Hi guys! Exam is finally over! I miss writing HAHAHA
Guys pwede pabitin muna? Sorry na bawi nalang. Ily<3
Let's halungkat the past muna. Balikan natin ang mga past chapters
Dean's POV
Kinausap ng mommy ni Krystal ang mga Valencia na gugustuhin nila na ako ang kasama ni Krystal dahil daw kaibigan niya ako. Ouch.
"Hinihintay na tayo ni doctor Sanchez" sabi ko sakanya kaya tumayo siya kaagad dala dala ang mga charts.
"Doc pwedeng si doctor Calvin nalang ang magcheck sa 'kin?" Sabi ng pasyente. Napatingin ako kay Krystal para tignan ang reaksyon niya. Nagtama ang mga mata namin pero kaagad siyang umiwas
"Thermometer" linahad ko ang kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nahawakan ko ang balat niya. Nahawakan ko siya ulit!
"So anong pwede kong itawag sa 'yo?" Tanong niya. I licked my lower lip.
"Hubby" napangisi ako nang makita ang reaksyon niya. I want to pinch her cheeks so bad. I really miss her. I miss her so bad
Sinabi sa 'kin ng mom niya na lumipat na siya sa katabi ng condo ko. Kaagad akong lumabas sa balcony para tignan kung lalabas siya sa balcony niya. Kaagad akong nagtago sa pader nang lumabas nga siya sa balcony. Pinagmasdan ko siya habang tinitignan niya ang view. Pumasok din siya kaagad kaya wala na 'kong nagawa kung hindi pumasok nalang din
Bakit ang tagal niya namang lumabas? Kanina pa 'ko pabalik balik sa labas para lang makasabay siya.
Huminga muna ako nang malalim bago ko binuksan ulit ang pinto. Sana naman lumabas na siya.
Napatingin ako kaagad sakanya nang sabay kaming lumabas ng pinto
"Sabay na tayo?" Tanong ko. Mukhang nagulat siya, siguro naiilang siya sa 'kin. Masakit na makita siyang ganito ang pakikitungo sa 'kin. Mukha siyang nahihiya na naiilang at hindi naman ganito dati.
Pumayag siyang sumabay dahil sa rason ko. Hindi naman masyadong traffic pero buti nalang nung araw na 'yon sobrang traffic kaya napaniwala ko siya sa rason ko.
I don't know what to say. Masyadong tahimik! Hindi ako sanay na ganito siya
"Did you eat?" Pagbasag ko sa katahimikan
"Yes" she replied but I'm not convince. Liniko ko ang sasakyan para mag order ng pagkain para sa 'min
"Babawi ako sa'yo" seryosong sabi niya. Mukha bang pinapabayad ko o pinapautang na loob ko? Kung gusto niyang bumawi sa 'kin edi mahalin niya nalang ako.
Kapag kinakausap ko siya,ang tipid ng sagot niya. Wifey talk to me please
"May babae ka bang gusto Calvin?" Tanong nung isang nurse sa 'kin. Tumingin ako kay Krystal na abala lang sa pagkain niya at mukhang walang pakialam kung meron akong gusto o wala. Sumusobra kana ah wifey?
"Hmm yes" sagot ko habang diretsong nakatingin kay Krystal pero wala talaga siyang pakialam. I want to say that I'm in love with the nurse named Krystal Winter. I'm still in love with my ex,with my wifey.