"SA KANIYA"Simula pa nung una alam ko na
Na kahit kailan ay kasama mo man ako siya lang talaga
Tumingin man sa kalawakan hilingin mang ikaw ay manatili
Paniguradong siya lang ang nais ng iyong labiMagkasama man tayo ay siya pa rin
Yakapin man kita ng mariin siya pa rin
Ibigay ko man ang lahat mananatiling siya
Alam kong sa kaniya ka sasayaKaya't ayaw kong maging makasarili
na pilitin kang manatili
Ayaw kong itali ka sa akin gayung sa iba ang nais mong makasama
Kaya huwag kang mag alala
Hindi ko na lamang ipipilit paWala akong karapatan, dahil ni minsan hindi mo ako binigyan nun
Kaya't sa lungkot sarili ay hahayaang magpa alon
Masakit mang hawak ka ng iba
Wala na akong magagawa kung sa kaniya ka masaya