Bus Station sa Cubao I

13 1 0
                                    

Hindi namam ganun kagulo sa cubao. Marami lang siguro tao - tindero ng casing ng cellphone na Panay tanong ng 'Ma'am, sir, ano pong hanap?' Mga namimigay ng flyers na may nakalagay na 'Job Hiring! Asap' Mga barker ng jeep na sumisigaw ng 'Tapenshap! Tapenshap' at tila nag-aagawan ng pasahero para mabilis na mapuno ang jeep na sineserbisan nila. May mga estudyante ring tila pauwi na sa kanilang mga bahay dahil tapos na ang kanilang klase at halatang-halata ang pagka-haggard ng kanilanv mukha. stressful? Dahil ba sa layo ng bahay nila mula sa kanilang pinapasukang eskwelahan o dahil may thesis pa silang tinatapos ? Ewan.

Hindi naman magulo sa Cubao. Medyo lang. Medyo nakakadagdag lang ng stress 'yung ingay ng busina ng mga buwayang bus na nakabalagbag sa gilid ng kalsada para mamingwit ng mga isdang pasahero. Hindi ba nila alam na nagdudulot sila ng noise pollution, air pollution at mind pollution? Siguro naman aware run sila na isa sila sa mga major causes ng traffic sa Edsa.

Jackie, kalma, okay? Bus lang 'yan.

Ito na tata ang pinaka-busy na lugar na napuntahan ko. Kaliwat kanan ang makikita mong tindahan ng kung anu-anong maaring itinda o ialok - saba, kakanin, mainit na mani na bahong luto raw, tsinelas na havanas, crocks, sapatos na nayki at adidas,

Bag na Louis Vuitton sa halagang P350 kapag ordinary at P500 kapag class A, dyaryo, kendi, sigarilyo paper bag na hello kitty at winnie the pooh, mga buminili ng ink cartridge, ginto at pilak, gumagawa ng sirang relos at sapatos, nag bebenta ng touch screen na cellphone na walang charger at may wallpaper ng taong hindi mo naman kilala.

Iba't-ibang amoy rin ang malalanghap mo sa pinaglalang lupaing ito - halimuyak ng itim na tubing na umaagos sa gilid ng daraanan mong sidewalk, pamilyar na amoy na mga ihing tumatagos sa sirang portalet o portable toilet ng MMDA at langhap-sarap rin ang maamoy mo sa mga sasakyang dumaraan sa kahabaan ng EDSA na nagbubuga ng maitim na usok.

Sa mga panahong ganito, pumapasok sa isip ko kung bakit sa umpisa lang may mga nanghuhuli ng mga smoke Belcher.saka lang ba nila aayusin ang mga sirang portalet kapag trip nila? Bakit hinahayaan nilang magkaroon ng noise barrage sa pilahan ng bus?

( yung totoo, pang-ilang day na ngayon ng monthly period mo, jackie?)

Katatapos lang nh mens ko pero bakit kaya iritable ako? Ganito ba talaga kapag galing ka sa matinding break up ? Magiging sin'gulo rin ba ng cubao ang utak mo? Magbabago rin ba ang buong pagkatao mo ?

"Cubao station. Cubao station" isang garalgal na boses ng lalaki ang narinig kong nag salita mula sa di mo mawari kung ang microphone ba ang sira o ang speaker sa loon ng MRT.

Sanay ako sa eksena ng MRT kapag NASA cubao na lalo na kapag rish hour kaya pumwesto ako malapit sa pintuan.

3...2...1.... Attack!

Bumukas ang pinto ng tren na isang pahiwatig na simula na ang digmaan ng mga pagod at stressed na mga empleyado at estudyante. Para silang mga mandirigma ng Sparta - diretso ang tingin, nakahanda ang mga sandata, tutok sa iisang mithiin: ang makapasok o makalabas ng Teen na maghahatid sa kanila sa kastilyong kanilang tinitirhan.

Nagsimula na ang digmaan. Babae sa babae. Lalaki sa lalaki. Tumayo ako ipinuwesto ang bag sa aking harapan upang gawing panaggalang sa mga sandata ng mga kapwa kong babaeng papasok sa tren.

Ano ba yan?!
Magpalabas muna kayo!
Aray ko!
Tangina! Wait lang!
Punyeta naman, miss!
Yung paa ko! Aray!

Yan ang karaniwang isinisigaw ng mga mandirigmang babaeng handang lumaban para sa kanilang kalayaan.

~

Itutuloy!

Please vote if you like this chapter, this is so much mean to me! : )

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

just one shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon