Short Story.

9 0 0
                                    

Ang pagkanta niya ay nakakagaan ng damdamin sa akin, kada sambit ng linya ay isang kiliti sa aking puso at dahil rito lalo ako napapamahal sa kanya.

Pangarap niya ito, ang maging isang mang-aawit. Sa tuwing may duty ako sa hospital pumupunta siya upang bisitahin at kamustahin ako at ang nakakatuwa pa sa kanya ay kumakanta siya sa mga may batang may sakit. Kinikilig ako sa tuwing nakikita ko siyang kumanta at tumitingin sa aking mga mata. Pero sa tuwing magkasama kami, nararamdaman ko na sobra na ang sakripisyong ginagawa niya para sa akin, hindi na niya iniintindi ang sarili niya. Paano naman ako? Ano ba ang dapat kong ibigay sa kanya para naman siya ang makaabot ng pangarap niya. Siya na lang ang palaging sumasakripisyo ng oras niya. Kaya binalak kong lumayo at makipag hiwalay sa kanya. . .

"Mae! Bakit ka ba hindi sumasagot sa mga texts at tawag ko? Sabi mo sa akin wala tayong problema pero bakit ganyan ka parang wala nalang ako sa iyo? Ano ba talaga?" sigaw ni Mark sa akin habang hawak hawak nya ang kamay ko ng mahigpit.

Pinipigilan ko ang pag iyak, "Mark, sa tingin ko masyado ka nang nahihirapan, ikaw na lang palagi ang humahati sa oras mo. Hindi ko na naiibigay ang mga gusto mo, paano ka? Ang mga pangarap mo? Kailangan mong lumayo sa akin para maabot mo ang mga pangarap mo hindi na yung palaging nandito ka sa tabi ko."

Niyakap niya ko ng mahigpit, siguro nga ay hinahanap hanap ko lang siya, pero kailangan ko na talagang lumayo baka mas lalo pang masakit kapag pinatagal ko itong relation namin. Makakahanap pa naman siya ng iba, mas maganda, mas mapapangalagaan siya, mas magbibigay ng oras para sa kanya at yung mas magbibigay ligaya sa kanya.

Kaya nagpumiglas ako, tinitigan siya sa kanyang luhaan na mata at yumuko.

Kada sambit niya ng salita ay katumbas ng isang patak ng luha sa aking mata.
"Mae, wag ka namang lumayo sa akin. Ikaw lang ang inspirasyon ko sa paggawa ng kanta, mawawalaka pa? Kaya naman natin to isaayos hindi ba? Ayos lang sa akin na ako ang laging sumasakripisyo sa oras nating dalawa. Mahal kita Mae, huwag naman sana tayo maghiwalay ng ganito."

Hindi ko na kaya, ito na ang pagkakataon na maaabot niya ang maging isang tanyag na mang-aawit, sagabal lamang ako sa kanya, kailangan niyang ayusin ang buhay niya para sa kinabukasan niya at para sa pamilya niya.

Dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko at patuloy pa ang pagdaloy ng luha ko ay tumakbo ako papalayo sa kanya. Ayokong sumakay ng jeep dahil makikita lamang akong umiiyak, kaya naglakad ako pauwi ng bahay, nag~iisip, tinatanong ang sarili kung naging tama ba ang desisyon ko pero naisip kong tama iyon. Tama na umalis ako sa piling niya, tama ang desisyon ko.

Sobra na ang pag~iyak ko, nakaramdam ako ng antok at hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Masakit sa damdamin na lumayo ka sa taong mahal mo. Gusto ko siyang makasama habang buhay. Gusto ko ang mga yakap niya at mga halik, ang pagkanta niya sabay ang pagtugtog ng gitara.

Sa himbing ng aking pagtulog ay naririnig ko siya, kumakanta. Walang halong instrumento, boses niya lamang ang naririnig ko. Nasa likod ko siya, palakas ng palakas ang pagkanta niya kaya palapit siya ng palapit sa akin. May saliw na ng biyolin at piano, napakaganda ng boses niya, nakakagaan, nakakawala ng pagod, tila nawala ang lahat ng aking pangamba, nalimutan ang lahat ng problema.

"Ikaw ang aking pangarap, ikaw ang nasa dulo ng direksyon ko, ngayon ay narito na ko naabot na kita kaya huwag ka nang umalis." nakayakap siya sa akin. Ang sarap sa pakiramdam, ayaw ko siyang mawala at ganun din siya. Pero maya maya ay hindi ko na nararamdaman ang mahigpit niyang yakap,unti~unti siyang lumalayo at sinisigaw ang pangalan ko. At bigla na lamang siya nawala sa aking paningin.

Nagising ako at biglang kinabahan, tinignan ko ang cellphone ko may missed call mula sa kapatid ni Mark at may isang text. "Ate Mae, pumunta ka ngayon sa ospital, nasunog ang restoran kung saan tumutugtog si kuya, kailangan ka niya. Doctor ka di ba? Pagalingin mo siya!"

Nagdali dali ako papuntang ospital, tumatakbo papunta sa emergency room. Doon ay nakita ko siya at nagulat sa aking nakita. . .

TAPOS.

Title: Giving Up.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon