Simula

17 1 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction and imagination. Names of the characters, places, and events are caused by the author's imagination. Any connections to what happens in the reality are coincidental.

Maaari kayong makakita ng wrong grammar dito at misspelled words kaya kung ayaw mo sa ganon, edi wag charot. 'Di kagalingan sa Ingles ang author kaya pag pasensyahan niyo na. May mae-encounter din kayong mga bad words so be aware of it.

(This is my first story, so sorry na agad sa mga mali. Mwaa!)

* * *

krinnggggg krinnggggg~

Inis kong pinatay ang alarm sa cellphone ko dahil ansakit neto sa tenga. Tinignan ko ang oras at 7:20 na ng umaga, aga aga pa eh. Tumayo na'ko at inayos ang higaan at narealize kong napakagulo ko pala matulog, heniweys ako'y tumungo na sa CR para maghilamos at mag-toothbrush.

"Ang lalim na ng eyebags mo inday, uso din naman kasi matulog maaga," sabi ko sa repleksiyon ko sa salamin habang nagsasabon ng mukha. 'Di ko nalang talaga alam pag sumagot 'to.

Lumabas na'ko ng CR at bumaba na para mag-almusal. "Oh, gising kana pala. Kain na at baka malate kapa," sabi ni Manang sa'kin.

"Maaga pa naman po Manang, anong oras palang oh," sabi ko nang nakaturo sa orasan.

"Maaga panga, eh ambagal mo kumain kaya dali na," sagot ni Manang na totoo naman. May kabagalan ako kumain lalo na 'pag inaantok o kaya naman 'pag tinatamad pang kumilos.

Nang natapos akong kumain ay dinala ko na ang pinagkainan ko sa lababo, si Manang naman kasi maghuhugas non kaya umakyat na din ako sa kwarto ko. Pumili ako ng damit na susuotin, linapag sa kama, at dumeretso na'ko sa CR para maligo.

Matagal ako laging naliligo dahil dinadala ko pa ang maliit na speaker ko para magpatugtog. Nang natapos ako ay nagbihis na ako at pinatuyo ng kaunti ang buhok.

Pumili pa'ko ng sapatos at sinuot iyon. Sandali akong tumitig sa malaki kong salamin at nagsalita, "Mag-iipit ba'ko? o lugay nalang?"

Sa huli ay naglugay nalang ako dahil medyo basa pa ang buhok ko at baka sumakit pa ang ulo ko habang nasa byahe. Marami ang nagsasabi lalo na yung mga nakakakita sa'kin na nagpakulay daw ako ng buhok, pero ash brown talaga ang natural na kulay ng buhok ko. Kung bakit ay 'di ko rin alam.

Tinanggal ko na sa saksak ang cellphone ko at tinignan ang oras, 8:04 na at 8:30 ang klase ko. Mabilis lang naman siguro ang byahe at walang traffic.

Kinuha ko na ang backpack, cp, at bench & bath. Di pwedeng wala akong dalang kahit anong pamunas noh. Bumaba na'ko at nagpaalam kay Manang.

"Manang, alis na po ako."

"O sige, lumabas kana at susunod nalang ako para isara yung gate. Ang helmet wag kalimutan." sabi niya nang marinig ako. Nasa likod yata o baka nasa kusina. Sumagot ako at lumabas na para buksan ang gate. Pinaandar ko ang motor ko at huminto sa tapat para bahagyang isara ang gate, baka looban pa kami eh. Sinuot ko ang helmet ko gaya ng sabi ni Manang, baka din kasi mahuli ako, mahirap na. Gumora na'ko at mabuti nalang ay hindi traffic, 8:20 na nang makarating ako sa school.

"Iha, bago ka?" tanong ng guard nang lapitan ko siya pagtapos kong igarahe ang motor ko, para sana magtanong kung saan ang room ko.

"Ah, opo." sagot ko. "Pwede ko po bang matanong kung saan ang room A9 Kuya?" tanong ko na bahagyang nagpaliwanag ng kanyang mukha.

"Oo naman, akyat ka lang doon sa hagdan tapos hanapin mo nalang. Mayroon namang marka na 'A9' sa taas ng pinto kaya madali mong mahahanap."

"Salamat po Kuya." sagot ko at naglakad na'ko. Huminto ako saglit at chinat ang kasama ko.


me: hoy! baka akala mo ay anong oras palang at wala ka pa dito.

: HAHAHAHAHAH teka lang babe, otw na.

me: babe amputa, tsaka anong otw ka dyan.
: on the water?!

: nadale mo master HAHAHAHA

me: gagang to, first day late ka? bilisan mo!

: eto na master, babaii:)

Bwisit na 'to, unang araw na unang araw late amp. Well, 'di naman ako ang mayayari 'pag nagkataon. Umakyat na'ko sa 2nd floor pero habang naglalakad ako at hinahanap ang room ko ay tinitignan ako ng ilang estudyanteng naglalakad din sa hallway.

Yung tingin na akala mong marami akong ginawang kasalanan sakanila, at yung tinging mula ulo hanggang paa na parang hinuhusgahan ako. Kahit ganon ay patuloy lang ako sa paghahanap ng room ko, mahaba ang hallway at wala pa'ko sa gitna. Nag-bell na kanina pero may ilang estudyante parin na natira sa labas, at 'yun ang pinagtataka ko.

'Di ako nagmadali sa paglalakad dahil nakakatamad bilisan ang kilos. Ang tawag sa mga sections ng school na 'to ay mixture of a letter and a number. 'A9' ang sa section ko, the A stands for 1st section I guess and then the number stands for the grade level. Maybe my section is a star section.

Kumatok na'ko sa pintuan at sandali palang ay binuksan na ito ng isang babae, our adviser. "Goodmorning Ma'am," bati ko dito sabay tingin sa mga kaklase ko. "Goodmorning," sabi niya at dumeretso na sa table niya. "Kindly introduce yourself to your classmates," sabi niya kaya tumayo ako sa tabi ng teacher's table at nagpakilala.


"Goodmorning, I'm Danavanne Sandiego."


...

That One GirlWhere stories live. Discover now