Exam week na pero isisingit ko lang muna 'to😅
Enjoy reading! Votes and comments are very much appreciated😁----
"I'll be there in 15 minutes, tito. Please, take good care of her." Nagmamadali, kinakabahang isinilid ni Kate ang gamit sa kaniyang shoulder bag.
Nanginginig ang kaniyang mga kamay at namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. Nang ma-isilid ang gamit ay agad niya itong dinampot saka patakbong lumabas, pababa sa hangdan mula sa k'warto. Hindi pa man siya nakababa ng tuluyan sa hagdan ay hinarang na siya ng ina.
"Where are you going?" Istrikto, taas-kilay nitong salubong sa kaniya.
"Yesha is in the hospital, mmy. I have to go there." Natatarantang sagot niya.
Lalagpasan na niya sana ang ina ngunit hinawakan siya nito sa braso na ikinalingon niya.
"No."
"What? Why?"
"Because I said so," baliwalang ani nito.
Halos hindi makapaniwala si Kate sa narinig. Nagbabago na nga nang tuluyan ang ina. Kung dati ay mararamdaman niyang concern ito sa kaibigan, ngayon ay tila ibang-iba na.
"Mom! Ano bang problema mo? Mag-isa lang si Yesha, kailangan niya ako roon!"
"When I said no, it's a no, Kate!"
Taimtim na tinitigan ni Kate ang ina, naghahanap ng sagot sa kalituhang nararamdaman. Ngunit wala siyang makita roon kundi ang matinding takot, pagmamakaawa at pagkabahala, at hindi niya alam kung para saan iyon.
"I have to go. I'm sorry." Marahan niyang binawi ang kaniyang braso.
"Isang hakbang pa at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, Kate." Malamig ngunit mariing sabi ng ina, pinipigilan ang kaniyang paghakbang papalabas ng pintuan.
Nang humarap siya sa ina, nakakunot ang noo, naguguluhan. "Ano ba talagang nangyari, Mmy? Bakit ka nagkakaganyan?"
"Dahil sumusubra na ang katigasan ng ulo mo Kate!" Pasigaw, galit na saad ng ina.
Nagulat si Kate sa asal ng ina. Ito ang unang pagkakataon na pinagtaasan siya ng boses ng ina. Nasanay siya sa mahinhin at malambing na boses nito kahit pa galit ito.
"Dahil hindi kita maintindihan," mahinang sagot niya.
"Alin ang hindi mo maintindihan, ha? Saang bahagi ng huwag kang lumapit kay Yesha ang hindi mo maintindihan?"
"Hindi ko maintindihan kung bakit pilit mo akong pinapalayo kay Yesha gano'ng alam mong ako lang ang kinakapitan niya!"
"Sinabi ko na sa iyong wala siyang magandang maidudulot sa 'yo!" Nanggagalaiti na ito sa galit. "Ito, Kate! 'Yung pagsagot-sagot mo sa 'kin, ito ang unang pagkakataon at dahil iyon sa kaniya! At mapapahamak ka lang! Ngayon sabihin mo, wala ba akong karapatan na ilayo ka sa kaniya gano'ng ang gusto ko lamang ay ang mapabuti ka?"
Kate step back, alam niyang sensiro ang ina sa sinabi ngunit nababatid niyang may tinatago pa itong dahilan na pilit nitong pinoprotektahan. Kahit hindi man nito sabihin ay nakikita niya ito sa mga mata ng ina.
Ngumiti siya ng peke bago nagsalita. "Iyon lang ba ang dahilan, Mmy? Kasi hindi ako maniniwala." Umiling siya nang umiling sa ina. "Alam mong kahit kailangan ay hindi naging masamang ihemplo si Yesha sa 'kin. Alam mo iyon dahil bawat detalye ng pagsasama namin ni Yesha ay sinasabi ko sa iyo. Hindi ko alam pero bakit parang ibang-iba ka na sa kilala kong Mommy?
BINABASA MO ANG
When She Closed Her Eyes (On-going)
Novela JuvenilYessa Camille Andrada was once considered as the luckiest girl in town, she was a shy and silent type but she never lack with attention. Though she lack with warm embrace from her family, it does not bother her at all, because of her brother. Her br...