New Friend

2.1K 58 11
                                    


Larah's point of view(POV)

Pagkagising ko sa umaga agad akong bumangon sabado nga pala ngayon nagshower ako saglit.

Pagkatapos kong magbihis bumaba ako agad at pumunta sa sala walang tao kaya dumiretso na ako sa kusina.

Nakita ko si tita na naghahanda ng umagahan.

"Goodmorning tita"sabi ko sabay halik sa pisngi nito.

"Goodmorning, siya nga pala patapos na ako dito tawagin mona ang ate at papa mo pati na rin pamangkin at kuya mo"

"Ahhmm si tito po"

    "Ahh sige tawagin mo na rin, wala si Marvin hinatid lang si Samantha kagabi di pa umuiwi,alam mona yun" sabi ni tita nang nakangiti.

"Ahh, sige tita tatawagin kona sila"tumango lang si tita bilang tugon.

Pumunta ako agad sa guest room sa malapit sa swimming pool nakita ko si papa na kakatapos lang maligo.

"Pa, kakain nadaw, halikana"

"Ahh, sige, sige, may kukunin lang ako at susunod na"

Kinatok ko ang guest room sa itaas at bumukas ito nakita ko si ate na kakaligo lang

     "Goodmorning, ate baba na daw kakain na sabi ni tita"

     "Goodmorning, sandali lang bibihisan ko lang pamangkin mo"

      "Sige tawagin kolang si tito, baba kayo agad ahh"
"Sige"

Nagpunta ako sa kwarto nina tito at kinatok ko ito.

"Tito...."

Bumukas ito at lumabas si tito

"Anong kailangan mo hija"sabi nito

     "Baba nadaw kakain na sabi ni tita"

"Ahh, sige, sandali lang pababa na ako, mauna na kayo susunod  na ako"

"Ahh, sige po"

Bumaba na ako at pumunta sa kusina.

Nakita kong naghahanda si tita ng pagkain sa mesa kaya tinulungan kona.

"Asan na pala sila?"

"Si ate pababa na" sabay turo ko sa itaas"ayy andyan na pala ouh"

"Goodmorning" at nagbatian na sila.

"Goodmorning sainyo"

Nilingon namin sina papa at tito na magkasabay na dumating.

"Tara,kumain na tayo at pupunta pa tayo sa resort ni Elmer"
   "Ahh, sige pagkatapos nating kumain, maghanda na kayo para sa ating pag-alis"sabi ni tito.

     "Itong si pareng Elmer nga naman lalong umaasenso" tugon ni papa.

     "Nakatapos na kasi yung dalawa niyang anak"

"Ahh, sina Ben at Nadine, naku malalaki na talaga ang mga batang yun" sabi ni papa

"May asawa na nga si Nadine, eh"

"Ang bilis nga naman ng panahon" nasabi nalang ni papa

   " eh, pare ito bang si Larah hindi pa mag-aasawa?" Sabi ni tita muntik na akong mabulunan dun ah

"Naku naman tong dalagang to, ewan ko dito, ehh nakatapos na may trabaho na, ehh wala paring nobyo"  si papa yun.

"Pari dadating din yan sa ganyan ang batang yan"

"Kayo talaga wala pa sa isip ko ang ganyan" nasambit ko nalang

"Kailan kaba mag aasawa kapag singkwenta kana" sabi ni ate at nagtawanan naman silang lahat.

MY FIRST AND LAST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon