Gabrielle Allison Leviste
"Love..." nanlalaki ang mata kong bumaling kay Lucas na siyang nagsalita.
"Lucas..." bigkas ko sa pangalan niya.
"I missed you." sabi niya at naupo sa kinahihigaan.
"Khael?" kuha ko sa atensyon ni Khael na siyang nakatingin rin sa akin.
"Excuse us for a minute Lucas." sabi ni Khael.
"Saglit lang. Ibalik mo agad si Gabrielle dito. Love, bumalik ka dito please." sabi ni Lucas, kahit na nagtataka pa rin na ako ay tumango na lamang ako sa kanya bilang sagot.
"Let's go." sabi ni Khael.
Sumunod naman ako sa kanya palabas. Nakita ko pa si Kuya Gabriel na nakatingin sa akin. Siguradong nagmamadali na ito na iuwi ako gaya ng napag-usapan naming tatlo nila Kuya Lee kanina.
"Sandali lang Kuya." pagpapaalam ko.
Tumango lang si Kuya sa akin, kita ko rin ang mapang-husgang tingin ng ina ni Lucas at ni Katrina bago ako tuluyang sumunod kay Khael sa opisina niya. Hindi na iyong malaking bagay sa akin, dahil ang nais ko lamang ngayon ay malinawan sa lahat ng nangyayari.
"Anong sasabihin mo sa akin Khael?" tanong ko pagka-upo ko sa upuan sa tabi ng mesa niya.
"Sa napapansin ko sayo, wala kang alam sa nangyayari kay Lucas, sa kaso ng utak niya sa ngayon, I will explain it to you since Lucas' mother don't want to explain this to you. Alam ko naman na simula noong una palang ay ayaw sa iyo ni Tita." sabi niya at naupo na rin sa kanyang upuan.
"Anong nangyayari kay Lucas?" tanong ko sa kanya.
"Lucas had amnesia. He have short term memory lost as of now, Luckily, some of his memories from the past are still fresh in his mind. Unluckily, your memories with him faded away, but sometimes he can remember you, but not at all times. Kaya kung nagtataka ka kung minsan ay lumalapit siya sa iyo at minsan naman ay hindi, it's because he have short term memory lost. Noong na-ospital siya, may amnesia siya kaya hindi ka niya nakikilala, paano ko nalaman? I heard some of your conversations with him, but Tita told me not to say anything to you, and I'm sorry for that. I just don't want meddle with other's business and I know that I'm not in the position to tell you. Akala ko kasi ay sinabi rin sayo kaagad ni Tita, but I guess she didn't. Kaya hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. He had amnesia, and as days and months past, he can remember some memories but not at all, masuwerte pa rin siya kahit papaano." paliwanag sa akin ni Khael.
He had amnesia? That's why he can't remember me after that accident. I knew about that, actually. Napansin ko kasi iyon at kahit na hindi ko nalaman ang diagnosis niya, nagtataka lang ako nitong mga nakaraan kung bakit naalala na niya ako tapos minsan naman ay hindi kung kaya't napuno ako ng pag-iisip na baka niloloko at pinaglalaruan niya lamang ako. My poor Lucas. He don't deserve anything that happened to him, isa pa hindi pa rin namin nalalaman ang puno't dulo ng aksidente na kinasangkutan naming dalawa.
"Oh God." bulaslas ko at nagmamadaling umalis sa opisina ni Khael.
Nagtungo ako kaagad sa kuwarto ni Lucas. I want to hug him and apologize because I judged him too quickly.
Nakita ko ang ina ni Lucas at si Katrina sa tabi ni Lucas na kinakausap siya. "Love!" sigaw ni Lucas ngang makita ako. Ngumiti ako ng tipid at dahan-dahan na lumapit sa kaniya.
"Come here, let me hug you." sabi ni Lucas sa akin. Nag-aalangan man, pero lumapit ako sa tabi niya.
Pagkalapit ko palang sa tabi niya ay niyakap na niya ako ng sobrang higpit. "I missed you so much baby." sabi niya at hinalikan ako sa aking labi. Saglit naman akong tumugon at humiwalay kaagad.
BINABASA MO ANG
Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]
RomantikAcquisitive Billionaires Series 2: Lucas Andromeda Montesenia Lucas Andromeda Montesenia a well-known businessman is having the best days of his life together with his long time girlfriend, Gabrielle Allison Leviste who's an electrical engineer. The...