Chapter 1

21 1 0
                                    


I pinched the bridge of my nose. I'm having migraines again. I guess I need to take medicine this time.

Lumingon ako sa kaliwa para mag-abang ng bus, kakalabas ko lang din sa pinapasukan kong convenience store. I worked there for almost a month now, since I have no choice but to pay for my own tuition fees.

I rubbed my arms, and my hands. Napalinga ang atensyon ko sa langit.

"Madaling-araw na pala" at umuulan pa, dapat nagdala pala ako ng payong. Kaso baka mawala ko lang.

Pagkakita ko ng papalapit na bus ay kaagad akong pumara rito. Pumwesto ako sa bandang kanan sa may bintana para hindi ako makatulog. Saglitan lang din naman ang byahe dahil wala nang masyadong tao sa kalsada. Ganitong panahon masarap mag-senti, kaya sinalpak ko iyong earphone sa tenga ko.

"When I was young I'd listen to the radio,
Waitin' for my favorite songs
When they played I'd sing along, it made me smile.
Those were such happy times and not so long ago
How I wondered where they'd gone
But they're back again just like a long lost friend
All the songs I loved so well"

Syet, Carpenters lang sapat na.

Habang nakikinig sa tugtog, na-realize ko na 1 year na lang pala graduate na ako sa kursong Architecture, same as my friends with their different fields.

"Sta. Mesa! Sta. Mesa!" agad agad akong tumayo pagka-hinto ng bus.

Ito krisis na kinakaharap ko tuwing pauwi sa bahay.

Kung bahay pa ba ang matatawag ko dito.

"Bukas na lang kaya ako umuwi?" Nagsimulang mangatog ang binti at tuhod ko. I bit my nails out of fear.

Sana tulog na siya. Please po, sana tulog na siya.

Dahan-dahan kong binuksan ang gate, dahil kahit ulan ay hindi matatakpan ang kalawanging tunog nito. Pero buti ay na-master ko na 'yung teknik para hindi siya gaanong tumunog. Nakapatay na din ang ilaw sa labas, baka tulog na.

Maingat kong sinara ang pinto at gate, ngunit paakyat pa lang ako, ay nakasalubong ko na ang isang sampal. Napaigtad ako sa sakit at nagsimulang magtubig ang mga mata ko.

"Lumalandi ka na naman ano?! Anong oras na? Ha?!" Sinampal niya ulit ako sa pisngi. Gusto kong magsalita pero ilang beses lang din akong sasaktan.

Hindi mabilang ang luha na umaagos sa mata ko, laging ganito ang bahay na inuuwian ko.

"Sumagot ka!" pagdaka'y hinila niya ang buhok ko't sinalampak ako sa maduming sahig.

"Tito Cris, sorry po" pagmamakaawa ko sakanya kahit alam kong hindi siya makikinig. Kumapit ako sa binti niya, nagbabakasakaling mapigilan noon ang pambubugbog niya. Pero imbes na maawa siya, tinayo niya ako at sinuntok sa tiyan.

"Ikaw talaga ang nagdala ng malas dito sa pamamahay ko! Simula nang dumating ka rito, puro malas ang inabot ko sa trabaho dahil sa'yo!" patuloy lang ako sa pag-hagulgol at pagluhod. Parang hindi pa ako nasanay na ako lagi ang sinisisi niya sa katamaran niya sa trabaho.

"Lumayas ka sa harap ko at baka mapatay kita!" dali dali akong umakyat sa kwarto ko at isinalampak ang mukha ko sa unan para umiyak. Halos mahimatay ako sa sakit ng pagkakasuntok niya sa tiyan ko kanina. Bumangon ako at kinuha at maliit kong salamin sa bag ko. Sinipat ko ang mga pasa na kailangan kong itago sa mga kaibigan ko, dahil paniguradong mag-aalala ang mga iyon.

Isa sa binti, sa pagkakasipa niya saakin, isa sa braso, at isa sa labi. Nasapo ko ang aking noo.

"Paano ko tatakpan 'tong nasa labi ko?"

Gusto ko lumayas, gusto kong maging malaya, pero saan ako pupunta?

I don't know my parents, at sabi ni Tito, wala na daw akong magulang. Kinamkam niya ang insurance ng mga magulang ko, at siya din ang nagbayad ng tuition fee ko noong first year pa lang ako sa College, pero pagkatungtong ko sa 2nd year, ubos na daw ang pera ng mga magulang ko kaya kailangan ko daw magtrabaho para sa pag-aaral ko.

I tried to stop myself from crying, pero 'di ko talaga kaya, and much worse, I can't make a sound. I cried silently and beg God for mercy.

I think maybe the most difficult part of my struggles, is that, I need to always view the glass half full than half empty. Pero until when I can stay positive that something good will happen in my life?

There is always some part that you just want to die or never been born at all.

I cried myself to sleep.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling to PiecesWhere stories live. Discover now