May isa akong babaeng nagugustuhan simula nang bata pa lang ako.
Siya si El, short for Elaine.
Lagi ko siyang tinitingnan kapag nasa klase, pero kapag lumingon siya sa direksyon ko, agad naman akong umiiwas ng tingin. Mamaya kasi sabihin niya na para akong stalker.
Lagi ko siyang binabantayan simula pa lang nung bata pa kami.
Hindi ko kailanman inalis ang tingin ko sa kanya.
• Flashback •
Simula nang naging isang third grader ako, lagi kameng nagiging magkaklase.
Nagkaklase kame nun at fourth period na namin nang mapansin kong wala siyang pambura at binuksan niya na lang ang takip sa eraser ng mechanichal pencil niya.
Masyado pa akong mahiyain nun, kaya hindi ko kagad naibigay sa kanya ang eraser ko. Gustuhin ko man magsalita, walang lumalabas mula sa mga bibig ko.
Ano ang ginawa ko? Hinati ko ang eraser saka nahihiyang binigay sa kanya ang kalahati. Nagulat siya sa ginawa ko.
"S-Sayo na lang yan!", sabi ko na nauutal pa nga.
Natulala siya sa ginawa ko. At dahil napansin ng teacher namin na nag-uusap kaming dalawa ay pinagalitan niya kami.
Pagkatapos nun ay may ginawa siyang ikinagulat ko.
Lumapit siya sa tainga ko saka ibinulong ang mga katagang "T-H-A-N-K-Y-O-U!".
Simula nung panahong yun, lagi ko na siyang minamasdan at tinitingnan.
• End of Falshback •
Tumagal ito hangang sa naging Grade 8 student kami.
Lumapit ang kaibigan ko sa akin at nag-apir. Nagusap-usap kami ng kung anu-ano hanggang sa mapunta kami sa topic tungkol sa mga crush namin.
"O ikaw boi, may nagugustuhan ka na ba?", sabi ng isa kong kaibigan.
Nabigla ako sa tanong niya. Ano kaya isasagot ko? Na may gusto ako kay El?
"A-Ah, e-eh, wala pa naman."
Tumawa silang lahat at nagsimula na uleng magusap-usap ng kung anu-ano.
"Uy nabalitaan ko na lilipat na si El sa Canada? Dun na daw kasi nagtatrabaho ang tatay niya eh."
Nung narinig kong sabihin iyon ng aking kaibigan, natigilan ako. Lilipat siya?
Sakto naman ang pagdaan ni El. Bigla naman siya tinawag ng katropa ko.
"Uy El! Lilipat ka na pala sa Canada?"
"A-Ah, oo eh. Dun na rin siguro kami gagraduate na mga magkakapatid ."
Napatingin ako sa kanya. Ang ikinagulat ko?
Nakatingin rin siya sakin.
"Ah ganun ba? Sige ingat ka dun ah." Nginitian naman siya ni El saka umalis.
Kailangan ko nang sabihin ang mga nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan niyang malaman na mahal na mahal ko siya.
Bigla akong umalis ng classroom at hinabol siya. Isinigaw ko ang kanyang pangalan.
"E-Elaine!"
Agad naman siya lumingon ng may pagtataka sa mukha.
"Ang lapit-lapit natin sa isa't isa makasigaw wagas?"
Nagsitawanan naman ang dalawa niya pang kaibigan.
"A-Ah, e-eh, may gusto sana akong sabihin sayo. Yung tayong dalawa lang.", sabi ko.