Chapter | Twenty

224 14 0
                                    

Sabrina | Dalawang sirena ang nagpakawala sa’kin. Hindi si Exruna o si Asvaya kundi dalawang sirena na akala kong sirena pero hindi pala. Mga hunyango. Nagpalit sila ng anyo nang nasa lupa na kami. Kay papangit ng kanilang tunay na anyo. Malulungkot ang kanilang mga mukha. Hindi ko alam kung ganoon na ba talaga ang kanilang ekpresyon o malungkot sila dahil ginagamit sila ni Ergott para isakatuparan ang lahat?

            Para gawin ang lahat ng ito.

            “Saan niyo ‘ko dadalhin?” tanong ko.

Hindi sila nagsalita. Hinawakan lang nila ako ng mahigpit at hindi ko alam kung paano kami biglang napunta sa malaking building na ito. Silver ang buong kapaligiran ng building. At malaki ito at may parihabang sukat.

Binuksan ng mga babaeng demonyo ang pintuan sa may gilid at pumasok kami.

            Dumaan kami sa mahabang pasilyo bago ang pinaka-entrance ng building. Mula sa aming linalakaran ay tanaw ko ang pakikipaglaban ng isang teenager at ng isang lalaki sa Leviathan. Hindi ko alam kung sino sila pero alam kong mga kakampi sila. Malakas ang loob kong kakampi sila.

            Pinukaw naman ng mga maiingay na kaluskusan ng mga sandata ang aking mga tainga. Nagkakagulo sa labas! May labanan na nagaganap! Pinilit kong lumingon habang papalayo kami sa ingay pero hindi mahagilap ng mga mata ko ang nangyayari dahil sa mataas na tarangkahan.

            “Anong nangyayari sa labas? Andiyan ba si Emerson?” tanong ko sa dalawang hunyango pero hindi nila ako sinasagot at nagpatuloy lang sila sa pagbabantay sa’kin hanggang sa makapasok kami sa ikalawang pinto. Mahaba pa ang nilakad naming hallway na may kadiliman. Sa huling pinto ay kinuha naman ako ng dalawang anghel. Nakasuot sila ng mga puting damit at may passive na ekspresyon sa kanilang mga mukha.

            Binuksan ng isa pang anghel na babae ang pinto at lumabas kami.

            Malaki ang silid na napupuno ng mga ilaw sa mataas na kisameng bato. Sa gitna ay may pulang carpet na nakahantad hanggang sa malalaking pinto na nakauwang ng kaunti. Sa dulo ng carpet ay may upuan na may magarang bihis na animo’y para sa isang hari. Doon nakaupo si Ergott. Mas masaya siya ngayon kumpara noong nakaraang nagkita kami. Tumayo siya mula sa magarang upuan at sinalubong ako.

            “Hello Sabrina,” masigasig niyang bati.

            “Anong nangyayari Ergott? B-bakit nagkakagulo sa labas? Ano na namang kabaliwan ang ginagawa mo?” Hasik ko sa kanya na kung kaya ko lang siyang patayin ay gagawin ko na.

Nang magpumilit akong kumawala mula sa dalawang anghel na nakahawak sa’kin ng mahigpit ay inuutos ni Ergott na pakawalan ako at ginawa naman nila.

            “This is the end Sabrina. Nagkakagulo sa labas dahil sa pakana ni Emerson.”

            Si Emerson! Narito siya! Ililigtas na niya ang sandaigdig! Ililigtas na niya ako. Pero kailangan niya rin akong kitilin sa ngalan ng KATAHIMIKAN. Para sa katapusan ng lahat.

            “Hindi si Emerson, Ergott! Kundi ikaw!” Sigaw ko sa pagmumukha niya. “Hindi ka ba nakukunsensiya sa lahat ng buhay na ‘to? Hah, Ergott?! Kahit kaunting pagka-anghel magkaroon ka naman!”

            Patakbo sana akong tutungo sa pinto pero hinablot ni Ergott ang aking kaliwang braso. “At saan ka pupunta?”

            “I need to see him, Ergott. Itigil mo na ‘to.”

            “Hindi mo naiintindihan, Sabrina. Hindi mo naiintindihan!”

Mabilis ko siyang sinampal.”Para ‘yan sa mga buhay na napapahamak dahil sa pagkamakasarili mo! Talagang walang makakaintindi sa’yo kung bakit mo kailangan mandamay pa ng mga ibang nilalang!”

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon