October 25,2013
Dear Kuya Chord,
Hello Kuya Chord! Pangalan mo nalang ang ibinigay ko dito sa diary ko simula nung niligtas mo ako. Ikaw naman kase eh, dapat ako yung masasagasaan nung track kung hindi mo ako tinulak. Alam mo kuya miss na miss na kita. Lagi nga kitang napapanaginipan eh. Doon, lagi tayong masaya. Lagi tayong naglalaro. Pero hindi na matutpad yun kuya. Panaginip lang lahat. Paggising ko, kailangan kong tanggapin na wala ka na. Sana kuya ako nalang yung namatay kaysa ikaw. Ngayong araw ako nanaman ang napagbuntungan ng galit ni Mama. ang sabi niya, wala daw akong kwenta. Okay lang saakin kuya. Tatanggapin ko. Aminado naman ako na ako ang dahilan ng lahat. Paborito ka kaya ni Mama. Mabuti nalang nandyan si Kuya Eric para iligtas ako sa tuwing pinagmamalupitan ako ni Mama. Bakit ba ang babait niyong dalawa kuya? Napakaswerte ko siguro sainyo. Hindi. Sobrang swerte. Sana kuya buhay ka pa. Sana kuya magkakasama pa tayo. Miss na miss ka na namin kuya.
Anna
--
November 6,2013
Dear Kuya Chord,
Maaga ako nagising ngayon Kuya Chord. Nagtaka ako kung bakit ang liwa-liwanag sa bahay. Wala ring tao. Nakita kitang nakaupo at may iniisip. Napangiti ako. Sa wakas nakita ulit kita. Nilapitan kita at lumingon ka sakin. "Happy Birthday bunso! Ang laki laki mo na! Wag na wag mo akong kakalimutan ah? Mahal na mahal ka ni kuya tatandaan mo yan ha? Kahit wala na ako sa tabi mo, lagi pa rin kitang babantayan. Kapag nasasaktan ka, doble ang hatak saakin." hindi na ako nakasagot kay kuya dahil nagising na ako. Panaginip nanaman. Kahit sa panaginip napapadama mo kuya kung gaano mo ako kamahal. Wala pa ring tao sa bahay. Inabala ko nalang ang sarili ko sa paglilinis ng bahay. Dahil na rin siguro sa pagod, hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nagising ako sa mga palo ni Mama. Ang sakit. "Ano ka ba namang bata ka! Ang dami daming trabaho tutulog tulog ka dyan!" dalawang beses niya akong pinagsasampal sa magkabilang pisngi. Hindi na ako nakapalag pa nang igapos niya ang buong katawan ko sa upuan. Pinagpapalo niya saakin yung nahugot niyang sinturon. Sa paa, muka,kamay, sa lahat lahat. Umiiyak na ako. Nagmamakaawa kay mama na itigil na niya. Pero sa bawat pakiusap ko, mas lalo pang hinahataw ni mama ang sinturon. Nasa ganoon kaming posisyon ng bumukas ang pinto. Si Kuya Eric. Nanlaki ang mata niya ng makita ang posisyon ko. Gusto ko sanang ngumiti dahil nakita kong may dalang cake si kuya kaso wala ng lakas ang katawan ko. Na manhid na sa sobrang sakit. Nilapitan ako ni kuya at kinalas ang lubid na nakapaikot sa katawan ko. "Ma! Ano ba? Nahihibang ka na ba? Hindi mo ba naisip na birthday ngayon ng anak mo? Tandaan mo ma, mayroon ka pang dalawang anak na nabubuhay. Wag mo isisi kay Anna ang pagkamatay ni Chord!" Tila nagulat si mama sa inasta ni Kuya. Pabagsak niyang sinara ang pinto paalis at naiwan kaming dalawa. Pinapatahan lang ako ni kuya habang umiiyak. Nagpaalam muna si kuya saakin para bumili ng gamot para sa mga sugat at pasa ko. Ito na ang pagkakataon ko. Nang masiguro ko ng nakalayo na si kuya, pinilit kong tumayo kahit namamanhid ang mga tuhod ko. Kumuha na ako ng kutsilyo at tinutok sa bandang puso ko. Magkakasama na tayo kuya. Paalam Kuya. Paalam Mama.
Anna
**
At dahil tinatamad akong mag-update sa isa kong story, ito nalang muna. Bahala kayo kung maiyak kayo XD. Goodnight everyone!
Pls. dont forget to Vote and Comment
Follow me on Twitter:
@Anggggeeeee
BINABASA MO ANG
I'm Sorry (ONE SHOT)
HumorSorry kung ako ang may kasalanan ng lahat. Sorry kung bakit ako ang dahilan kung bakit siya nawala