CHAPTER 2

10 2 0
                                    

A/N: WALA LANG PO GUSTO KO LANG PO MAGTHANKS SA PAGBABASA HEHE.

JAYL'S POV.

Kingina napakaaga badtrip agad ako.
Pano? Kase yung nakasalubong ko lang naman ang magaling kong Twin Brother.

That bitch must go to hell

First day ko ngayun sa papasukan kong school.
BAGO KONG SCHOOL lintek lang kase hindi ko naman kase kasalanan yon bwicit kase yung anak ng principal eh ang manyak kala niya kung sinong gwapo.

So ngayun nag decide tong tita ko na same school nalang daw kami nung twin brother ko.
Hayst ayaw ko nga siyang makita kainis!

Habang naglalakad ako patungo sa principal office para kunin ang sched ko ay pinagtitinginan ako ng mga studyante na naka tambay lang din sa hallway hmpk! Alam kong attractive tong face ko pero wag naman sanang pahalatang naattract sila duh.

After 123456789 minutes narating ko na ang principal office. Ang gara ha may pagold-gold pang nalalaman. Eh kasi yung kulay ng pintuan ng office is white tyaka gold pangyayamanin.

Kumatok agad ako ng tatlong besses at naghintay ng sign napapasuk ako.

After 123456789(2) biglang bumukas ang pintuan at sumilip don ang isang babaeng mga nasa mid 40 na ata basta I'm not interested sa kanya char. Mataray itong tumingin sakin kaya tinaasan ko din siya ng kilay.

Wag papakabog bhie!

"What do you need?" tanong nung babae mataray.

"Kukunin ko lang po sana yung sched ko" magalang na sabi ko.

Magalang tayo ngayun bhie!

"Oh? So you are Jesse Blair Garcia?" tanong niya kaya naman tumango ako ng bahagya. Binuksan niya naman ang pinto para makapasok ako. Pinaupo ako nito sa isang upuan katapat ng kanyang lamesa. May kinuha naman itong kung ano sa isang drawer.

Inikot ko naman ang mata ko sa kabuuan ng kwarto. Elegante ang design nito kulay white at gold ang kulay ng buong kwarto.

Pangmayayamanin nga

Napalingon naman ako ulit sa principal ng patungo ito sa karoroan ko tyaka nilapag sa harap ko ang isang long bondpaper na naglalaman ng mga scheds ko sa whole school year.

"So i heard that kaya ka nag transfer kase may binugbog ka daw sa former school mo?" nakataas na kilay nyang sagot. Tinaasan ko naman din siya ng kilay.

Pake mo?

"And also nakita ko sa record mo ang dami mong violence god!" maarteng sabi niya saakin. Nakataas parin ang kilay ko sakanya.

Matanda yan Jayl!

Plastic akong ngumiti sa kanya. Tumaas naman yung isang kilay niya. Mataray ka ghorl?

Kalbohin ko kilay mo eh!

"If you dont mind maam I'll go na kase po diba mag stastart na klase?" mahinahon kong sabi. Tumango naman ito at sinenyasan akong lumabas na kaya wala akong sinayang na oras at lumabas agad ako. Ah kairita.

Paglabas ko ng office ay agad kong binasa ang papel kase nandon din kung nasaan ang room ko.

BLDG 3 - ROOM 5 SECTION D - 3RD FLOOR

Saan naman tong building nato? Hayst.
Bale apat ang building dito ang tatlo ay ang gaganda ng pintura tas yung isa parang angluma parang bodega narin kase sa gilid ng building may mga upuan na nakatambak. May mga sulat-sulat nadin ang mga dingding nito at madumi na.
Habang naglalakad ay nakakita ako ng mga studyante na nagsasayaw kaharapa ang cellphone nila parang nagtitiktok. Matanong nga!

"Excuse me can i ask?" english kong tanong sa mga estudyante dilekado at baka english pokening ang mga to tansya ko ay nasa 2nd year na sila.

"Ano po yun ate?" tanong nung isang babae saakin. Lumapit naman yung iba.

"Saan pala yung BLDG 3 dito?" gulat naman silang napatingin saakin lahat. Oo, lahat sila at kita sa iba sakanila ang takot para bang may multo doon.

Omay may multo?!

"Building 3 po?" gulat na tanong saakin nung babae. Tumango naman ako sakanya.

"Ano pong gagawin mo dun ate? Delekado po dun" sabi nung isang lalaki na nasa likod nung babae halata din sa kanya ang gulat at takot.

"Dun kase ang room ko" simpleng sagot ko pero napasinghap naman sila agad.

"S-SECTION D PO KAYO" Dilat na dilat ang mga mata nilang tanong saakin.

Sabay-sabay talaga?

"Oo, look oh" sabi ko sabay pakita sa hawak kong papel.

"A-Ah dun p-po ate" sabi nung lalaki sabay turo sa lumang building at nagsiunahan silang magtakbohan.

Anong meron dun?

Taka kong tinignan ang lumang building. Kung titignan kase parang budega ito at nagklaklase.
Dahan-dahan akong pumasok sa building na iyong at umakyat. 3rd floor lang ang banda nito.

Sa 1st floor makikita dito ang tambak-tambak na upuan at puro basura. Parang pinagtatambak lang ito nang kung sino. Umakyat naman ako at tumambad saakin ang 2nd floor. Puro basag na bintana ang nakakalat sa sahig ng hallway nito may mga pintuan na natumba narin. Parang may bagyong tumama dito ah.

Umakyat naman ako sa last floor which is ang 3rd floor. Parang pinagloloko ako nung principal ah! Eh kase kung titignan mo talaga ito parang abandonadong building to.

Naglakad ako sa hallway upang tignan kung nasaan ang room ko ng makarinig ako ng ingay.
Agad kong sinundan ang ingay at napadpad ako sa pinakadulo ng building. Tinignan ko naman number sa taas ng pinto at gotcha ito nga.

ROOM 5

agad naman akong lumapit sa pintuan at kumatok ng tatlong beses agad naman itong binuksan at iniluwa nito ang isang babaeng tansya ko ay nasa mid 30.

"What?" tanong niya siguro siya ang teacher.

"Transferree" sabi ko sakanya tyaka siya tumango-tango at sinenyasan akong mag hintay.

Naghinatay naman ako sa labas at pinagmasdan ang buong hallway at isa lang ang masasabi ko.

Ang kalat

Nakakakita akong isang upuan dun kaya naman dali-dali akong umupo doon kase masakit na tong paa ko lintek! Pero sa kasamaang palad ay sira pala yung upuan nayun kaya deretso ako sa sahig putsa.

"Aray" daing ko sabay himas ng pwet kong naumbog sa sahig. Badtrip na nga sa bahay pati ba naman dito?! Haiyst!

"Miss Chavez" rinig kong tawag dun sa loob kaya naman walang gana akong pumasok doon.

Nagulat pa ako ng makitang halos lalaki pala kaklase ko at may 4 na babae. Wews.

Kung sa labas ay makalat expect narin natin sa loob. Ang baho din lintek.

"I am Jesse Blair Chavez Jayl for short Bly for shorter and I'm from BES"

----
A/N: HI MGA READERS

ANG SECTION D NG BHVS (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon