"Sassy, gumising kana dyan!" na pakamot ulo naman ako dahil sa sigaw ni nanay.
"Mamaya na nay," inaatok na sabi ko.
"Anong mamaya! bilisan mo nakakuha na ako ng trabaho," agad naman akong napabangon.
At lumabas sa maliit kung kwarto.
"Talaga nay ano?" tanong ko.
"Side line lang naman anak. Kada lunes, huwebes at sabado lang ako." napatango naman ako.
"Ehh ano naman yun nay?" tanong ko ulit.
"Pinalilinisan lang saakin ang mansyon. Yung sa kabilang baryo. Yung lumang mansyon." napatango naman ako mabuti nalang kung ganon. Dagdag narin yun.
"Anong ulam nay?"tanong ko at hinalungkat ang laman ng maliit na ref namin.
"Hindi pa ako nakapag luto bumili kanalang doon." agad naman akong tumango.
Kinuha ko yung wallet ko. Medyo malaki ang kita kaya binigay ko kay nanay iyon.
"Kayo napo bahala mag budget lahat nay." ani ko at inabot sakanya ang pera.
"Nag iwan kaba ng saiyo?" tanong ni nanay. Kaagad naman akong tumango.
"Nag iwan ako ng 200 para sa pamasahe at pag kain ko doon." ani konalang.
"Nako Sassy malaman kolang talaga na hindi pala pag sasayaw ang ginawa mo doon!" ito nanaman si Nanay.
Napakamot ulo naman ako.
"Nay naman ehh!" reklamo ko.
"Ano ba Coly! wag mong pakialaman ang gamit ko! akin nayan!" napatingin naman kami sa nag babangayan na si Keisha at Coly.
"Ano bayan ang aga aga ang iingay nyo!" hirit na nanay.
"Si Keisha kasi nay may pinagapantasyahan ito ohh!"
"Cony!" sigaw ni Keisha. Imbis na si mama ang kumuha ng magazine ako ang humablot non.
"Ano bato?" takang tanong ko.
"Akin na ate!" namumulang sabi ni Keisha.
Tinaas ko naman yun kaya hindi nya nakuha. Dahil mas mataas paako sakanya. Naningkit naman ang mata ko.
"Hoy Keisha baka tumitingin ka ng p*rn huh?!" bulyaw ko sakanya. Agad naman itong namula.
"Ano ba te! hindi naman p*rn yan eh!" maktol nya at umalis.
Tumongo sa kwarto nya. Mabuti nalang at sariling bahay at lupa namin ito kaya hindi nakami nagungupahan.May tatlong kwarto dito. Pero maliliit lang naman.
May maliit na mesa at limang upuan. Doon kami kumakain.
At may dalawang dikahoy na upuan. At maliit na mesa sa gitna nito. At may maliit na TV sa harapan doon kami tumatambay.
Ordenaryong bahay lang naman ito. Di gaya ng mga mayayaman.
Tumongo muna ako sa kwarto ko at nilagay ang magazine sa kama ko. Mamaya konalang ito bubuksan kung ano bang pinagkaka abalahan ni Keisha doon.
Nang maalala ko ang utang namin kay biboy kaagad kung binyaraan iyon. Dahil baka ratrat na naman ako sa mama non. Napaka daldal ng dila. Parang hindi nauubusan ng salita. Ang bilis pa mag salita.
"Oy Sassy balita ko nag tatrabaho karaw sa bar?" napahinto naman ako ng may nag salita. Halos mapairap ako sa kawalan si Beca. Kasama ang mga aliporis nya na si Purka at Cece.
Dito rin naman sila nakatira kapit bahay namin. Hindi naman sila mayaman talaga. Sabihin nalang natin nakaangat ang buhay nila dahil. Yung ate nila nag ja-japan. At yung ama ni Beca nag driver sa isang mayaman dito sa syudad.
YOU ARE READING
MR. Billionaire got me pregnant
Random"Panagutan mo ako!" yan agad ang unang lumabas sa bibig nya. she's Sassy Morene Wenson pangalan lang ang mayaman sakanya. pero hindi talaga siya mayaman wala rin siyang pernimenting trabaho. kaya naman napilitan siyang pumasok sa club para maging d...