✌ Chapter 23 Part 2✌

126 3 3
                                    

[Jongin's POV]

Paglabas ko ng kwarto naabutan ko si suho hyung na nakaupo dun sa Mini Table set habang umiinom ng kape at may binabasang papers. Lumapit naman ako kay hyung diba kasi sabi nya maguusap daw kami?

Lumapit muna ako at umupo sa tabi nya, pero di ko muna sinabi na kakausapin nya ako mamaya papagalitan lang pala ako eh dahil dun sa nangyari sa labas.

"Hyung sorry pala dun kanina sa ginawa ko kay V. Di ko lang mapigilan sarili ko eh, nakakayamot kasi hyung " sabi ko, kasi alam ko din na mali naman yung ginawa ko kahit na sabihin nating inaasar nya ko.

"Oh bakit ka sakin nag sosorry? E diba dapat kay V?" Sabi ni hyung sakin habang binababa yung mga binabasa nya at humarap sakin. Tumango na lang ako "Alam mo kasi jongin! Wag laging pinapairal ang init ng ulo ok? Halika dun tayo sa labas magusap" sabi ni hyung tapos tumayo sya at sinundan ko na palabas.

Tinitignan pako ni Baek hyung ng nananakot pa with hand gestures pa yan ha! Tuma tawa tawa naman si chanyeol habang nakaupo sila dun sa may sofa set sa at nanonood ng movie. Si lay hyung nakaupo din dun kaso natutulog lang.

Lumabas kami ng Room namin at dumeretso sa may malapit sa hagdan dun sa may veranda at umupo dun sa wooden sofa set at tumingin lang sa dagat, kasi salamin na malaki lang yung harang kaya kitang kita yung view.

"Jongin, alam mo dapat wag mo pairalin init ng ulo mo, alam ko nanaman or maybe alam na din nila na may gusto ka na kay soo, halata naman na eh, don't deny it. Tsaka wag kang masyadong possesive. Alam ko namang magasawa na kayo pero panget kasi e" sabi ni hyung pero di pa din sya nakatingin sakin, seryoso lang yung mukha nya.

"Hyung, oo aaminin ko naman na nafafall na ako sa kanya eh o mahal ko na nga ata sya eh. I really don't know yung nararamdaman ko towards him, pero kasi diba ang hirap lang lalo kung may aaligid aligid pa sa kanya, nakakaselos kasi hyung! Nakakayamot lang na may umaaligid pa sa kanya kahit alam na may asawa na yung tao, kabanas." sabi ko ng nakaharap sa kanya kaya napaharap na sakin si hyung.

"O ayan ka nanaman! Alam mo jongin di din naman kasalanan ni V na mag kagusto kay hyung mo, di naman nya kasi alam na mag asawa na kayo ni soo diba? Kami nga lang ata nakakaalam nun eh. Di naman kasi mahirap mahalin si soo dahil sa mabait sya, talented sya, at higit sa lahat madali syang pakisamahan kaya siguro nagkagusto si V" sabi ni hyung

"Di ba nya nakikita to hyung? As if naman na makukuha nya si hyung. Una pa lang ako na yung mahal ni hyung--" naputol yung sasabihin ko dahil sumingit si hyung "Nauna ka, pero di mo pa sya mahal nun, worse di pa tama yung ginagawa mo sa kanya" sabi ni hyung. Naalala ko tuloy yung sinabi ni taehyung kanina yung pasakay pa lang kami ng bus! Ganyang ganyan din yung sinabi nya kasi

"Oo hyung alam ko nanaman yung mga pagkakamali ko nun eh. I was on a state of shock pa kasi, diba nga hyung kami pa ni krystal nun? Tsaka i'm not a gay for pete's sake. That time galit na galit pako kay dad kasi sa lahat lahat ba naman ng ipapa fix marriage sakin sa isa pang gay and di madali hyung yun para sakin specially straight ako, alam ko alam mo yun hyung" sabi ko.

"Oo alam ko yun jongin, pero sa tingin mo tama ba na kayo pa din ni krystal kahit kasal na kayo nun ni soo? Na dun pa kayo minsan sa bahay nyo ni soo magkasama ni krystal? Di mo kasi nararamdaman yung ginagawa mo kay soo eh, yung mahal mo yung isang tao pero may mahal din syang iba, yung pinaglalaban mo sya pero wala syang pake sayo tapos maypinaglalaban din syang iba! " sabi ni hyung. Di ko alam yung nararamdaman ngayon gusto ko umiyak pero ayoko naman sa harap ni hyung. Bruh too gey err.

"Alam ko naman yung ganong feeling eh hyung kaso nga ang problema nung time na yun ay di pa ako mentally at physically ready sa mga ganong bagay na mkakasal sa isang gay, yung mga sinabi ko noon hyung parang kinakain ko na nga ngayon eh. Sabi ko dati na never ako maiinlove sa kanya pero tignan mo ngayon kulang na lang maging obsess na ako sa kanya, yung naaasar ako pag may dumidikit sa kanya, yung naiinis ako pag may kumakausap sa kanyang ibang tao lalo na si taehyung, parang kulang pag wala sya. Yung ganon hyung " sabi ko.

I Love Him, but He love Her {ON  GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon