Unang Yugto: Unang kabanata

13 1 0
                                    

Ng marinig ko ang kanta ni Moira ay di maalis sa isip ko yung lalaking minahal ko, pinangarap ko. di ko tuloy maiwasang alalahanin ang mga nangyari noon. Mga alala na mananatili nalang na alala. Alaala na kami lang dalawa ang nakakaalam.

Nagsimula ang lahat ng ako ay nalipat ng school, bago lahat kaylangan makisama, kailangan mag adjust. 

di naman ako ganong nahirapan sa pakikisalamuha sa kanila bagkus marami sa kanila ang naging malapit sakin. mga grupo na handang  kang taanggapin bilang kanilang bagong miyembro. Dun ko nakilala si Keith...

"ano yang nasa gilid ng mata mo? pimples?" pag-usisa ko sa kanya palagi kase syang tahimik.

"hindi ko alam, ayaw ng matangal nyan" simpleng sagot nya pero di nya ko magawang tapunan manlang ng sulyap.

kaya naman ay pinili ko nalang kausapin ang iba nyang kasama. Marami akong nalalaman tungkol sa mga bagay-bagay sa loob ng room mga issue at sensitive na topic gaya ng ranking and palakasan system sa mga teacher at admin official...

nagkwentuhan kami ng humigit-kumulang dalawang oras at sa maikling panahon na yun ay marami akong nalaman hanggang sa ayain ako ng gutom at bumili ng pagkain.

"bibili lang ako ng pagkain, nagugutom na ako" paalam ko sakanila pero nagdecide sila na bibili narin tutal wala pa namang kaming teacher.

habang naglalakad ay tuloy ang kwentuhan at tawanan, mga kantsawan na normal lang para sa amin, pero tanging tawa lang at minsan ngiti ang ambag ni Keith.

Gwapo si Keith, tahimik at madalas makikita mong nakatuon lang ang atensyon sa cellpone o di kaya naman ay nakatingin sa labas, pero ang isa sa mga napansin ko ang pagtitig nya sakin mula sa malayo.

nararamdaman ko naman iyon kung may nakatingin sakin mula sa malayo. At yung way ng tingin nya ay parang kakaiba sa lahat. di ko maintindihan pero alam kong may laman at malimit ko syang mahuli, pero ako ang unang umiiwas ng tingin dahil nakakailang.

hanggang nasanay na akong na kapag lilingon ako sa direksyon nya ay makikita ko syang nakatingin sakin.

may pagkakataon na minsan iba ang kinikilos nya pag kami lang ang magkasama. katulad ng pagiging teretoryal nya at pagiging over protective

alam nya at ng buong tropa na lapitin ako ng bakla pero bukod tangi na sya lang ang nakakakita na kapag nakakaencounter ako ng bakla ay di ako komprtable, takot? takot na malaman nila na may pagkakatulad ako sa kanila...

noong mga panahon na yon ay talaga namang nagtatago pa ako dahil takot akong mahusgahan.

kaya naman kapag may nakikita kami ay aakbayan nya ako at ilalayo sa direksyon kung saan mayroong grupo.

minsan na kaming naharass pero dahil sa pagiging teretoryal nya ay nararamdaman ko yung security na pinoprovide nya tuwing hindi ako komportble or in the time of my uneasiness.

may nangyari minsan sa gilid ng kalsada, papauwi na kami noon galing kami sa isang book store para bumili ng mga materials para sa project namin. nung may nadaanan kaming grupo ng bakla. 

alam nyang di na ako komportable ng mga panahon na yun kaya mininimize nya yung distance namin.

"kuya, ang sarap mo naman" sabi ng isang bakla habang nakatingin sakin at ng mga panahon na yun ay inakbayan na ako ni keith ng mahigpit sa direksyon nya at tiningnan ng masama ang grupo

"ay possesive" yun lang ang naging side comment ng nila ng dumaan kami sa harap nila.

hidni ko na inopen-up yung topic na yun sa kanya, dahil ayokong magkaroon ng ilangan at ilagan sa tropa kaya pinalagpas ko nalang.

hinayaan ko nalang....




I love you OliverWhere stories live. Discover now