1- The Beginning

2 0 0
                                    


Alam kong mahilig ako sa romance. Ilang beses na rin akong nakanood ng mga break up scenes. Saulo ko na nga halos lahat ng cliche break up lines.




Pero potek, 'di ko naman inaakalang mararanasan ko rin pala sa totoong buhay.



"It's not you, it's me. I need some space. I hope you understand. Sorry talaga, Jasmine." Sabi niya sa akin habang hawak yung kanang balikat. Nakayuko pa siya nung tinapik niya yun sa ako iniwan na wala man lang nasabi. 


WOW gaguhan? Ni hindi man lang ako pinagsalita. Bumili pa ako ng cup noodles kasi sabi niya nagugutom siya! Anong gagawin ko dito!?

Lumabas ako ng convenience store na hawak pa yung cup noodles na ready ng kainin. Sakto naman na basurahan yung nahintuan ko. Nang itapon ko na yung cup noodles, doon na simulang tumulo yung luha.



Walanghiyang 'yon. Parang tinapon lang ako ng ganon ganon lang. Napaupo na lang ako sa bato malapit doon sa basurahan. Wala na akong pakialam kung may mga schoolmates akong nakakakita sa akin. MASWERTE SILA NA WALA SILA SA POSISYON KO. NAKIKINOOD NA NGA LANG SILA. 

"ANONG IT'S NOT YOU IT'S NOT ME KA DIYAN?!!! PARA KANG SIRA ULO GINAWA MO AKONG BOBO" sigaw ko bigla

"AKALA KO BA MAGBABAGO KA!? TALAGANG NANG IIWAN KA RIN PALA. ANG DALI MONG MAGSAWA GAGO!"

Alam ko pinagtitinginan na ako ng mga tao na nasa loob ng store. Pati yung dumadaan sa harap ko. Pwe paki nila. Sila ba ako?! Sila ba ang heartbroken? Sila ba yung naiwanan?! Sana nga sina lang ehhhhhh. 

"Walang hiya ka Blue, walang hiya ka" Sinasabi ko yun habang nakayuko yung ulo sa tuhod ko. Nakakangalay at nakakapagod yung pwesto ko dito sa bato pero mas pagod na yung puso ko. Ang hirap ng huminga sa ilong. Ilang oras na ba naman akong naandito. 

Wala pa sa plano ko na umalis sa labas. Halos mag gagabi na yon at wala na rin akong masyadong marinig na lumalabas at pumapasok sa convenience store. Pero bigla na lang din tumunog yung chime sa pinto. 



Wala parin akong paki at nagdadrama ako.



Pero nagulat ako nang may naramdaman akong dumampi at nahulog sa ulo ko.

Kinuha ko yun at tinignan.... PANYO?

Napalingon ako sa isang lalaking nakahoodie.  'Di ko alam kung matanda na ba yon or highschool lang tulad ko. Matangkad at medyo malaki ang katawan.

Naglalakad na siya palayo 



hala yung panyo niya.

"AH- KUYA!!! Y-YUNG PANYO MO!"

Sinubukan ko siyang tawagin pero instead na lumingon, hinawi niya lang yung kamay niya na parang  "bye!" o "bahala ka na!"

Hinayaan ko na lang  pinunas ko na yung mga luha (pati yung uhog) ko gamit yung panyong galing sa estrangherong yun.

Pagkatapos ay tinitigan ko ulit yun.

"Apollo?" May nakita akong burdang  Apollo dun sa gilid ng panyo.

Sino kaya 'to? Apollo? pangalan niya ba yun? Hmm Kung sino man sya, nagpapasalamat ako sakanya.


Ilang oras na ako rito pero walang nagtangkang lapitan ako. 'Di ko naman sila balak pansinin pero napaisip lang ako na bakit parang walang may pakialam. Dahil mukha ba akong baliw?


Nakakapanghina pa sana sa loob pero... that stranger just made me realize na kahit papaano, meron pa rin may pakialam. 





In his own way, he managed to save my day. 


----- 

"After every heartbreak, there's always this one special person who will make your life unpredictable again."

Mr. Hanky GuyWhere stories live. Discover now