinig na agad hanggang kabilang barangay.

"Jack naman, ang aga-aga pa 'yong boses abot na agad hanggang kabilang barangay." Angal ni Eva na pupungas pa. Halos kauuwi niya lang galing sa trabaho at nagsisimula palang siyang matulog.

"Wala akong pakialam! Natulog ka na agad wala pang pagkaing nakahanda?! Anong kakainin ko?! Inutil ka talagang babae ka! Bumaba ka dito! Bilisan mo!"Galit na utos ni Jack kay Eva.

"Diyos ko naman Jack. Napakaraming pagkain sa ref. Hindi ka naman lumpo para hindi makapagasikaso ng kakainin mo. Alam mung kakauwi ko lang galing sa trabaho." Halos maiyak na si Eva dahil sa tumitinding sama ng loob sa asawa.

"Putragis ka! Nangangatwiran ka pa!" Dalawang malalakas na sampal na agad ang dumapo sa mukha ni Eva. Pakiramdam niya tuloy parang umiikot ang paligid niya. Mabilis ring uminit ang kaniyang pisngi. Pasa na naman ang abot niya.

"Hindi mo naman ako kailangang saktan Jack." Ani Eva nang talikuran na niya ang asawa para pumunta sa kusina.

"Talagang sumasagot ka pa!" Halos mabali ang leeg ni Eva ng hablutin ni Jack ang buhok niya mula sa kaniyang likuran.

"Ah! Tama na, Jack! Nasasaktan na ko!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Eva.

"Talagang masasaktan ka sa'kin! Inutil ka! Sumasagot ka pa talaga!" Isa pang nakakabinging sampal sa mukha. Naramdaman na Eva ang unti-unting pamamaga ng mukha niya. May naramdaman na rin siyang dugong umagos mula sa kaniyang labi.

"Patayin mo na ko! Patayin ko na Jack! Hirap na hirap na ko! Patayin mo nalang ako! Kesa unti-unti mo kong pinapatay!" Eva pleaded.

"Gusto mo ng mamatay ha? Gusto mo ng mamatay?!" Parang sinapian ng demonyo si Jack. Nag-iba ang tingin niya kay Eva ng simulan niya itong sakalin gamit ang dalawang kamay niya. "Hinahamon mo ko?! Akala mo ba natatakot ako?! Ha?!" Inalog-alog pa ni Jack ang ulo ang Eva habang sakal-sakal niya ito.

"Papa! Tama na! Tigilan mo na si Mama!" Hindi na napigilan ni Francheska ang sarili. Halos araw-araw nalang nakikita niya ang Mama niyang dumudugo o puro pasa ang mukha at katawan dahil sa pananakit ng kaniyang ama.

"Huwag kang makialam dito!" Malakas na itinulak ni Jack ang anak. Tumama ang ulo nito sa paanan ng lamesa at agad itong nawalan ng malay.

"Francheska! Diyos ko! Anak? Anak? Hayop ka talaga Jack! Demonyo ka! Wala kang puso! Hindi ko na kaya Jack. Pagod na pagod na ko!" Agad na tumawag ng ambulansiya si Eva. Pagkatapos noon ay naghanda na siya ng mga damit na dadalhin nilang mag-ina.

Pagdating ng ambulasya ay agad na isinakay si Francheska upang madala ito sa hospital. Puro pasa ang mukha at leeg ni Eva. Nasanay na ang kanilang mga kapitbahay sa ganitong eksena. Almost everyday they will Jack's angered voice and Eva's pleas. Noong una may mga concerned neighbors pa silang tumatawag ng security ng subdivision or ng pulis para saklolohan si Eva pero napagod na rin silang tumulong.

Minsan kasi papaalisin lang ni Eva ang mga pulis o security at sasabihang huwag makialam sa away mag-asawa. May mga pagkakataong sumasama si Eva sa mga pulis at mukhang handa ng magsampa ng demanda laban sa kaniyang asawa pero iaatras din naman niya agad.

"Hindi ko na alam kung pagmamahal pa bang matatawag 'yang katangahan ni Eva sa asawa niya. Ikakamatay nalang niya 'yang panggugulpi sa kaniya ni Jack."

'Oo nga kumare eh. Sobra na akong naaawa sa batang iyan. Maganda naman, may mataas na pinag-aralan. Maganda ang trabaho. Pero hindi ko mawari bakit nagtitiis siya sa lalaking 'yan. Wala namang trabaho. Sugarol pa!"

"Naku, mga kumare. Hindi lang batsa sugarol iyang si Jack. Hindi ba't malapit sa sabungan ang trabaho ng anak kong panganay? Nagsumbong sa akin ang anak ko na madalas niyang makita 'yang si Jack may kasamang ibang babae at halatang may relasyon sila. Naaawa na nga ang anak ko diyan kay Eva. Gusto ng magsumbong. Pinagsasabihan lang ng asawa ko na huwag makikialam. Biruin mo nga naman ano? Wala na ngang trabaho nakukuha pang magsugal at mambabae."

"Ipagdasal nalang nating sana walang mangyaring masama kay Francheska at sana matauhan na 'yang si Eva."

Sa hospital.

"Eva naman! Kailan ka ba magigising?! Kapag pati anak mo napahamak na sa kagagahan mo?"

"Diane, mahal ko ang asawa ko. Mainit lang ulo nun kasi natalo sa sugal."

"Punyeta namang katwiran 'yan Eva! Walang trabaho ang asawa mo. Palamunin mo! Tapos nagagawa pang mangbugbog at magsugal? Gumising ka nga!"

"Nangako kami sa isa't isa na magsasama kami sa hirap at ginhawa. Tutulungan ko siyang magbago. Kaya niyang magbago. Naiimpluwensyahan lang naman 'yon ng mga kaibigan niya eh."

"Sige! Ipagtanggol mo ng ipagtanggol 'yang asawa mo. Tingnan nalang natin kung anong gagawin mo kapag may nangyari ng masama sa anak mo dahil sa diyan sa bwisit na katangahan mo!"

"Eva, kamusta na si Francheska?"

Parehong nabaling ang tingin ng magkaibigang si Diane at Eva ng bumukas ang pinto. Tumaas agad ang kilay ni Diane ng makita kung sino ang taong pumasok.

"Aalis na ko at baka masuka pa akong bigla dito sa loob ng kwarto ng inaanak ko. Balitaan mo nalang ako kung anong mangyayari o kaya kapag kailangan mo ng tulong."

Hindi na hinintay ni Diane na sumagot ang kaibigan. Hindi niya kayang tagalan ang presensya ni Jack. Labis ang galit niya sa lalaki dahil sa masamang pagtrato nito sa kaibigan niya. Kung maaari lang, siya na ang magdedesisyon ta ilalayo na niya si Eva sa lalaking ito. Ngunit alam niyang wala siyang magagawa.

"Umuwi ka na. Kaya ko ng mag-isa dito."

Nagulat si Jack sa malamig na pakikitungo ng kaniyang asawa. Pinagmasdan niyang maigi ang itsura ni Eva. maga ang mata nito dahil sa labis na pag-iyak. Namamaga ang mukha sa malalakas na sampal na tinamo mula sa kaniya. May pasa din ang leeg nito sa ginawa niyang pagkakasakal.

"Hon, sorry. Hindi ko sinasadya. patawarin mo na ko."

"Palagi namang hindi mo sinasadya Jack. Kailan mo ba sinadya?" Muli na namang nagsimula ang walang tigil na pag-agos ng luha ni Eva sa kaniyang mukha.

"Bigla lang talagang uminit ang ulo ko kanina. Ikaw naman kasi. Hindi mo man lang ako pinaghanda ng pagkain bago ka natulog. Di mo man lanpg naisip may anak tayo. Ano ring kakainin niya?"

"Right. Kapag biglang umiinit ang ulo mo susuntukin mo ko, sasampalin, sasabunutan o kaya naman tatadyakan. Jack hindi naman bato-bato ang katawan ko. Hindi ako robot. Galing ako sa trabaho. Puyat ako. Pagod. Ikaw? Saan ka ba nanggaling? Di ba sugalan na naman? Jack naman, kailan ka ba magbabago?"

"Patawarin mo na ko, hon. Hindi ko na uulitin. Pangako magbabago na ko. Tulungan mo akong magbago."

Niyakap ni Jack si Eva mula sa likuran nito. Mahigpit na yakap na sinabayan niya pa ng mga maliliit na halik sa balikat nito. Napapikit nalang si Eva.

Mahal niya ang asawa. Ipinangako niyang mamahalin at pagsisilbihan niya ito hanggang sa kanilang pagtanda, Pero paano niya ba mapapanindigan ang pangakong 'yon kung ganito ang nararanasan niya sa asawa? Naisip niyang pagbigyan sa huling pagkakataon si Jack.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now