Apat na Buwan

166 5 0
                                    

Parang kailan lang
Noong ako'y nag-iisa pa lamang
Walang makausap o masabihan man lang
Nang mga hinanakit sa buhay

Ngunit sa kabila ng lahat
May dumating na mga kaibigan
Mga kaibigang nasasandalan
Sa bawat pagsubok na pinagdaraanan

May dumating man na unos
Kahit hindi naintindihan ng lubos
Kahit may mga bagay na hindi patas
Sana ay hindi pa rin ito maging wakas

May umaalis, may darating
Kahit hindi na katulad ng dati
Atin pa ring ipagbuti
Pagkakaibigan na ating pinapanatili

Sa bawat araw na lumilipas
Kaibigan ikaw pa rin ang lakas
Dahil ikaw ay walang kupas
Sa bawat payo ng bukas

Mga salitang hindi mabigkas
Sa tula na lamang ipapamalas
Mga salitang umaalpas
Para sa mga kaibigang malakas

Tula Para sa KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon