48 - "Kiss me." - Diane

368 16 8
                                    

"A-Alexander?" Diane stutters as she sees her assistant coming to her direction. At wala na siyang ibang nasabi. Hindi niya maintindihan kung masaya ba siya o kaya'y nagulat lang sa biglang pagdalaw nito sa kanya nang walang paunang sabi. Tumayo siya at naghintay lang sa sasabihin ni Sander.

"Miss Diane.. pasensya na hindi ako nakapagsabi na pupunta ako dito. Sorry rin po kung hindi ako naka-"

"I understand."

"Miss, ang totoo niyan nagpunta talaga ako dito December 24 ng hapon. Kaso hindi ako-"

"It's okay, Alex. It's okay." Pag-uulit ni Diane. She can't explain, but she's just glad to see him. At kahit ano pa ang mga dahilan ni Sander sa hindi pagpaparamdam sa kanya noong holidays, naiintindihan niya. Busy siya sa kanyang family. Siya nga ang boss. Pero outside of work, hindi na siya ang priority ni Sander, diba?

"Uhm.. gusto lang kitang kamustahin.. ng personal.." Mahinang sabi ni Sander na para bang sinasabing sige yun lang po, uuwi na ako.

Timing naman na bumalik si Emma at nagsabing handa na ang hapunan. Siya lang naman ang kasambahay on-duty today kaya siya ang gumawa sa lahat ng gawain sa mansion. Mula paglilinis hanggang pagluluto.

"Dito ka na mag-dinner." Alok ni Diane kay Sander. "Kami lang ni Emma dito. Nakakalungkot naman kung ako lang mag-isang kumain. Sabayan mo na ako."

This time, hindi tumanggi si Sander. Naramdaman niyang dapat naman siyang bumawi sa boss niya kahit papano. Nang nakapwesto na sila sa long dining table, mas kapansin-pansin na ang tahimik at ang lungkot tumira sa sobrang malaking bahay pero wala ka namang kasama.

"Emma, halika sumabay ka na sa amin. Tayong tatlo lang naman nandito, sayang yung seating capacity."

Nagulat si Emma sa pabirong pagyaya ng amo sa kanya. Never pa kasing nangyari na kahit sino sa maids or houseboys na nakikisabay kumain sa amo. Siguro si manang Linda naka-try na kasi close naman sila ni ma'am Diane. Pero si Emma, first time niya ito kaya ayaw niya ring palampasin. Sign na ba 'to ng pagbabago sa housemaid etiquettes ng amo niya?

Pagkatapos kumain ay nasa living room na sina Diane at Sander. Ang naabutan kasi ni Sander nang dumating siya dito ay may ginagawa si Diane sa kanyang laptop. Kaya ngayon ay sinabihan siya ni Diane tungkol sa mga preparations and operations to do sa company for this year. Marami silang plano sa Martinez this year. Plano kasi nilang magpa-tayo ng branch sa Cebu since Cebu is somewhat like, next to Manila. Isa sa pinaka-developed na lugar sa Pilipinas. Sentro rin hindi lang sa mga major business establishments but also sa tourist spots.

Last 5 years pa ito unang pinlano and just year 2017, they've bought a land where the establishment will be built. Dahil si tito Ricardo niya ang namamahala sa Martinez Tower Singapore, si tita Romina naman ang mamamahala sa upcoming Martinez Tower de Cebu. Both are siblings of her late father, Romualdo Martinez. It's stated in the contract na sa year 2020 ang start ng de Cebu, which is this year.

After sa mahabang discussion at pagku-kwentuhan nilang dalawa ay hindi na nila namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras. All of a sudden it's 9pm. Though this hour seems to be early, Diane allows her only maid to go to the maids' quarters and rest. Nauunawaan niya na pagod ito dahil siya lang mag-isang kumilos sa bahay today. And once again, Emma was surprised of her boss's kind consideration.

"Alam mo miss, hanga talaga ako sayo." Sabi ni Sander at one point as they were sitting on the same couch.

Diane gives him a questioning look and definitely asks, "Why?"

"Kasi, ang bait mo pala sa mga maids mo. Alam ko, iisa lang yun siya ngayon, pero sigurado ako ganyan rin ang trato n'yo sa iba pang katulong dito sa bahay n'yo." Sabi ni Sander. "Nakikita ko ang concern at pagiging mabuti n'yong amo sa mga kasambahay na sabihin na lang nating, mababa sa paningin ng iba."

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon