DAHAN- dahan kong iminulat ang aking mga mata, agad nangunot ang noo ko ng bumungad sa akin ang hindi pamilyar na puting kisame. Nakasuout ako ng isang puting bistida habang nakahiga sa isang hindi pamilyar subalit malambot at kumportableng kama. Napakurap ako at sandaling naging blanko ang isipan. Nahawakan ko ang aking ulo ng sandaling may naramdaman akong kirot kaya ay napapikit ako ulit.
Nasaan ako?
Ang unang tanong na pumasok sa utak ko.
Nilibot ko ang aking paningin. Ako ay nasa isang hindi gaanong kalaking kwarto, ang mga pader ay kulay abo. May kama na kasya lamang sa isang tao. Sa gilid nito ay may isang maliit na kulay abo na lamesa, na sa ibabaw nito ay isang hindi gaanong malinaw na kulay itim na kandelero at mga dahon dahon na wala akong ideya kung ano na nakapatong sa isang lalagyan. May lumang kulay puting aparador at mga iba pang mga gamit. May nakita rin akong kulay abo na sofa at isang kumot na nakapatong doon, at may isa pang lamesa akong nakita na may mga kasamang mga upuan, may kalakihan ito kumpara sa lamesa malapit sa kama. Napansin ko na may isang bilog na ilaw na nakasabit sa kisame.
Nasaan ba ako?
Nabaling ang atensyon ko sa pinto nang bumukas ito, iniluwa ang isang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Hindi ito matangkad hindi rin maliit. Nagulat ito at sandaling napahinto habang nakatutok sa akin ang mga mata bago naglakad patungo sa puwesto ko na may ngiting nakapaskil sa labi.
"Mabuti naman at gising ka na." Masigla niyang sambit. Maikli ang kanyang buhok na hanggang balikat lang, kulay berde ito at mayroong bangs din s'ya na hindi lumagpas sa kilay. Maliit ang kanyang mukha at dahil sa sinag ng araw ay kita ko ang kulay ng kanyang bilogang mata na katulad sa kulay ng kanyang buhok.
Sino siya?
Napakurap lang ako at napatitig sa kanyang mukha. Hindi ko siya kilala. Sino s'ya? Napatawa ito at napakamot ng ulo. Lumapit ito sa harap ko.
"Pasensya ka na, ako pala si Cecelia." Sabay abot ng kanang kamay nito sa 'kin. Tinignan ko ito at nagi-isip kung tatanggapin ko ba o hindi, pero sa huli ay tinanggap ko pa rin. Mukhang mabait naman siya.
"U-Uhm.."
Napahinto ako at sandaling napaisip. Parang may mali- Teka! Hindi ko maalala kung anong pangalan ko? Napatakip ako sa bibig ko. Hindi pa rin ako makapaniwala, sino ako? Pinipilit kong inaalala ang katauhan ko at ang sariling pangalan. Pero sumasakit lang ako ulo ko. Parang may kayarom na tumutusok sa utak ko kapag pinipilit ko. Kaya hindi ko maiwasang mapapikit at ininda ang kirot.
"Ayos ka lang Izel?"
My eyes narrowed. Mabilis akong napalingon kay Cecelia.
"Ano ang sabi mo?"
"H-Ha?"
"Y-Yung sinabi mo, ano 'yon?" Nauutal kong tanong.
"Uhm.. ayos ka lang Izel?" Nawe-weirdohang pag-uulit niya.
"Izel..."
Mahinang banggit ko. She called me Izel. Is that supposed my name? Parang may parte sa akin na ayaw maniwala. Is that really my real name? Napasandal ako at huminga ng malalim.
"Oo, 'yan ang pangalan mo. Sa pagkakatanda ko 'yan ang binanggit ni Headmaster. Sabi niya kapag nagising ka raw tapos saka-sakaling magtanong ka raw sa pangalan mo, 'yan daw isasagot ko."
Ngumiti ito at agresibong kinuha ang kamay ko para mag shake hands. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak at tila nakuha niya ang nais ko kaya ay agad niya itong binitawan. Hindi ko alam pero may kung anong naramdaman akong kaginhawaan ng dumikit ang mga kamay namin. Hindi ako sigurado kung naramdaman niya rin ba 'yun o ako lang ang nakaramdam.
BINABASA MO ANG
THE BURNING FROST (On-going)
FantasyIt's all started with a letter. An invitation. That could bring in change but who knows if it good or a disaster. But she's different. She doesn't like it. She hates it. But she needs it. What do you think? What's your conclusion? What's you notion...