Chapter 35

15 1 0
                                    

Nagsimula na silang kumain at ako naman ay nasa sulok kasama sila lolo at lola

"Hoy ash happy birthday"bati sakin ni xi nagmano naman siya kila lolo at lola

"Ah kaibigan ko po siya, siya po si xia" pagpapakilala ko sa kanya pagkatapos nun ay nagpaalam muna ako sa kanila na magbibihis lang dahil di pa talaga ako nakakaligo.

"Xi, alam mo ba yung about dito?"tanong ko sa kanya habang paakayat kami sa kuwarto.
"Nope, tinawagan lang ako ng mom mo but i know na birthday mo today tsk yayayain nga sana kita lumabas but may surprise pala sila haha ang cute"xia

Naligo na muna ako sa nagbihis at saka bumaba actually nagugutom na ako kaya kumain muna kami napansin kong may sasakyan sa labas at iniluwa nun si xeemer.

Nakangiti ko siyang sinalubong at napansing may hawak siyang regalo

"Yoo aboo happy birthday naks tumatanda ka na"napangiwi naman ako sa sinabi niya

"Anong abo?tsk pauso ka talaga ano yang hawak mo?"tanong ko dahil excited na akong makita yun

"Eto?" Pinakita niya sa akin yung hawak niya at ngumiti"regalo di ba halata?"dahil sa pilosopong sagot niya ay nabatukan ko siya

"Awat na awat ang sakit mo bumatok"napakamot siya sa ulo niya at inabot sa akin yung regalo sabay yakap sakin at ginulo ang buhok ko nagulat ako sa ginawa niya pero niyakap ko rin siya pabalik

Nakaakbay siya sa akin habang papasok kami sa loob dumapo agad ang tingin niya kay xi na abala sa pagsubo ng pagkain natatawa pa siyang lumapit sa kanya at nang asar

Mokong na yun iniwan ako nakita kong busy sila mom at dad na nakikipagusap sa mommy ni zander sina Lola at Lolo naman ay masaya ring kumakain at si Zander nakatingin siya sakin...

Iniwas ko agad ang tingin ko at lumapit kila xi
"Hoy mga lovebirds hinay hinay baka langgamin mga cupcakes doon oh"asar ko sa kanila at tagumpay naasar nga sila

"Tsk anong lovebirds kadiri ash kadiri"sobrang diin ng pagkakasabi ni xi sa kadiri pero deep inside kinikilig yan.

"Wait guys"paalam ni xeemer
Tumayo siya at lumapit kay zander nagtawanan muna sila saka sinama si Zander na lumapit sa amin anak ng tokwa.

"Ehem diba abo gusto mo ng may lovebirds eto na"tumayo si xi at binigyan ng space si Zander para sa tabi ko makaupo

"Hi ash Happy Birthday"bati ni zander kaya nag thank you ako

"Oh diba kayo aalis?"zander
"Grabe bro tinulungan ka na nga nantatakwil ka pa aray"arte ni xeemer na kunwari ay nasaktan
"Psh tara na nga panget iwan na natin sila"tawag niya kay xi kaya napatakbo siya palabas dahil alam na niya ang mangyayari tsk.

"About what happened earlier it was all planned haha kinokontrol ko nga ang sarili ko na batiin ka kasi sabi nila it's for the surprise daw"napatango tango na lang ako

"And I'm confused where's your brother?"nagtaka rin ako kung bakit wala si kuya eh alam niyang birthday ko ngayon

"I don't know wait I'll ask mom nagtataka rin ako eh"iniwan ko muna siya doon at lumapit kila mom at dad.

"Uhm mom where's kuya?"tanong ko sa kanya

"He's on his way baby may pina asikaso lang kami sa kanya"sagot ni mommy lumapit na ulit ako kay zander

"Parating na daw siya may inaasikaso lang"

"Are you disappointed?"tanong ulit niya tsk ba't ka ba nagtatanong ng mga obvious na ang sagot

"Kumain ka na ba?"pagiiba ko ng usapan

"Yes di ka ba masaya?lumungkot bigla mukha mo"sabi niya at humawak sa magkabilang pisngi ko magkaharap na ang mukha namin kaya medyo na awkward ako

"H-ha masaya ako"sagot ko at inalis ang kamay niya

"Sana nga enjoy your day ash"tumayo na siya at iniwan ako tsk mga mangiiwan

Unconditional Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon