#7 FOR PASTORS

156 4 0
                                    

               APPRECIATION

May mga panahong gusto ko ng sumuko

Dala ng maling pagpapasiya na sa aki'y nagpapalumo.

Nakakahiya mang aminin ngunit iyon ang totoo

Na minsa'y napanghihinaan na ako

Pero may mga taong ginamit ang Diyos

Upang ako'y mabagong lubos.

Nakakamanghang isipin

Na ang tulad ko'y kaya pa palang baguhin.

Salamat sa pastor/pastora namin

Na walang sawang nagpapa alala samin

Na mas masarap mabuhay

Kasama ang Diyos nating buhay.

Alam ko pong hindi madali sa minesteryo

Pero nananatili kayong tapat at totoo.

Sa kung paano kayo umawit at magpuri

Tila walang problema at pighati.

Di man ninyo sabihin sa amin

Ngunit nakikita at nararamdaman namin

Na ang aming mga pastor/pastora ay nahihirapan din.

Salamat sa inyong taglay na lakas

Upang  patunayan na ang pag-ibig na wagas

Ng Diyos na dakila ay di magwawakas.

Kaya't bilib ako sa mga turo,
mga saway at sa mga mensahe ninyo

Na tunay na nagpapabago sa mga taong nakakarinig nito.

Minsan tinatanong ko ang aking sarili

Paano kung di ko kayo nakilala?

Marahil ako pa rin ay nagdurusa
Sa sumpang namana pa

Sa mga ninunong ang Diyos ay hindi kilala.

Maraming salamat dahil kayo'y nakilala.

Nakakamangha ang pakilos ng Diyos sa inyo

Kaya't hindi na po ako magtataka kung sa buhay ninyo

Madami ang pinagpapalang lubos.

Hindi niyo po kami kadugo ngunit labis ang inyong pag-aalala.

Itinuring niyo po kaming mga anak,kapatid at bahagi ng inyong pamilya.

Sa lahat ng mga bagay na ito

Lubos kong ipagmamalaki kayo.

Ito nga pala ang mga pastor/pastora namin

Na tumulong at gumabay upang Diyos ay makilala namin.

Maraming salamat sa lahat sa inyong mga pangaral

Na labis na tumatak sa aming puso't isipan.

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon