Prologue

0 0 0
                                    

An -Dime Prologue

Sa mundong ito’y may dalawang damdami ng naglalaban, pagmamahal at pagkamuhi. Kung normal na tao ang tatanungin at papipiliin, tiyak na pagmamahal ang kaniyang gugustuhin. Subalit nakakatawang isipin na hindi kailanman maaaring paghiwalayin ang  pagmamahal sa pagkamuhi. Dahil  sa mismong pagmamahal nagmumula  ang mapanirang damdamin na tinatawag na pagkamuhi.

Maraming maaaring kahinatnan ang pag-ibig ng isang tao, maaaring kasiyahan, kapayapaan at liwanag. Subalit maaari rin itong humantong sa sakit, hinagpis, kaguluhan at kadiliman.

Sa pagpikit ng kaniyang mga mata,
Presensiya’y laging makikita.

Palaging magkakasama,
Subalit ang magtagpo’y  kailanma’y hindi magagawa.

At kung sakali na sila’y magkadaop ng palad man,
Ang galak ay rendahan,
Ang kasunod ay paghandaan.

Isang hiwa ng punyal sa aking palad,
Kapalit ng isang hiwa sa kaniyang kapalaran.

Ang pag-agos ng dugo galing sa aking sugat,
Kapalit ang pag-agos ng karimlan galing sa paghihirap.

Isang tarak ng punyal sa aking dibdib,
Para sa sakit at hapdi ng aking pag-ibig.
Kapalit ang di mapapantayang hinagpis
Mula sa damdaming nadudurog at naninikip.

At sa huli, para sa huling dasal,
Upang magpatuloy ang gulong ng kapalaran.
Iniaalay ko ang aking buhay,
Kapalit ang patuloy na pagkabuhay ng hiwa sa kaniyang kapalaran.

Sa ngalan ng aking Ina,
Ng kapatid ko’t mga kalahi,
Dinggin ang aking dasal!

Miminsan lang sa mundo ang makatagpo ng tunay na pag-ibig. Papaano kung makita mo ang inilaan para sa’yo ng tadhana? Paano kung sadya talagang ipinakikita siya sa’yo? Alam mong siya na, ang dapat mo lang gawin ay tumakbo papunta sa bisig niya. Subalit bakit parang napakadali naman yata? Hindi ba’t karaniwang nagpapagod at nadadapa muna ang tao bago makita ang ‘the one’ niya? Isa ba itong regalo ng tadhana o isang malagim na sumpa na sinadyang ipagbalat-kayo bilang regalong nakabalot sa matitingkad na pamalot at punong puno ng palamuti ?

Another Dimension: BOUND TO YOU (Curse Series Book 1: Curse of the Blood)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon