Represent
"Class alam niyo naman siguro kung anong event ang meron this month?" Si sir. Umagang umaga'y imbis na magturo ay prente lang siyang nakaupo sa harap. Kung hindi ko lang siya kilala iisipin kong isa siya sa mga ka klase ko. He look so young to be our adviser! Kaya nga minsan hindi maiwasan ng mga ibang students na makipag harutan!
"Yes sir!" Sigaw ng lahat. Malapit na ang intramurals kaya maraming excited. Kahit naman ako excited eh.
"Base on our meeting earlier, kailan ng isang representative bawat section sa screening para sa Ms. Intramural tapos kung sino ang papasa over all siya ang pambato ng school natin" he said. Agad naman nag ingayan ang mga ka klase namin. Kaniya kaniya na sila ng tinuturo kung sino ang pwede. I glanced at Elli who's looking at me right now. Uh-uh don't do any stupid move now!
"Gusto mo?" Nakangising tanong ni Elli.
"No. I'm not into it" I make face and rolled my eyes. Nakita ko pa itong ngumiwi sa'kin.
"Sir si Quinnie nalang!" Sigaw ng isa sa mga ka klase ko. She is Quinnie's friend. Napalingon kami kay Quinnie na halos umiyak na sa ginawa ng kaibigan. Actually she's pretty, tall, her hair is long wavy like and she got a sexy body. Papasa siya panigurado.
"Tigilan niyo nga ako! Subukan niyo akong isali diyan at aabsent ako ng buong buwan!" Agad naman kaming natawa sa sinabi niya. Elli told me that Quinnie is the most playful and so hard headed students at our batch way back in junior and senior high. Nag focus lang daw ito ng pag aaral noong nag college na. Lagi daw itong laman ng guidance office dahil sa palaging pag absent and kung nag aaral naman daw ay kung ano anong katarantaduhan ang ginagawa. Noong una hindi ako naniniwala dahil pagtitingnan mo siya, sa ganda at pangangatawan niya ay iisipin mong napaka prim niya. Pero pag nagsasalita na ay maco confirm mo na totoo ang sabi sabi dahil sa angas niyang magsalita at laging umaambang mananapak.
"Bakit hindi mo subukan Quinnie?" Natatawang sabi ni Sir na agad naman nakatanggap ng irap.
"Oh bakit ako sasali diyan?" Irap pa rin nito. Pikon na pikon na ang mukha niya. Pero lahat naman kami ay natatawa nalang sa kaniya dahil kumikibot kibot pa ang labi na masamang nakatingin kay Sir tapos sa mga kaibigan niya.
"So sinong sasali sa screening kung ganon? Ikaw nanga yong sinu support ng mga ka klase mo oh!" Sabi pa ni Sir pero mukhang iniinis lang si Quinnie.
"Potangina! Ganyan naba kayo ka gandang ganda sa'kin ha?" Mas lalo pa lumakas ang tawanan sa room dahil sa sinabi niya. She's so angry this time at nakuha niya pang magmura. Siguro'y sanay na ang mga tao dito sa way ng pagsasalita niya dahil hindi na nila pinansin ang pagmumura niya. "Naku! Alam kung maganda ako pero hinding hindi ako sasali diyan! Putek!" Pagtutuloy nito.
Siguro ay dahil kitang kita na ang galit niya ay tinigilan na siya ni Sir. Kahit na natatawa ay pinilit pa nitong magtanong kung sino ang pwede.
"Screening palang naman ang gagawin hindi pa kayo sasabak ka agad." Sabi pa ni Sir.
"Sumali kana kasi" bulong pa ni Elli. Kung matangkad lang ako ay sumali na ako pero hindi! Noon pa man ay gusto ko ng sumali sa mga ganito pero No! My height makes me think that I should not!
"Ayoko nga" sabi ko pa din. Umayos ako ng upo ng tumingin sa'min si Sir. Bigla akong kinabahan.
"Ikaw Ms. Cañaveral, ayaw mo bang subukan?" Nagliparan naman ang tingin ng mga ka klase ko at kaniya kaniya sila ng sang ayon. NO!
"No sir. Ayaw ko po..." sabi ko, kanina pa tawa tawa lang ako pero ngayon naiintindihan ko na si Quinnie!
"Subukan mo na, you can actually pass" one of my classmate cheer. Gurl!! Can't you see my height? I'm petite and I know you guys can tell.
YOU ARE READING
My Sweetest Mistake (SKSU SERIES 1)
Novela JuvenilRich Hazel Cañaveral grew up in a wealthy family. A 19 y/old girl with a pretty face. In her last year in college, their parents decided to transfer her with her brother to the school name "Sultan Kudarat State University" A prestigious school in Su...