Abo

52 2 3
                                    

Disyembre 2019

Habang abala ang lahat sa paghahanda para sa pag salubong sa Noche Buena, maingat na binabaybay ni Simon ang kahabaan ng East Avenue lulan ng kanyang kotse.

Nasa tapat na siya ng Ospital na pinag tatrabahuhan ni Marites ang kanyang Nurse na nobya sa nasabing ospital.

Marites: Uy babe kanina ka pa ba? Sorry ah may inasikaso pa akong pasyente sa loob kaya ako natagalan

Simon: Hindi naman okey lang , tara na naghihintay na sila mama sa bahay. Excited na sila.

Marites: Ah eh? bakit naman?

Simon: Di ba nga ito ang unang pasko mo sa bahay? ewan ko sa mga yun, parang ngayon lang nakakakita ng babae, yung mga Ex ko nga di nila tinuring na ganyan, anong pinakain mo sa kanila? bakit botong boto sila sayo?

Marites: Maganda lang talaga kasi ako char, haha bolero ka talaga tara na nga. Daan muna tayo sa tindahan ng cake para may maiambag din ako sa handa nila, itetext ko na rin sila papa sa bahay para di na sila mag alala.

Simon: Magandang idea yan ng matikman ko rin ang hiwa mo

Marites: Huy ! ano ka ba kainis ka! Baka may makarinig. Ewan ko sayo

Simon: Nasa kotse tayo panong may makakarinig? tamang tama mamaya pag tulog na sila dun tayo sa kwarto, miss na miss ko na pa naman yan hihi. (Pabirong sagot niya habang nagmamaneho)

Marites: Di pwede yan. tumigil ka. naku.  wag muna natin isipin yan. mag ipon muna tayo para sa kasal natin baka makabuo tayo  ng wala sa oras maudlot pa dream wedding ko.

Simon: Ano ka ba babe may kapote naman ako eh, tska  minsan lang naman.

Marites: Basta ayoko! Wag ka makulit. Umayos ka jan.

Makalipas ang isang oras na byahe narating nila ang bahay nila Simon, masaya ang selebrasyon nila ng pasko, kainan may inuman, videoke, mga parlor games. Isang masayang pamilya ang mailalarawan ng mga panahong iyon, isang pamilyang pinapangarap ding mabuo ni Simon at ni Marites.

May 2020

Alas Sais na ng umaga ngunit hindi pa rin nakakatulog si Simon sa kanyang pag-aalala para sa kanyang kasintahan ng mag ring ang kanyang telepono

Simon: Hello babe kamusta ka naman jan?

Marites: Ito okey lang naman, pagod lang grabe din kasi mga pasyente dito ngayon, marami pang nahawaan ng Covid

Simon: Ah sige mag-iingat ka jan ah. kumain ka na ba? yung vitamins mo iniinom mo ba? Happy Birthday pala babe miss na kita. Makakauwi ka na ba mamaya?

Marites: Babe di pa ako makakauwi, alam mo naman, pasensya na ah, gustuhin ko man ipagdiwang ang kaarawan ko sainyo ay hindi pwede. Hindi kami pinapalabas ng Admin ng Ospital baka daw madala namin ang virus sa mga pamilya namin sorry talaga.

Simon: Sige lang, may next year pa naman. bawi tayo, itutuloy na natin yung Boracay pagkatapos ng pandemyang ito.

Marites: Sana nga matapos na ito, nakakapagod na.

Simon: Tiwala lang babe makakaraos din tayo. Padayon lang! I love you.

Marites: I love you too babe, o pano idlip lang muna ako saglit di na kaya ng mga mata ko. Salamat lagi kang nanjan.

Simon: Ah sige, mag-iingat ka lagi jan. Oo dito lang lagi ako.

Makalipas ang dalawang linggo nag positibo sa Swab Test si Marites at nasa Critical ang kanyang kalagayan na kinailangan pa niyang gumamit ng mga aparato upang makahinga siya ng maayos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Abo (Short Story)Where stories live. Discover now