CHAPTER 23.2

261 4 0
                                    

Merry Christmas and Happy New Year :) Welcome 2015! This is the update..

~


Ang score ngayon ay 48-43. Siyempre kami ang 48. Ang galing talga ng Team East.

Sa ngayon na kay epal ang bola drible lang siya ng drible at ng ishoshoot niya na sana.. kaso napatigil siya at natulala? Kaya ayun biglang naagaw nang kalaban ang bola. Nakatulala pa din si epal. Hala, anong nangyayari kay Chad? Este epal.

Sinisigawan na siya ng mga ka-teammates pero waepek pa din dahil nakatulala pa din siya na parang galit pa ang itsura niya. Biglang nagsigawan ang Team Academy pagtinigin ko naka-3pts. sila kaya naging 46 na ang score nila. Hala, maaabutan na nila kami!

Nang tingnan ko si epal ganun pa din siya, tiningnan ko yung tinitingnan niya nang tingnan ko  nagulat din ako kasi.. ang sweet nila ni Zeke at Angel. Si Angel nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Zeke at nagpipisilan sila ng ilong. Ang sweet naman nilang magbestfriend kung titingnan mo para silang magjowa.

Kaya pala.. ngayon alam ko na kung bakit siya naging ganun, panigurado nagseselos yan.

Tiningnan ko ulit si epal, bakit parang may kung anong kumirot sa puso ko? Ano yun? Parang nasasaktan ako. Parang may nararamdaman akong inis. Waaah! I hate this feeling.

Nang tingnan ko ang ka-schoolmates, teachers, at classmates namin ay nagulat din sila naging kilos ni epal.

Biglang nagpito yung referee kaya nagsibalikan yung mga teams. Nakita ko pang bago umalis si epal, binatukan muna ni Ivan. Pfft...

Nang makalapit na si epal dito kasama ang mga kateams niya ay sinigawan siya ng coach nila.

"Sorry coach, pwede muna po ba ako magpahinga? Sumakit po agad kasi ang ulo ko." Katwiran ni epal.

"Sinong sa tingin mong papalit sayo ha Chad?! Ikaw pa naman ang Captain!" sigaw ng coach sa kanya.

"Pero coach.. magaling naman po sila e kahit wala ako. Diba?" tumingin siya sa mga teammates niya ng magoo-kayo-kundi-masasapak-ko-kayo-look. Kaya ang sagot nilang lahat...

"Y-yes coach. Kaya naman po namin kahit wala si Chad." Pfft.. takot din pala sila kay epal kahit papaano.

Huminga muna ng malalim ang coach nila bago siya nagsalita.

"Okay. Basta gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo.  Okay Team East?!"

"YES COACH!" sabay sabay nilang sigaw.

Nagsimula na ulit ang game.

Umupo sa tabi ko si epal. Nakatingin ulit siya kila Angel, galit na galit ang mukha niya. Nakakuyom na nga ang mga kamao niya eh. Ngayon kasi nagkukulitan yung dalawang MAGBESTFRIEND. Tsk. Tsk.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka madamay na NAMAN ako sa init ng ulo niya.

Hanggang natapos na ang game at siyempre TEAM EAST ang panalo. Kayang-kaya naman pala talaga nila kahit wala si Chad.

Nang konti na yung mga tao. Pumunta na din si Mela sa akin. Lumapit sa amin ni Mela sila Brent, Mike, at Paulo. Sila Kent, Chad, at Ivan kasi sabay sabay umalis pagkatapos ng game. Siyempre kinongratulate ni epal ang mga kateammates niya. Dapat lang no.

"Congratulations!" sabay naming sabi ni Mela and smiled.

"Thank you." Sabay sabay din nilang sagot.

"Sino yang kasama mo?" sabay sabay naman nilang tanong.

"Ah.. siya si ----" pinutol ni Mela ang sasabihin ko. Kapag talaga gwapo ang bilis niya.

"I'm Melanie Montellaba. Kaibigan ako ni Princess." mabilis na sagot niya at inabot niya ang kamay niya para makipag-shakehands.

"I'm Mike."

"I'm Paulo."

"And I'm Brent." nakipag-shakehands sila isa-isa.

"Ah. Nice to meet you Mike, Paulo and Brent." masayang bati niya at ngiting ngiti.

"Nice to meet you too Melanie." Sabay sabay nilang sagot at ngumiti din.

"Uh.. sige mauna na kami ah." Singit ko sa kanila at ngumiti ng pilit. "Sige. Bye!" hinigit ko na si Mela. Matutunaw na kasi silang apat eh. Nakatitig ba naman sa isa't isa. Paano kaya nagawa ni Mela titigan yung tatlo na yun? Haha.

"Prend, ang gwagwapo nila no? Crush ko na sila!" sabi niya pagkalabas na pagkalabas namin sa gym at sabay kiliti sakin. Sobrang kilig naman nitong babae na to. Nakakita lang ng gawapo, crush na agad? Kakaiba din.

"Uy, ang landi mo ah. Four timer ka ganun? Chad, Mike, Paulo at Brent. Ang dami ah. Haha."

"Crush lang naman eh." she pouted.

"Sabagay crush nga lang naman. Pero prend parang crush ka din nila." I teased.

"Talaga?" sabi niya with matching talon talon pa habang nakahawak sa braso ko.

"Oo naman sa ganda mong yan. Pero si Mike iba yung tingin niya sayo eh. Ibang iba kumpara dun sa dalawa."

"Iiih! Kenekeleg eke. Pero paano yung tinging ibang iba?"

"Uh.. parang gusto ka pa niyang makilala ganun."

"Talagang talaga? Niloloko mo lang naman ata ako eh."

"Hindi ah! Basta ibang iba yung tingin niya.. hindi ko maexplain." napansin ko talaga yung tingin ni Mike kanina. Ewan ko may feeling lang ako, weird.

"KYAAH! Hindi lalo ako makakatulog niyan sa sinabi mo. Tara na nga. Haha." humawak na siya sa braso ko. Naglakad nalang ulit kami hanggang maka-uwi na. 

Si Mela? Ayun hanggang paguwi niya kinikilig pa din. Tsk. Tsk. Baka nga hindi na yun makatulog dahil sa kilig. Luh? Baka pagpasok nun malaki na ang eyebags niya, ako pa may kasalanan. Bakit ko pa kasi sinabi?

The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon