20.

277 2 0
                                    

Isa na namang hindi pamilyar sa kanya ang ginawang iyon ng asawa.
Ang nalilitong isip ni Amor.

Ngunit nabawi kaagad iyon ng magsalita ang mahina ngunit ma awtoridadong boses ng isang kararating lang ding matandang lalaki na nakatungkod.
Tumingin muna ito sa kanilang lahat na naroon.

"Kaya ko kayo ipinatawag lahat dahil ito rin ang panahon na magkakaharap harap tayong mga anak ko.Ikinalulungkot kong malaman na kung hindi pa ako gagawa ng isang hakbang na hindi nyo magugustuhan ay hindi na tayo marahil magpapangita pa.Alam korin na alam niyo ng lahat na wala ni isa sa mga anak ko ang nakaligtas sa trahedya.Wala rin namang amang papayag itapon lang kung kanikanino ang pinaghirapan kong kayamanan."

Habang nagsasalita ang kanyang biyenan na lalaki ay doon naisip ni Amor ang ilan lang sa mga kwento ng kanyang asawa.
Mukhang hindi pa man bumabalik ang kanyang ala-alay marami ng kwento na inilingid sa kanya nito.Sa tulong ng kanyang pakikinig ay nalaman niyang ang dalawang lalaking naroon ay pawang magkakapatid sa ama at ang mga babae sa tabi ng mga ito'y mga asawa ng kanya kanyang lalaki.

Inlapit siya ng asawa sa long table nanahimik muna ang lahat dahil nakahanda narin ang pagkain.Habang kumakain sila'y hindi niya napigilang sumulyap sulyap sa mga ito.Isa lang ang lubos niyang napuna,may kakaiba sa mga asawa nitong mga babae,bagaman magaan kaagad ang pakiramdam niya sa mga ito'y may napupuna lamang siya.Parang ang mga asawa ng mga ito'y pawang kumikilos na estranghero sa isat-isa,ni hindi man lang niya nakitang nagsulyapan ang mga mag asawa at hindi rin niya nakitang nag-usap ang mga ito.Di gaya niya'y sinandukan siya ng katakot takot ng asawa,kahit na hindi man lang siya tinanong nito kung gusto ba niya ang pinagkukuha nito para sa kanya.Pakiramdam niya tuloy ay baboy siya!Pero hindi rin naman niya maitatangging masasarap ang mga kinuha nito.
Nang tinignan siya ng asawa'y napangiwi siya.

"Sige kumain ka ng kumain."
Sabi ni Graham kay Amora.

Napasulyap siya kay Alech.Ngumiti naman ito at tumango.

Nang natapos sila sa pagkain ay pumalakpak ang Don at kinuha ang mga nasa hapag at pinalitan ng mga minatamis.

Namangha ang dalaga.

"Mabuti naman at nakasunod kayong lahat sa mga nais ko.At hindi kona kayo kailangan pang pilitin."Bago nito sundan ang salita'y isa isa sila nitong mga asawang babae ang pinasadahan ng mga tingin.Para sa akin ay mabuti kayong pipili mga anak ko."

Nagulat uli doon si Amora,dahil kasunod ng ma awtoridad nitong boses at hitsura ay humalakhak ito.

"Pagpasensiyahan niyo na lamang ang mga asa-asawa ninyo dahil hindi ko alam ang kanilang mga ugali dahil hindi ako ang pagpalaki sa kanila.Naibahagi ko na sa testamento ang mga kayamanang ipamamana ko sa inyo kalakip ang kundisyong hindi kayo kailanman maghihiwalay na mag asawa."

Sa salitang iyon ng don ang sabay-sabay na dahilan ng pagtutunugan ng mga upuan nila.Bakit yata pati ang sa kanya'y parang naigalaw niya rin?Ewan!baka nakikiisa lang siya sa mga ginawang pag uunat sa upuan ng mga ito.Gusto sana niyang matawa pero wala kasing tumatawa.
Kung titingnan ng ni Amora ang matanda mula sa kinalulugaran niya'y,nakikita naman niyang mukhang masiyahin ang matanda at mukha ring mabait.Ngunit bakit ang mga kalalakiha'y tila hindi manlang maibaluktot o mairelax ang katawan.May problema ba?...

.

"Bakit ganoon ang sinasabi ng papa?"

Nang walang narinig kaagad na sagot si Amora ay sinulyapan niya ang asawa hindi kalayuan sa kanya.Malayo itong nakatanaw sa malawak na damuhan kung saan sila narito ngayon.Dinala kasi siya nito sa labas upang makalanghap daw siya ng sariwang hangin.

"Alin doon?"
Narinig na niyang sagot nito.

"Iyong wala raw maghihiwalay?"

"Anong kakaiba doon?"

Tres Bastardos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon