Halos sabay-sabay na nagsidatingan ang mga kaibigan ng asawa ko. Kaya nga lamang ay mukhang hindi katulad ng dati ang mga ito na magugulo at maiingay.
Dire-diretso lamang sila sa sala at umupo. Walang nagsasalita, pare-parehong tahimik at mukhang may malalalim na iniisip.
Kahit ang tinipla kong apple juice at inihandang sandwich na nakahapag sa center table sa sala ay hindi pinansin ng mga ito. Nakakapanibago ang lahat, wala yung pag aasaran nila. Napapaano ba ang mga ito? Halos silang lahat ay madidilim ang anyo.
Kanina pa ako pasilip silip sa may sala, busy kami ni Nida naghahanda sa hapag kainan para sa hapunan. Kare-kare, chicken barbeque at lechon kawali ang naisipan naming ihanda ni Nida. Nakapagluto rin ako ng rice cake na gustong gusto ni Kuya Altis at Luna.
"Hi kuya?" naulinigan kong bati ng kadarating na si Vera
Mabilis itong lumapit sa kanyang kuya Neith at masuyo siyang hinalikan sa noo. Agad naman akong pumunta sa sala at nilapitan si Vera.
"May namatay ba?" Vera's rolling her eyes.
Sabay-sabay na binalingan ng mga lalaking nakaupo si Vera nang matalim at nakakatakot na tingin.
"What? Look at all of you! Mukha kayong mga ewan." Pamaldita pa nitong saad.
Wala naman nagsalita sa mga ito. Napakibit balikat na lamang ako sa aking sister in law.
"Where's Luna?" she asked
"Wala pa siya." Wala na naman sumagot sa kanila kaya ako na lang.
"Sabi niya she's on her way na daw. My! Lagi na lang late yun!" maarte pa nitong sambit.
Mabilis kaming napalingon sa may pintuan ng bahay dahil sa narinig namin ang ugong ng makina ng sasakyang motor ni Luna.
"Well she's here sa wakas, I'm so hungry na." deklara pa ni Vera
Nakita ko sa gilid ng aking mata na mabilis na nagsitayuan mula sa pagkakaupo ang mga lalaking kasama namin, bakit ba nagkakaganito ang mga ito?
"Oh my God Luna!"
Nabigla ako sa boses ni Vera at mabilis akong napatingin sa babaeng bagong dating.
''Diyos ko po, anong nangyari sa kanya?'' Bakit namumula ang kanan nitong pisngi at may naka plaster sa gilid ng noo niya, halatang may sugat na nakatago roon.
Napalingon ako kina Neith, kitang kita ko na nanghihinang napaupo muli sa Kaide sa couch at napufrustrate na sinuklay ng kaniyang kamay ang buhok. Sina Nero at Monti naman ay sabay na napahilamos ang mukha habang bumuga ng malalim na hininga. Malamig ngunit madilim ang anyo nina Neith at Kuya Altis habang nakakuyom ang mga kamao ni Alpha.
May alam ba ang mga ito sa totoong nangyari kay Luna?
"What happened?" eksaheradang bigkas ni Vera
"Nadulas ako kasama ang motor ko sa may kanto habang paliko." Natatawa pa nitong sagot habang kinakati ang leeg sa likuran.
Mabilis akong nagpunta sa may kusina at kumuha ng palanggana at bimpo, nagbuhos ng malamig na tubig. May nakita din akong cream na makakatulong upang mawala ang pamumula sa mukha ni Luna.
Nagmamadali akong nagbalik sa may sala, napansin ko na ni hindi man lang nakakilos ang mga kalalakihan, kung paano ko sila iniwan kanina ay ganun pa rin ang itsura ng mga ito. Mabilis kong kinuhanan ng upuan si Luna at agad binigyan ng first aid.
Ano bang nangyayari kina Neith, kapag ba ganitong may emergency ay tatanga tanga na lang sila. Ni hindi man lang naisip na paupuin ang naaksidenteng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 1) Neith Vidar Oliveros
General FictionPaano mo mapapaibig ang asawa mo kung sa una pa lang ay napilitan lamang siya na pakasalan ka? Paano mo mapapaamo ang isang malamig at snob na si Neith Vidar Oliveros? Kumusta kaya ang buhay may-asawa sa piling ng isang lalaking malamig pa sa yelo...