Prologue

306 11 1
                                    

Kinuha ko ang mga gamit sa kwarto na dadalhin ko sa Aexearene Academy na pag lilipatan ko.

Ewan ko ba rito kay Ate Dion at pinapalipat pa ako roon eh ang ayos-ayos ko naman sa eskwelahang pinapasukan ko ngayon.

Ang gulo ng utak talaga nun eh.

"Aphrodite!" Sigaw ni Ate mula sa labas na daig pa nakalunok ng microphone na sira... Ang sakit sa tenga ng boses, abot sa utak.

"Makasigaw Ate? Concert mo?"

"Manahimik ka Aphrodite, napakakupad mong kumilos daig ka pa ng pagong..."

"Ate chill... Ako lang to oh... Kalma, kapatid mo ko oh... Aphrodite Liana parin to" pag papakalma ko sa kaniya.

Baka kasi biglang atakihin to kahit walang sakit, kasalanan ko pa mahirap na...

Mahiyain pa na naman ako, hindi ko siya madadala sa ospital kaya inunahan ko na.

Naks talino mo Lia! keep it up. (◠‿◕)

"Tantanan mo ako Aphrodite..." saway niya sa akin saka nag simulang mag maneho.

Daming anes aalis rin pala. Eh kung kanina pa tayo umalis edi sana mas maaga.

Hayst Dion ayaw gagaya sakin eh... Sayang brain!

Nagising ako sa naramdaman kong tapik sa binti ko. Nakatulog pala ako?... Kupad kasi mag maneho ni Ate.

"Nandito na tayo"

"Kita ko nga" Agad dumapo ang flying hands sa braso ko. " Aray ko naman Ate!"

"Nang-aasar ka?"

"Hindi no... Nanahimik nga lang ako dito! Pag ako nagkaroon ng bruise sa pinag gagagawa mo isusumbong kita sa dermatologist ko!"

"Tumigil ka... Hindi na kita ihahatid pumasok ka na roon" utos niya saka inalis ang lock ng pinto.

Maka-utos wagas? Hay Dion tsk.

"Ate nahihiya ako"

"Meron ka non?" Pabalik na pag aasar niya. Tignan mo to? Tumigil raw tapos ako naman pinupuntirya?

"Ate ganda ka?"

"Anong pinag sasasabi mo?"

"Di mo alam? wala ka kasi nun." Muli ko na naman naramdaman ang pag lagapak ng flying hands niya sa akin.

Ayoko na talaga! Kunin niyo na ang Ate ko! Char.

"Maka-alis na nga... Baka mamaya baldado na kong lumabas rito kakahampas mo"

"Umayos ka dun Aphrodite ha"

"Depende" Walang gana kong sagot sa kaniya kaya agad na tumabingi ang ulo niya.

"Anong depende?"

"Depende sa mood ko" Sagot ko saka mabilis na nag lakad papaalis dala dala ang mga gamit ko para hindi na niya mahampas.

Kawawa naman ang katawan kong inapi na niya. Lamog na lamog na ang braso ko tsk.

Ang laki ng eskwelahang ito. Eskwelahan nga ba to? Baka mansyon nga.

Hindi rin ako sure kung pag aaral nga ang ipinunta ko rito dahil puro damit ang dala-dala ko.

Wala man lang notebook, ballpen, wan hul, wamport, wanhap, miski tape eraser wala?!

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon