Chapter four

29 1 0
                                    

Almost 11 pm na kaming nakarating sa condo, gusto ngang dito matulog e.  Pumayag naman ko pero sabi ko sa couch siya. E ayun, di pumayag. Uuwi nalang daw siya at susunduin ako ngayong umaga para magsimba at para narin bisitahin sila mama.

Nagbibihis ako ng saktong may nagdoorbell.

"Sandali lang!!" At agad akong naglagay ng tuwalya sa buhok.

Pag bukas ko ng pinto, agad ko ring sinara. Tapos kumatok ulit. Masunurin ako kaya binuksan ko. Isasara ko na ulit ng biglang hinirang niya yung kamay niya sa pinto.

"Bat mo ako pinsgsarahan ha?" Naiiritang sabi ni matthew sakin.

"May nakita kasi akong panget kanina, nakakatakot yung mukha e." Sabi ko with arte pa na natatakot.

"Kapal naman. Bulag ka talaga no? Sayang salamin mo kung bulag ka rin naman. Tsk."

"Alam ko namang maganda talaga ako paulit ulit mo pang sinasabi e. Tsk. Masyado kang inlove sakin." Sabi ko with my very confident voice. Ganto talaga kami ni matthew, hindi sweet. Ayaw kasi namin ng ganon, di bagay sa personality naming dalawa. Kaya wala kayong chapter na mababasa dito na sobrang sweet. Wag na umasa, masakit. Joke

Hinihintay ko siyang magsalita nang biglang tumingin siya sa likod ko, parang may hinahanap.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"May hinahanap ako." Tuloy parin siya sa pagtanaw, pati nga yung pintuan tinignan niya e.

"Ano bang hinahanap mo?"

"Sabi mo kasi 'maganda', hinahanap ko kaso mukhang wala naman."

Ay aba!!

"Ah talaga? Edi wow." Sagot ko.

"Pusa, edi meow."

"Halimaw, edi ikaw!" Tas iniwan ko na siya sa pinto.

"Insecure ka nanaman sa biyaya na kagandahan ni Lord sakin. Inggitero mo talaga matt. Hay." Pumasok na ako sa kwarto ko para makapag-ayos na, kasabay non ay narinig ko na yung malakas na pagtawa nung halimaw at pagsara ng pinto.

Tinuloy ko na yung pag-aayos ko, Pag naabutan kasi ako ni matthew na nag-aayos, pagttripan nanaman niya ko. Bakla po kasi si matthew, kaya pati make-up ko pinapakealaman niya.

"HOY! NARINIG KITA! HINDI AKO BAKLA. IIYAK ANG MUNDO KUNG BAKLA AKO."

"PANO MO NARINIG? E NASA UTAK KO LANG NAMAN YON!! MIND READER KA BA."

"KONEKTADO KASI UTAK NATIN KAYA NARIRINIG KITA!"

"GE." tinuloy ko nalang yung ginagawa ko. Wala akong matatapos kung makikipag sagutan ako sa unggoy na yon.

Patapos na ako nang biglang pumasok sa kwarto ko si matthew, nakasandal sa may pinto.

"Love, nagugutom yung anak natin. Asan ang pagkain?" Sabi niya habang nakahawak sa tiyan niya.

"Anong anak?" Tanong ko habang naglalagay ng lipgloss.

"Yung anak natin, eto o." Turo niya sa tiyan niya.

"Anak ka diyan, wala akong anak na bulate please. Ang ganda kaya ng genes ko! Saka kung may mabubuntis man dito, ako yun. Hindi ikaw, wala kang matres. Kaya magtigil ka." Then I saw him smirked.

"Maganda yung genes mo?"

"Oo. Pag nagkaanak ako, head turner yon!"

"I wonder" he whispered but not soft enough para di ko marinig.

"You wonder what?"

"Wala, pero ano ulit? Maganda genes mo?" He said again.

"Kulit. Oo nga! Di ka ba naniniwala?" Bwisit na lalaki to. Ayaw maniwala!

Lost loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon