1

236 8 0
                                    


What kind of fool am i?

Why can't I fallinlove like any other girl..


Melody's POV


I am never been kissed,never been touch like a virgin kumbaga. Hahaha!

I'm already 25 pero NBSB pa din, yes oo same tayo single haha.. Di ko alam malas talaga siguro ako sa lovelife eh kaya focus nalang muna ako sa work. Work is life pero food is lifer.

Pero may secret ako.. Crush na crush ko yung boss kong lalaki.. Gwapo, matangkad, matalino ideal man kumbaga.. Everytime na nanjan sya di na ako mapakali para nakong naiihi kaso minsan nakakawala ng gana kasi kasama niya si ma'am yung asawa niya. Di naman sa hate ko siya nakakakonsensya lang talaga haha..

Si ma'am ang babaeng masasabi mong simple pero maganda, bagay nga sila ni sir eh..Isa akong Front desk Officer sa isang Hotel na pag mamay-ari nila Sir Jonas at Ma'am Karen lagi silang bumibisita sa Hotel at napaka hands on nila sa business kaya nakakahanga din sila, kasi mga bata pa sila pero marami ng negosyo.

9pm out ko while waiting na mag 9 eh hinanda ko na gamit ko at nag ayos na din dahil agawan na naman sa jeep pauwi ngayon at kung siniswerte ba naman ako ay napakalakas pa ng ulan. Go lang go girl kaya ko to..

Nasa harapan lang ako ng hotel at hinihintay na humina ang ulan habang nakikinig ng music. Minsan masarap mag senti pag umuulan, feeling broken.. Biglang may huminto na kotse sa harapan ko, kinabahan nga ako kala ko kikidnapin ako pero charot lang, si Ma'am Karen pala.. Napaisip ako bat kaya napahinto sya, may kailangan kaya siya, di naman kami close ah..

"pauwi kana ba?" pasigaw niyang tanong.. Syempre ngumiti naman ako bilang amo ko siya.. "magandang gabi ma'am, opo ma'am naghihintay lang po ako humina ang ulan at uuwi na din po"
"sakay ka nalang" sabi niya. Pero parang di ko ata narinig ang sinabi niya or in denial lang ako dahil nakakahiya..

"po?" sagot ko pa..
"sakay kana, mahirap mag commute ngayon" napaisip muna ako ng isasagot kasi nakakahiya talagang sumakay sa kotse niya na kami lang dalawa..
"ahh oohhkay po ma'am" sasakay na sana ako sa likuran pero nagsalita siya ulit.

"dito kana sa harap," kaya lumipat na din ako, no choice tayo mga ateng..

"ano nga ulit pangalan mo,? " tanong niya habang kinakabit seatbelt niya..
"Melody" pero nabigla ako sa ginawa niya dahil siya na mismo nagkabit sa seatbealt ko, napakalapit niya sakin. Amoy na amoy ko pabango niya.. Infairness mabango si ma'am.. Sabagay ikaw ba naman mayaman di pwedeng dugyot nu..

"san kaba umuuwi Melody?" hmm parang ang ganda naman ng pagkakabigkas niya sa pangalan ko, bakit yung iba parang ang tigas ng Melody nila.. "sa Paranaque po" sagot ko..

"ah okay madadaanan ko naman yun," ang seryoso naman ni ma'am, opposite sila ni sir palabiro at pala kwento..

"nakakahiya naman po ma'am kahit sa may sakayan nalang po".. Nakita kong nilingon niya ako at ngumiti.. Infairness mas maganda siya pag nakangiti, sweet.. Kaya pala nainlove si crush ko sa kanya..

"ok lang, no worries" tumango lang ako at ngumiti, di ko na alam sasabihin ko, nakakahiya ehh. "as usual traffic" buntong hininga niya.. Nga pala ba't di niya kasama si sir..

"ba't kayo lang po mag-isa ma'am?" bigla kong tanong, di ba halata na may hinahanap ako?
"wala kasi si sir mo, bumyahe may meeting eh kaya ako lang bumisita sa Hotel ngayon" tumango naman ako, habang nagpatuloy sya sa pag da drive..

"ba't nagsisibalikan yung iba ma'am?" tanong ko sa kanya nung nakita ko yung ibang sasakyan na umaatras..

"baha, at may nagbanggaan.." buntong hininga na naman niya.. Mejo kumalam ang tiyan ko di pa kaya ako nagdi-dinner that's why..

"i am hungry too Melody" nakakahiya naman narinig niya pala. Kainis namang tiyan to.. Hays..10:30 na pala kaya pala gutom is real..

"san tayo dadaan ma'am?" tanong ko kay ma'am K.. Oh dba feeling close ma'am K..
"di na tayo makakauwi" sagot niya.

"ha? Bakit po ma'am, wag naman po maawa po kayo mag-aalala yung pamilya ko ako lang inaasahan nila ma'am" derederetso kung sagot. Tinitigan niya lang ako at ngumiti.

"chill kalang Melody, haha!" infairness ang cute ng tawa niya..

"tawagan mo nalang family mo na sa hotel tayo magpapalipas ng gabi, dahil baha na at may nagbanggaan pa..kasi pag bumalik pa tayo sobrang traffic na din baka abutin tayo ng umaga.." wala na din akong nagawa kundi tawagan sina mama at papa at pinaliwanag ang sitwasyon ko, mas kampante nga sila kasi kasama ko boss kong babae..

Nag park si Ma'am K sa isang Pension House d ko na inalam ang pangalan kasi di ko makita haha!. Nakasunod lang ako sa kanya habang papasok ng pension house..

"dalawang room" sabi niya sa Receptionist. Halata sa boses ni ma'am na pagod na sya.. Ako din naman pagod na at gutom na gutom..

"ma'am sorry isa nalang available na room, madami din kasi nagdatingan para mag check-in dahil sa baha at ulan" nakita ko pa siyang napaisip at napabuntong hininga..
"ok kunin ko na.." nung na settle na ay ibinigay na kay ma'am ang susi..

"let's go Melody" di ko din narinig pinag-usapan nila dahil na busy ako kakatingin sa mga paintings na nakasabit.. Sumunod lang ako kay ma'am K hanggang sa narating namin ang kwarto..

"ma'am sa sofa lang ako matutulog. Ok lang naman" di sya sumagot bagkus tiningnan niya lang ako.

"mag sha-shower muna ako" umalis siya at pumasok sa CR.. May dalawa ding bathrobe na nakatupi sa kama..

Napahiga muna ako sa sofa while waiting na matapos si ma'am.. Biglang may kumatok at tsadaaah ang daming foods.. Parang natatakam na ako. After 15mins di pa din lumalabas si Ma'am, ang tagal naman..

"Melody," narinig kong may tumatawag sa'kin..

"wake up, Melody i'm hungry" napamulat ako ng mata at nakita ko si mam na naka bathrobe at nakabalot ng towel ang kanyang buhok..
"kain muna tayo.. " kumain muna kami at nahihiya ako dahil napakahinhin niyang kumain while ako parang bakulaw, gutom na gutom..

"tapos kana ma'am?" tanong ko, ang konti lang kasi ng kinain niya.. Kaya ba sobrang sexy niya.. Ganyan pala dapat? Haha!

"yes, ubusin mo na lang yung food" siyempre dahil matakaw ako inubos ko yung pagkain. Pagkatapos kung kumain at nagpahinga ako naman ang naligo.. After kung maligo nakita kong nakahiga si ma'am at parang nakatulog na ata..

Napahiga na din ako sa sofa at tinititgan ang likod ni ma'am.. Dun ko lang napansin na may parang malaking pasa sa balakang niya.. Mejo nakataas kasi yung damit niya..Di ko na pinansin dahil natalo na ako ng aking antok..

Antok na antok pa ako pero naiihi na talaga ako kaya bumangon na din ako at pumunta ng CR.. Wala akong makita madilim eh, ewan asan yung switch, di ko namn inoff yung lights kagabi..

"ouch" nagising ang aking diwa nung narinig ko si ma'am, di ko alam na palabas pala siya ng CR at nabangga ko siya di naman malakas pero yung reaction niya sobrang nasaktan..

"hala ma'am sorry talaga, masakit po ba ma'am.." taranta kong sabi.

"it's fine" dali dali kong in-on ang ilaw.. At di ko alam na naka sleeveless siya kitang kita ang mga pasa niya..

"ma'am napano kayo?" pag-aalala ko pa..
"wala to," sagot niya,
"ma'am sure kabang okay kalang?" tumabi ako sa kanya at nakita ko siyang humagulgol ng iyak. Di ko alam ang gagawin ko.. Di kami close, di ko alam ano sasabihin ko.. Hinagod ko lang ang likod niya..

"ilabas niyo lang ma'am kung mabigat na" wala kaming imikan habang siya ay iyak ng iyak pa din..

Tama nga ako at mga pasa nga ang nakita ko, pati yung nakita ko kagabi.. Baka sinasaktan siya ni sir..

"ma'am sinasaktan kaba ni sir?" di ko napigilang magtanong..Kita sa mata niya na nagulat siya sa tanong ko..

"kung ano man ang nakita mo at mga napag-usapan natin, sana satin lang yun Melody" naawa ako sa kanya.. Yung mata niyang napakalungkot..




--

hi gays this is just a short story :) please vote.. thank you

Peculiar Love (gxg one-shot story)Where stories live. Discover now